Showing posts with label Now and Then. Show all posts
Showing posts with label Now and Then. Show all posts

Tuesday, May 28, 2013

Bakasyon

- 0 (mga) komento
Ngayon ay May 28, 2013. Huli kong entry nung March 27. Dalawang buwan bago ako gumawa ulit ng bago. Update na lang tungkol sa kung anuman ang bago ngayon. Heto ako ngayon, graduate na. Nagtapos ako April 12, 2013. Sabi ng mga kaibigan kong di pa tapos mag-aral, manlibre daw ako. Pero sabi ko, ang mga nililibre, mga gumradweyt, at ang nanlilibre, yung mga magulang ng gumradweyt. Kung gusto niyo malibre, gumradweyt din kayo. Ewan ko ba sa mga 'to, nanlilibre naman ako pag may pera. Anyway, nagkaron nga pala ako ng bagong cellphone bilang regalo sa 'kin. Cherry Mobile Omega HD, google mo na lang for the specs,. Then after 25 days, nadukot sa LRT, Gil Puyat Station. Less than 6 hours lang naman ako nag-emo para sa cellphone ko dahil di ko pa naman talaga balak magka-cellphone na maganda at mas nalungkot pa ko sa pangyayaring sumunod no'n ding araw na iyon (hindi ko na ikukwento hehehe).




So gradweyt na nga ako. Now what? Tapos na, hindi na ko estudyante. Regular fare na bayad ko sa jeep, wala nang discount. Tambay na lang sa bahay 24 hours a day. Pero habang tambay, meron pa rin akong dapat pagkaabalahan, at iyon ay ang thesis na hindi na ko nilubayan. As usual hindi ko pa rin inaasikaso. Sarap sana mag-apply ng trabaho kung may pinatutunguhan. Pero gano'n talaga, kailangan magtiyaga para may sinaing, este nilaga. At kailangan makahanap na ko ng trabaho para makabili na ng sariling bahay, lupa, gamit, lahat basta sarili. Nakakasawa rin maging pabigat sa bahay. Tapos no'n pwede na mamatay muhahaha.

Iyon lang siguro. Trinry ko lang magsulat ulit ng bago. At heto nga pala, blog of a friend of mine, basahin niyo baka maging interesado kayo.

http://ilovepinkypinkpastels.tumblr.com
Cute ang blog niya.
[Continue reading...]

Sunday, November 4, 2012

Death Wish

- 0 (mga) komento
Marami tayong gusto sa buhay. Mga materyal na bagay, mga makamundong kaligayahan at iba pang mga hindi natin madadala sa langit pag tayo ay namatay. Pero makasama lang kita ok na ko. Ehem ehem back to topic. Isang araw nagkasakit ako. Nilagnat ako, pero hindi ko inaasahan na ito yung lagnat na hindi ko kakayanin ng mag-isa. Buhat sa pangyayaring ito, at nataon na rin sa panahon ng halloween/all saints day/all souls day, bigla kong naisip ang mga bagay kung sakali mang mamatay ako. Ano-ano nga ba ang mga ito?



Naisip ko kung sakali mang mamamatay ako, huwag naman ngayon kasi hindi matutupad ang death wish ko. Ano nga ba ang mga bagay na gusto ko sa oras na mamatay ako? Unang una, ayokong galawin/ipamigay/ipamahagi/hiramin/amuyin/gamitin ang mga gamit ko. Iyon lang naman pagdating sa mga ari-arian ko kasi balak ko pa mabuhay ulit after a year if possible. (hahaha). Nope, I'm just kidding, di ko pa alam gagawi ko sa mga gamit ko, pero pagdating ng burol meron na akong plano.


Kabaong. Kung nanonood ka ng mga horror movie lalo na 'yung tungkol sa mga bampira (hindi horror ang twilight) eh malamang nakakita ka na ng kabaong na hexagon. Sa pagkamatay ko, gusto ko ganoon ang kabaong ko, kasi ayoko ng rectangle na makintab, masyadong mainstream. Bukod sa pagiging hexagon, gusto ko kasya dalawang tao. Bakit? siyempre iyon na ang mga huling araw na makikita nila ako. Gusto ko pwede silang magpapicture katabi ko, para memorable tutal uso na cellphone na may camera ngayon. Nasa kanila na lang kung magpapapicture sila kung matatakot sila. Wala naman ako magagawa sa kanila kasi patay na ko. At matutuwa pa ko kung mas maraming magpapapicture, kasi ibig sabihin may tiwala sila sa akin na hindi ko sila tatakutin habang naka-posing sa camera. Pagdating naman sa kulay, itim ang gusto ko sa labas tapos pula naman sa loob. Ayos na iyon, para hindi dumihin.


Inumin at Pagkain. It may sound stupid pero naisip ko what about Starbucks ang kape ng mga kaibigan ko (sila lang ha, hindi kasama mga tambay at nakikilamay) tapos may kapares na Krispy Kreme o kaya Bread Talk na meryenda. Pero kung hindi pasok sa budget, ok na yung Happy-Haus Donuts. Siyempre ito ay para na ring pasasalamat sa mga oras na nautangan este natulungan nila ako. Huwag lang sanang marie buiscuits kung talagang wala, kung ayaw nila bumangon ako sa kabaong.



Activities. Parang birthday party lang, may clown, may entertainer, may palaro. Ayaw ko ng sugal, dahil hindi naman ako sugarol. Gusto ko kahit isa lang na arcade unit ng Tekken meron sa burol, or Three-Puck Play. Kahit Playstation console ok lang. Basta meron silang napaglilibangan. Mas ok kung magkakaroon ng Yu-Gi-Oh! Tournament sa burol ko, masaya 'yun! Premyo, lahat ng cards ko pati peke kasama.



Music. Karaniwan sa burol, tahimik, walang tugtog. Puro chismis lang. Puro kwentuhan. Gusto ko meron guest na banda. Either The Bloomfields o kaya The Bloom Brothers (they are 1 band split into two because of....muscal differences daw). Sila 'yung banda na masaya tumugtog. At tinutugtog nila yung mga tugtog na hindi mo na maririnig ngayon kasi natabunan na ng mga kung ano-anong basurang tugtog. Eraserheads sana kaso mahal fee nila eh. Tsaka patay na rin ako, hindi ko na mapapanood at di ko na rin mapapapirmahan mga eheads album ko, buti sana kung buhay pa ko sige lang. Pero kung di pasok sa budget nandiyan mga pinirata kong mga CD ng Beatles, kaya sige lang paingayin ninyo ang tunog ng 60s.



Parade. Uso pa ba ang nagpaparada bago ilibing? Yun bang nagdudulot palagi ng trapik? Kung uso pa, ang gusto kong ipatugtog doon sa karo eh yung mga naririnig ng tao karaniwan tulad ng Gangnam Style para napapasayaw sila habang naglalakad o kaya naman yung mga panDougie na mga kanta. Para na rin makarelate naman sila sa tugtog, tsaka para masaya at hindi malungkot ang atmosphere ng parada. Ililibing na nga eh, tapos ang kanta "Hindi kita malilimutan". Para tuloy lalo mo lang pinalungkot yung mga namatayan imbis na pasayahin, baka magpakamatay din yan. Tsaka iyon din minsan ang nagpapatrapik, mabagal ang kanta. Kaya't kung masaya ang kanta, yung mga naaabala sa biyahe eh makikinig din sa tugtog, at hindi na sila marahil magreklamo kasi pati sila napapa-soundtrip na rin. Huwag lang sana makalimutan ng drayber ng karo na sa libingan ang destinasyon hindi sa diskuhan.

Alam ko masasabi mo, napaka-gastos ng pagkamatay ko. Pero hindi naman para sa akin iyan, para sa mga dadalo ng burol iyan. Malamang sasabihin mo sa akin "Huwag ka na lang mamatay, ang gastos mo", well malay mo tulungan tayo ni mayor o kaya ng wish ko lang. Malay natin. "Ang dami mong kalokohan", haha. Pwede mong sabihin iyan. Pero seryoso ako tungkol sa mga nabasa mo.

Ikaw, ano ang Death Wish mo?
[Continue reading...]

Sunday, September 16, 2012

Common College Lines

- 3 (mga) komento

Isa na namang entry from my good old notebook. Last year ko pa rin to sinulat pero ngayon ko lang ita-type sa notepad, then paste sa blogger. Sana magustuhan niyo..

Bilang mag-aaral, madalas may mga sinasabi ka na sinasabi mo, na sinasabi ng mga kaklase mo, na sinasabi rin ng mga hindi mo kaklase, na nasabi na rin ng iba pang mga estudyante at malamang ay sasabihin pa ng mga susunod na henerasyong estudyante. Narito ang ilan:


"Madali lang pumasok sa PLM."
Iyan ang palagi kong sinasabi kapag tinatanong ako kung mahirap nga bang pumasok sa PLM. Madali lang naman talaga. Magsuot ka lang ng Id, daan ka sa entrance, in less than 30 seconds nasa PLM campus ka na. Kung wala ka namang Id, utuin mo yung guard makapapasok ka na (At this time of writing hindi pa mahigpit masyado, pero ngayon mahigpit na). But in terms of being a PLM Student (I hate using the term PLMayer), basta nagrebyu ka, hindi ka (masyadong) bulakbol, or atleast magaling kang manghula, papasa ka sa PLMAT (PLM Admission Test) at makapapasok ka na sa PLM bilang mag-aaral nito. Ang mas magandang tanong ay kung madali bang manatili sa PLM. Well, basta may pang-tuition ka bawat sem at kadikit mo ang majority ng mga prof, masipag ka pumasok at dumikit sa masisipag (at matatalino), madali lang manatili sa PLM. Pero kung ako sa 'yo, ikaw ang magsilbing didikitan ng mga kaklase mo para sure kang mananatili ka, I mean, maging masipag ka hindi lang pumasok pero mag-aral.


"Diskarte Lang."
Hindi ko kilala kung sino ba ang nagsabi nito pero narinig ko lang ito sa kanya. Diskarte lang daw, hindi talino. Kung magaling ka raw dumiskarte, hindi ka raw matatanggal sa PLM. Ano nga ba ang diskarte na iyon?  Pagdikit sa prof? Pakikipagkaibigan sa mga makakapitan? Paninipsip at pakikipagclose? Kung gano'n lang naman ang sistema, eh bakit ka pa pumasok? Dapat bumili ka na lang ng diploma, mas convenient. At kung magtatapos ka sa ganitong paraan, yung puro diskarte lang at walang pinag-aralan at natutunan, tiyak na diskarte mo na lang rin kung paano ka makahahanap ng trabaho.


"Magbabago na ko."
Sinasabi ko iyan palagi sa simula ng bawat sem. Siguro ikaw, sinasabi mo rin iyan? Pero wala namang nangyayari. Nauuwi rin sa removal at recon. (Magbabago na ko, .... ng course/ng school) Ang mga Pilipino mahilig magningas-kugon. Sa simula lang masipag. Sa kalagitnaan tinatamad na. Pero meron din namang sinisipag kung kailan huli na. Kung kailan tres at singko na lang ang mapagpipilian. Kaya naman minsan mas mainam nang magremoval na agad sa simula pa lang ng sem para may insurance kang tres kung sakaling hindi umabot ang grade mo. Kaso walang prof na gano'n, at kailangan mong maghintay kung magreremoval ka o hindi. Pasalamat ka kung nagpaparemoval exam ang mga prof, dahil minsan diretso singko ka pag gano'n.

"Overnight!"
Madalas nagkakaroon ng overnight ang bawat grupo sa isang klase kapag may kailangan gawin bilang isang group ang mga estudyante. Lalong-lalo na kung kinabukasan na ang deadline ng ipinapapasang document o project. Overnight, pero magsisimulang kumilos kapag madaling araw na. Tapos magtuturuan pa kung sino ang gagawa ng ganito. Male-late sa pasahan. May mag-aaway sa grupo. Magkakaroon ng tampuhan, bilangan at laglagan. Pero sa bandang huli at sa awa ng diyos, pasado ang buong grupo (pero may mga pagkakataon na talagang bagsak). Kaya naman mas mainam kung overday! Overday, o kabaligtaran ng overnight. Na kung magpupuyat ka ay hindi sa gabi kundi sa araw. Sapagkat kung sa araw ka magpupuyat, gising ang mga tao, hindi ka tinatamad, bukas ang mga tindahan at mga paprintan. At kung sa overnight, umaga na natatapos ang mga gagawin, sa overday naman ay hapon o gabi. Kaya maaaring makasabay mong matulog yung mga walang ginagawa at yung mga pagod sa pahinga. (Maari mong puntahan ang mga link na ito at ito para sa isang halimbawa ng grupo.)

"Yes, Pasado!"
Sa tuwing magtatapos ang sem, ang grade na tres kung minsan ay kinamumuhian, at kung minsan naman ay sinasamba. Depende lang sa taong nakatanggap nito. Para sa isang taong masipag, kinamumuhian ang tres. Pero sa taong nakapasa sa removal, at sa mga delikado, maituturing nila itong achievement sa buhay. Sinasamba nila ito dahil hindi na nila kailangan pang ulitin ang subject ng isa pang sem, at makatitipid sila ng panahon dahil hindi na nila kailangan magpa-add/drop o magpa-open ng subject sa summer. Para sa isang estudyanteng tamad, ang makakuha ng tres ay biyaya nang maituturing dahil nasa bingit na ito ng karimlan. Isang maling hakbang na lang, singko na (aba malay ko kung bat walang 3.25, 3.50, etc). At kung makakuha ka ng singko, tiyak na matutuliro ka na parang itinakwil ka ng langit lupa at impyerno lalo na kung mag-isa ka lang. Maghahanap ka ng masisisi maibsan lang ang kalungkutang nadarama mo. Pero sa bandang huli ay matatanggap mo naman, kung sino ba ang dapat sisihin sa mga nangyari.

"Buti ka pa..."
Malamang ay nasabi mo na rin ang mga salitang ito, na karaniwan ay merong kasunod (o pwede ring wala). "Buti ka pa, pasado", "Buti ka pa, graduate na", "Buti ka pa, may trabaho", "Buti ka pa, may pera", "Buti ka pa, pinapansin", o "Buti ka pa at mabuti ka". Karaniwan na 'tong nasasambit ng mga taong hindi gaanong nabiyayaan. Pero ang tanging magagawa lang naman nila ay tanggapin kung bakit buti pa sila ay ganito at gano'n. Isipin mo na lang na sinwerte sila, at hindi ka lang sinwerte ngayon. Malay mo e bukas lang may magsabi na agad sa 'yo, buti ka pa . 'Di ba? ("Buti ka pa binasa mo 'to...")


"Sembreak na!/Bakasyon na!
Sembreak at bakasyon ang palaging hinihintay ng lahat ng estudyante, lalong-lalo na yung mga pasmado ang isip at katawan sa walang humpay na mga gawain sa iskul. Ito lang ang panahon na makatutulog sila kung gaano nila katagal gustong matulog at makapagpahinga upang mabawi ang kanilang pagod. Minsan ay nagpaplano ng swimming at inuman. Minsan natutuloy, minsan hindi. Minsan may hindi nakakasama. Nagsasaya makaranas man lang ng pagkakataon na magsama ang mga magkakaibigan at magkakaklase hindi sa loob ng silid kundi kung saan mang lugar na malaya sa mga 'Deadline' at iba pang gawaing pang-eskwela. (Yung pic sa taas, lyrics iyan ng awiting Sembreak, by eraserheads)

Sa ngayon, heto pa lang ang mga naiisip kong mga karaniwang salita na binabanggit sa mga karaniwang pangyayari sa skul... Ikaw, baka may naiisip ka pa,... Maaari mo itong ibahagi sa pamamagitan ng pag-comment sa ibaba..



Salamat sa pagbabasa!
[Continue reading...]

Monday, July 30, 2012

Time-Space Field Trip

- 6 (mga) komento

Tag-ulan na naman. Masarap matulog. Kaya ngayong tag-ulan, motivating maging tamad kasi masarap matulog. At naisipan kong matulog.

ZzZzzzzzZz....

At napuno ng tabinging letrang "N" ang silid sa aking paghimbing.

Isang araw, nagkaroon kami ng field trip. Field trip na kung saan lahat kami ay pupunta sa isang lugar na napuntahan na namin noon, no'ng mga mag-aaral pa kami. Na kung saan mga totoy at neneng pa kami, na puro kalokohan, puro trip, puro biro, puro kopyahan, puro hiraman ng bolpen at hingian ng papel. Sa katunayan, ang lugar na iyon ay puno ng alaala sapagkat dito nahubog ang aming pagkatao, marahil sapagkat dito namin ginugol ang apat na taon ng bawat araw namin na kami ay gising, at pagdating sa bahay ay tulog na lang gagawin. Walang iba kundi sa Ramon Magsaysay High School.

Hindi ko lubos maipaliwanag ang klase ng paglalakbay na ito dahil ilang taon na ang lumipas mula ng kami ay magtapos sa mataas na paaralang iyon (mataas iyon, siguro aabot 7th floor). At kapag sumama ka, babalik ang dati mong anyo noong nag-aaral ka pa. Papayat o tataba ka ulit, magmumukhang bata, liliit, puputi o iitim, pati suot na damit ay magbabago rin. Babalik ang tingkad ng ID (para sa akin, ang peke kong ID). Ang kupas na patch sa polo, ang gomang ID Lace na puti na may itim sa gilid, ang sapatos na 3rd hand/beyond repair, bag na butas, pantalong puro nisnis at pati na rin ang mahiwagang bolpen na palaging nawawala at ang notebook na puro drowing. Ang lahat ay magbabalik sa kung ano man ang mayroon noon, ngunit mananatili pa rin naman kung ano ang alaala mo at kung ano na ang nagbago sa ugali mo ngayon. Samakatuwid, babalik ka sa dati mong anyo at pananamit kung ikaw ay sasama sa ganitong klase ng paglalakbay.

Nagsimula ang aking paglalakbay sa paggising sa umaga. Inaantok pa pero kailangan nang bumangon dahil papasok pa.

"Teka, patapos na ko ng kolehiyo ah, bakit kailangan ko gumising ng ganito kaaga?"

Maliligo, magbibihis, hindi na mag-aalmusal, pwede na ang laway na panis. Sasakay ng pedicab papunta sa labasan. "

"Pagsakay ng jeep, magbabayad kaya ako?"

Kinapa ko ang bulsa ko, wala akong cellphone. Pero tuloy pa rin ang buhay. Trapik na naman sa Lacson, kaya kailangan kong titigan ang relo ko para bumagal ang oras. Pagdating sa harap ng gate, sarado na, Tsk! Late na naman ako. Pati ba naman pagiging late, nasama sa paglalakbay na ito.

"O, A____, late ka rin pala." Buti at may nakasabay akong late din pumasok. Ang kailangan na lang gawin, maghintay ng guro na papasok sa front gate, at magte-tailgating. Pagpasok ng guro, bumuntot kami sa likuran ng guro hanggang makapasok sa gate sa loob ng skul. (Kailangan mong mag-tailgate dahil hindi ka papapasukin ng guard sa front gate ng basta-basta. Either kailangan mo ng magulang, o gurong kasama.)

Pagpasok ko sa classroom, ang lahat ay galak sa gulat ng makita ulit ang isa't isa. Sa loob ng iisang silid ay nagsama-sama na naman ang makukulit na mga estudyante. Nagdadaldalan, nag-iingay, nagpapadagdag ng sakit ng ulo sa mga titser. Ang lahat ay nagkumustahan, nagkuwentuhan kung ano na ang mga balita sa isa't isa. Ang iba ay nagsipag-asawa na at ang iba ay nag-aaral pa rin. Ngunit sa loob ng silid, ay kulang kami ng isa. Oo nga pala, hindi na siya makakasama sa amin sa field trip na ito. Akala ko complete attendance, may absent palang isa. Nakalulungkot ngunit kailangan tanggapin na hindi lahat ay nananatili. Biglang tumahimik nang mapansin nilang absent ang dakila naming taga-singil. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang kumpleto ang silid, ngayon permanente nang hindi makukumpleto. Kung sa bagay, meron na agad siyang attendance doon sa itaas. Kami na lang ang hinihintay.

"ZzZzzzzzZzzz"... !!!!!!!!!!!!!!!!!!

....Nang biglang humiga ang pusa naming pagkalaki-laki sa tiyan ko, dinaganan ako at ako ay nagising.

Hindi ko na maikukuwento kung ano pa ba ang mga nangyari dahil hindi ko na matandaan lahat. Habang naroon ako sa paglalakbay na iyon, alam ko na hindi ito totoo, ngunit parang gusto kong ulitin ulit kung ano pa man ang magaganap. Kay sarap isipin na mabibigyan ka ulit ng pagkakataon na makita mo ang sarili mo kung papaano ka naging kung sino ngayon. Mabibigyan ka ng pagkakataon na makita kung anuman ang maaaring mangyari kung sakaling may iniba ka sa nakaraan mo, at baguhin ang hinaharap, ngunit mapanganib dahil hindi mo alam kung ano-ano pa ang mga bagay na maaaring maaapektuhan. At kung anupaman ang gawin natin, hindi na natin mababago ang nakaraan. Kung may pagkakamali man tayong hindi nai-tama, kailangan nating matuto dito upang hindi na maulit ang pagkakamali.

Pandagdag na nilalaman:
Sa panaginip na iyon, kayrami kong naisip. 5.50 lang ang pamasahe ng estudyante pero 'pag nagbigay ka ng sais, wala kang sukling singkwenta sentimo. Sa loob ng limang araw makabubuo ang drayber sa isang estudyante ng 2.50. Sa loob ng jeep sabihin nating sampu ang estudyante sa bawat biyahe kaya't magkakaroon siya ng 25 pesos. Balikan o back-and-forth ang biyahe kaya magiging 50 pesos. Kaso sa loob ng isang araw, sabihin nating nakabiyahe siya ng sampung beses, bale limampung beses iyon sa limang araw kaya magiging 2,500 pesos. 2,500 pesos ang nakukurakot ng mga drayber na iyon linggo linggo sa mga estudyante.

Time-Space Field Trip. Bakit nga ba ito ang naisip kong pamagat? Ah, alam ko na. Time-Space sapagkat para kaming naglakbay sa oras, pabalik, pati na lugar at panahon. Field trip dahil buong klase ang naglakbay, ayon sa panaginip ko.

Iyon lang po, sana magustuhan ninyo.
[Continue reading...]

Tuesday, February 14, 2012

What's with Valentine's Day?

- 1 (mga) komento

Ano nga ba ang meron tungkol sa February 14? Ito yung may mark sa kalendaryo natin na heart, o kaya isang kerubin, o isang kupidong may pakpak, o kaya trollface na may pakpak, O kaya si forever alone na may hawak na greeting card. In short, February 14 is Saint Valentine's Day or simply Valentine's Day. This is the day when people show their love to their love ones, the day when they go out for a special date, the day where trollface couples are everywhere so as the forever alone faces. Pero ano nga ba ang meron talaga sa Valentine's Day bukod sa magastos ang araw na ito?

From WikiPedia:
In the 1969 revision of the Roman Catholic Calendar of Saints, the feast day of Saint Valentine on February 14 was removed from the General Roman Calendar and relegated to particular (local or even national) calendars for the following reason: "Though the memorial of Saint Valentine is ancient, it is left to particular calendars, since, apart from his name, nothing is known of Saint Valentine except that he was buried on the Via Flaminia on February 14."
Nagbasa lang ako ng kaunti kasi nagtataka ako kung bakit ba sine-celebrate ang Valentine's day.. So... Tingin ko ako lang ang nagtaka. At nalaman ko na tinanggal na 'yan sa kalendaryo natin officially dahil wala naman 'yan kinalaman sa ... what is that word? Love? Heart's Day? ... and anything related to it. Except isa siyang paring martir.



In other words, Valentine's Day is all about money, forcing you to buy expensive gifts, fragrant flowers, greeting cards, to express your what so called love. At kung totoo nga ang valentine's day na dapat sine-celebrate tulad ng pasko, edi dapat walang pasok kapag Valentine's day. Kaso meron. May pasok. Not regarded as like the Independence Day, Christmas Day, People Power, not but just a regular day except na maraming negosyanteng kumikita sa araw na iyon. At isa pa, hindi mo kailangan ng isang espesyal na araw para ipakita mo ang iyong pagmamahal dahil maaari mo naman ipakita ang pagmamahal sa kahit anong araw ng taon, anumang oras, anumang sandali, anumang mangyari.

Another bad thing about this day is nadaragdagan lalo ang population pagdating ng November dahil they show most of their love during the love month. Pero OK naman para sa mga negosyante dahil marami silang kita. Nagkakaroon sila ng pagkakataon na magtaas ng presyo, nang sa ganoon ay mas malaki ang kita during Feb. Mas maraming tao sa mga restaurant, sa mall, sa luneta at iba pang pasyalan, sa mga hotel, motel, at ang bilang ng mga nahoholdap ay mas marami din dahil hatinggabi na umuwi ang mga kabataan.

Samakatuwid, huwag maghabol sa Valentine's Day. Kung hindi ka sinagot before valentine's, ayos lang 'yan, marami pang araw. Huwag rin magsuot ng Forever Alone face dahil nariyan naman si shadow (your friend till the end) na sasamahan ka kahit anong mangyari. Iyon lang po, just can't help to be curious about this "Love Month".

There is no proportional relationship between your gift and the love you give.

Links: http://en.wikipedia.org/wiki/Valentine's_Day
[Continue reading...]

Sunday, December 11, 2011

Patak

- 0 (mga) komento
Sa aming bahay ay mayroong tatlong gripo. Isa sa malaking sisidlan, isa sa lababo, at isa banyo. Sa tatlo na iyon ay mayroong isa na patuloy ang pagpatak. Hindi ko ito pinapansin. Hinahayaan ko lamang itong tumulo ng tumulo sapagkat ako ay abala at maraming ginagawa. Hanggang sa hindi ko na ito napapansin.



Patuloy ang pagtulo ng tubig sa aming gripo. Patuloy sa pagpatak. Bawat patak nito ay mahalaga, at kailangan nitong maipon sa sisidlan upang hindi masayang. Upang sa pagdating ng araw na maghanap tayo ng patak, mayroon tayong mapagsasaluhan. Ngunit mayroon sa atin na ang bawat patak ng tubig ay binabalewala lamang at nais nila itong makita sa ibang tumutulong gripo. Naghahanap ng ibang mapagkukunan ng pamatid uhaw, kahit na mayroong malapit na mapagkukunan at nasasayang lamang. Hanggang sa dumating ang panahon na ang hinahayaan niyang pagtulo ay tumigil na sa pagpatak. Naubos na ang tubig sa gripo. At ang tanging paraan na lamang ay maghanap ng ibang tubigan na papawi sa lalamunang nauuhaw.

Huwag tayong magsayang ng tubig. Huwag natin hayaan na masayang ang bawat patak. Huwag natin ipagsawalang-bahala ang nasasayang na mga patak, dahil hindi mo alam, balang-araw, ang mga patak na iyon ay papawi sa iyong uhaw sa darating na tagtuyot. Matuto tayong sulitin ang bawat biyaya at huwag natin itong balewalain, dahil kapag nawala ito, tayo rin ang mahihirapan.
[Continue reading...]

Friday, October 28, 2011

Bumabaha ng Sasakyan

- 0 (mga) komento
Kapag umuulan, masarap matulog. Malamig. masarap mag,... matulog. Ang sarap itigil ng mga gagawin. Ang sarap mamintana at pagmasdan balutin ng mga patak ng ulan ang kapaligiran. Hanggang sa antukin ka at makatulog sa lamig na dala ng hangging naglilibot. Lalo na't sususpendihin ang klase, ang sarap mamahinga dahil nabiyayaan ka ng pagkakataon na pagpahingahin ang katawan mong bugbog sa walang humpay na mga gawain. Ang sarap talaga kapag umuulan.




Pero kapag inabutan ka ng malakas na ulan sa labas ng tahanan, sa biyahe, o habang pauwi, malaking problema ang naidudulot nito sa atin. Maraming pangyayaring hindi kaaya-aya ang nagaganap. May mga bus na nalalaglag sa fly-over, may mamang inaanod sa drainage, at may bahay na nagmimistulang palamuti sa aquarium ng mga basurang lumalangoy. Lahat iyan ay dulot ng malakas na ulan.




Dito sa atin, kahit katamtaman lang ang lakas ng ulan, bumabaha kaagad. Bumabaha ng tubig, bumabaha ng tao sa sidewalk, at bumabaha ng sasakyan sa kalsada. Pansinin mong mabuti. Kapag umuulan, nadaragdagan ang mga sasakyan sa kalsada. Biglang naglalabasan lahat ng klase ng sasakyan hanggang sa tumigil ang daloy ng trapiko. Samantalng nakasilong naman ang mga tao at hindi sila nagtatampisaw sa baha pero ang bilang ng mga sasakyan ay bigla na lamang dumarami kapag umuulan. Para bang ang lahat ay gusto ng libreng car wash. Marahil dahil nga ito sa baha, kaya bumabaha rin ng sasakyan. Kaya minsan kapag umuulan, trapik sa buong metro manila, at nawawala lamang ang trapik kapag tapos na ang ulan. Normal naman ang trapik kapag araw (at kapag swerte ka) pero kapag bumubuhos na ang ulan, bigla na lang nagsusulputan ang mga sasakyan sa paligid na parang mga kabute. Imbis na tubig lang ang bumabaha, pati mga sasakyan na rin. Mas nauuna pang bumaha ng sasakyan kaysa bumaha ng tubig. Dahil dito, marami ang napeperwisyo. Marami ang naiistranded sa biyahe. Tila naglakbay sa oras ang mga tao sa tuwing bumabaha ng sasakyan. Nagiging time machine ang mga kalsada sa tuwing tumitigil ang daloy ng trapiko. Sa apat na kilometrong byahe, posibleng mapunta ka sa hinaharap makalipas ang apat na oras mula nang bumiyahe ka. Kung umalis ka ng alas-singko, pagdating mo alas-nuebe na. Ang galing no? Ang bilis ng oras. Naranasan ko yan eh.


 Ang pagbaha ng sasakyan dulot ng mga taong lumalabas ang tunay na ugali kapag nagsimula nang umulan. Nagiging mas makasarili dahil sa pagmamadaling makapunta sa paroroonan. Sila ang mga hari ng kalsada. Mga motoristang bumili ng sasakyan para sumikip ang mga kalsada. Sila ang mga hindi marunong magparaya kapag nagkaka-trapik. Sila rin ang nagbibigay ng pang-meryenda at panigarilyo sa mga pulis. Sila ang batas ng lansangan, at ang tanging nakikita nilang kulay sa ilaw-trapiko ay berde. Kinukulayan nila ng maitim na usok ang hangin, wala silang pakialam anuman ang mangyari. At kapag nabundol ka, swerte mo na lang kapag hindi ka pinagbayad sa gasgas na idinulot mo sa sasakyan nila.




Kailan kaya darating ang panahon na hindi na uso ang mga bagay na nakasisira sa ating kapaligiran? At ang teknolohiyang nagtuturo ng kawalang-disiplina? Marahil kailangan pa natin maglakbay ng malayo sa oras, o kaya ay kumilos na tayo ngayon bago pa mawala ang oras na pinaglalakbayan natin.


Matagal ko na 'tong sinulat, ngayon ko lang tinype. Hinintay ko kasi umulan ulit para uso. He. He.
[Continue reading...]

Kumusta at Paalam

- 0 (mga) komento

"Alam mo na ba?", tanong sa akin ng dati kong kaklase no'ng hayskul pero ang pagkakarinig ko, "Saan ka pupunta?". Buti na lang at lumapit ako at naintindihan ko ang sinabi niya.

"Alam mo na ba?"
"Alin?"
"(you know what it is... ang hirap sabihin eh)"

Sa unang pagkakarinig ko, hindi ako makapaniwala. Akala ko biro lang ngunit hindi ko masabing biro dahil seryoso ang mukha ng nagsabi sa akin. Agad-agad kong sinabihan ang grupo tungkol dito. Sinabi ko itong pabiro sa text kahit sa likod nito ay isang katotohanan na mahirap tangganpin para sa amin.

Sakit sa puso ang dahilan ng kanyang maagang pamamaalam, na tila nagbunga rin ng sakit sa aming mga damdamin. Hindi namin inaasahan na ganito kaaga kaming mababawasan ng isa.

Kung pagmamasdan mo ang kanyang mga larawan, hindi mo maiisip o makikita na mayroon siyang karamdaman na nakamamatay. Palagi siyang nakangiti at para bang walang problemang ikinakaharap sa buhay. Marami siyang kaibigan na nariyan para sa kanya. Sana kung nasaan man siya ngayon, maging masaya siya at tapos na ang kaniyang mga paghihirap. Hindi na niya mararanasan ang hirap sa mundo, at hindi na darating ang mga pagsubok na naghihintay sa kaniya. Kinuha na ang buhay na ipinagkaloob sa kaniya dahil mas makabubuti ito upang hindi na siya lalong mahirapan.

Noong hayskul, hindi naman kami madalas mag-usap ngunit nakakuwentuhan naman paminsan-minsan. Siya ang dakilang tiga-singil ng mga bayarin at ang ingat-yaman ng aming klase. Kahingian ng 1/4, kahiraman ng bolpen, pero kahit hindi kami ganoon kalapit tulad ng aming magbabarkada, hindi ganoon kadali upang matanggap na ang isa sa aming kaklase na nakasama namin sa loob ng apat na taon ay wala na.

Napakaaga pa. Ngunit ang napakaaga na iyon ay huli na upang siya ay muli pang makausap, makagimik, makabiruan at mautangan. Ang tanging maihahandog na lamang namin sa kanya ay ang samahan siya na maihatid sa kanyang huling hantungan. Patungo sa lupang kanyang hihimlayan ay ang kabilang buhay na walang hangganan kasama ang dakilang lumikha.

Nawala man siya ngayon, mananatili pa rin siya sa aming mga alaala. Ganito lang naman ang buhay, kumusta at paalam. Lahat ng dumarating ay naglalaho rin nang hindi inaasahan. Hindi natin masasabi kung kailan, kung saan, at paano, ngunit masasabi natin kung bakit. Dumarating sila upang tayo ay turuan, tulungan, samahan at gabayan, at umaalis sila upang sila ay ating pahalagahan at maalala.

Paalam, Monette Cristine Navarro.
[Continue reading...]

Friday, July 15, 2011

Gising Na: Ang Tamang Procrastination

- 0 (mga) komento
Gising Na: Ang Tamang Procrastination

Araw-araw sa ating pamumuhay, sa ating pagpasok sa eskwela, sa trabaho, at sa pagdalo sa mahahalagang meeting, alarm clock ang ating inaasahan para magising tayo ng maaga mula sa mahimbing nating pakakatulog. Napalitan man ito ng mga haytek na gadgets tulad ng cellphone at iPod (pronounced as 'ay pad')/ iPad (pronounced as 'ay ped'), hindi naglaho ang silbi ng alarm clock. Sa tuwing kailangan nating gumising ng maaga, pinatutunog natin ang ating alarm clock ng malakas, kahit na pati kapitbahay nakiki-alarm na rin para makatipid sila sa battery. Ipinaaalala nito sa atin araw-araw na kailangan nating bumangon ng maaga upang paghandaan ang panibagong pagsubok sa ating buhay bago pa man sumikat ang araw.

Pero may mga pagkakataon na hindi natin napapansin ang ingay nito at patuloy tayo sa ating mahimbing na pagkatulog. Hindi natin naririnig ang pagmamakaawa ng ating munting tagapaglingkod upang tayo ay magising sa katotohanan na hindi pa ito ang tamang oras upang magpahinga dahil marami pa tayong kailangan gawin upang tuparin ang ating mga pangarap at maging makatotohanan ang ating mga panaginip. "Gising na! Papasok ka pa! (deciphered from tititititititit, tititititititit)... ", ang sabi ng munti mong tagapaglingkod. Pero oras na magising ka ay kakalabitin mo lamang ang ito upang ipaalam na ikaw ay gising na. Maya-maya ay mahimbing ka na ulit sa iyong pagtulog. "Maaga pa naman, maya-maya na lang ako babangon. (sabay hikab)", ang sabi mo sarili mo. Buti na lang at naka-snooze ang alarm mo ng 15 minutes. Sa pangalawang gising mo, inulit mo lang ang ginawa mo kanina. Hindi ka pa rin bumangon. Sa pang-apat na pagtunog ng alarm, 'tsaka ka pa lang bumangon at nagulat kang sa mga oras na ito ay dapat nasa sakayan ka na ng jeep. Dali-dali kang naghanda habang pinakikiusapan ang oras na tumigil muna para sa iyo. Ang pagpipilian mo na lang sa mga oras na ito ay kung papasok kang late o aabsent na lang. Anuman ang mangyari ngayong araw, walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo.

Ito ang pinakamatinding kalaban ng ating ating pag-unlad. Isang matinding balakid tungo sa ating kaunlaran at kaginhawaan. Ang kaugaliang 'mamaya na', a.k.a. Procrastination. Sa paggising pa lang sa umaga ay kitang-kita na kung isa kang procrastinator. Kaya mo nang bumangon pero natulog ka pa rin. Bakit nga ba ipinagpapaliban natin ang mga bagay na kaya na nating gawin habang may oras pa? Bakit naghihirap pa rin ang ating bansa samantalang panlabinlimang presidente na ang namumuno sa atin ngayon? Dahil marahil ipinagpapaliban na rin natin mismo ang ating sariling pagunlad sa loob ng isandaang taon.
Ang pera na dapat dumidiretso sa kaban ng bayan ay dumadaan muna sa bulsa ng mga tagapamahala - Procrastination na may kasamang pangungurakot. Ang impormasyon na dapat alam na ng mga tao ay dumadaan muna sa mga nagmamanipula ng impormasyon - Procrastination na may bahid ng kasinungalingan. Kung gagamitin natin ang ang pagpoprocrastinate sa maling paraan, wala itong maidudulot na maganda sa atin. Kaya gamitin natin ito sa tamang paraan. Paano?

Halimbawa sa paggising mo, pipindutin mo ang alarm para tumahimik ito at hindi na mambulabog ng mga gustong matulog. Kaso inaantok ka pa at gusto mo pang magpahinga. Sa sitwasyong ito kailangan mong magprocrastinate... ng tama. Imbis na matulog ka ulit, mamaya na lang paguwi mo, o kaya ay kung merong bakanteng oras. Isa pang sitwasyon. Tinatamad kang gumawa ng assignments at reports? Magprocrastinate ka... ng tama. Mamaya ka na lang magpakatamad kapag natapos na ang mga gagawin mo. Sa pamamagitan nito, nageenjoy ka na sa pagpoprocrastinate, nagagawa mo pa ang mga kailangan mong gawin. At kapag naging maunlad ka na at tinanong ka kung anong sikreto mo sa iyong pagunlad, ang sagot mo lang "Procrastination!".

Gamitin natin ng tama ang ating oras dahil kapag lumipas ito, hindi na natin ito maibabalik. Kaya laging tandaan ang kasabihan, "Magprocrastinate ng tama at buhay mo ay giginhawa!"
[Continue reading...]

Thursday, July 14, 2011

Time Pressure

- 2 (mga) komento
Time Pressure

Hindi ko alam kung sino ba ang nakapag-formulate ng equation na ito:

P=F/A

Where:
P - pressure
F - force
A - area

Tatlo kasi ang nakikita kong scientists. Galileo, Torcelli (studyante ni Galileo) at si Blaise Pascal. Pero dahil pascal (Pa) ang unit ng pressure, i-assume na lang natin na si Pascal nga.

Let's start travelling back into the days na kapag physics ay natutulog ka lang at hindi ka interesado sa lecture tapos maya-maya magugulat ka dahil may quiz. Sabi sa libro (kung nabasa mo), pressure is equivalent to force over area, wherein pressure is inversely proportional to area, given the force is contant, and pressure is directly proportional to force , given the area is constant. Mas malaking area, mas mahina ang pressure. Kaya nga mas masakit 'pag natusok ka ng karayom kesa maipit ang kamay mo sa libro.

Let's go back into reality. (Eto na naman ako at nagiimbento ng equation). Naisip ko lang 'to habang napepressure ako sa mga kailangan gawin at ipasa sa mga panahong ito.

tP=F/t

Where:

tP - Time Pressure
F - Force
t - time

Time Pressure is equivalent to force over time, wherein Time Pressure is inversely proportional to time, given force is kept constant, and directly proportional to force, given time is kept constant. Ibig sabihin, mas malakas ang time pressure sa atin kapag mas maikling time lang ang ibinigay sa atin para magawa ang isang bagay. At lalong mas malakas kapag maliit na nga ang time, malaki pa ang value ng force. Ang force ay ang paulit-ulit na pagpapaalala sa atin ng sabay-sabay ng mga kailangan nating gawin at maipasa sa itinakdang oras. Habang ipinapaalala sa atin ng paulit-ulit ang mga gagawin, given ang deadline is constant, lalo tayong nape-pressure dahil sabay-sabay itong ipinaaalala ng paulit-ulit sa loob ng isang araw. "Ano ba 'yan, ang dami naman gagawin!..." Kapag naman ang deadline ay umuusog papalapit sa araw ngayon, given the force kept constant, mas lalo tayong nape-pressure dahil nag-aalala tayo na malapit na ang deadline, habang umaandar ang oras sa pag-aalala natin. "Uy, report natin bukas na!"

Wala tayong magagawa dahil hindi natin hawak ang dalawang variable na force at time. Sila ang nagbibigay ng force, at sila rin ang nagbibigay ng time. Ang tanging magagawa lamang natin upang hindi tayo atakihin ng matinding time pressure ay kompyutin itong mabuti at gawin ang mga nararapat gawin. Sa unang araw pa lang na ibinigay na ang dalawang variable (force - mga gagawin, time - deadline), kompyutin na natin ito nang maaga upang laging handa kung sakaling magkaroon ng pagbabago sa mga variable. Kung nakompyut mo na malaki ang value ng tP, kailangan pagtuunan mo na ito ng pansin. Pero kung nakita mong maliit lang naman at kayang gawin in 5mins, nasa iyo iyan dahil baka sa pagpoprocrastinate mo, makalimutan mo na may gagawin ka pala. Well, kung hindi ka makapagpasa, panibagong equation na naman iyan. Kokompyutin mo na ngayon ang iyong Blood Pressure, wherein mas malaking problema, mas mataas na blood pressure, mas matinding stress. Kaya kung ano ang kaya nating gawin ngayon, gawin na natin habang kaya pa, at habang may oras pa. Dahil ang oras na lumipas ay hindi na natin maibabalik pa.
[Continue reading...]

Wednesday, July 13, 2011

Portable Life

- 0 (mga) komento
Portable Life



Noon wala akong alam sa kompyuter. Wala. Pero alam ko kung ano ang kompyuter. Nakikita ito sa mga opis at ginagamit pang-type at pang-gawa ng mga assignments ng mga estudyante. Una akong nakahawak ng keyboard at mouse grade 6 ako, at ang alam ko lang microsoft word. Pati cheat planet tsaka sfogs. First year hayskul, nakahawak ulit ako ng kompyuter. Para bang unang beses ko ulit makahawak dahil nahihirapan pa ko gumamit ng mouse. Nanginginig pa kamay ko, siguro dahil malamig doon sa computer lab ni sir ombao, o dahil .... syet nakahawak ako ng mouse! Sabi tuloy ng esti doon (student teacher) "mahirap ba gumamit ng mouse?" Nakita niya kasi nanginginig ako habang hina-highlight yung maling spelling sa word tapos pipindutin yung delete sa keyboard. Napagisip-isip ko puwede naman pindutin na lang yung backspace nagpapakahirap pa 'ko. Pero enjoy naman ang bawat activity na pinagagawa. Doon din ako unang nakahawak ng diskette. Pakiramdam ko nga haytek na ko, may disket na ko, kahit wala naman akong kompyuter pa noon sa bahay. Bente pesos pa noon ang isang oras sa mga computer shop. Minsan 25 per hour kapag internet, bente kapag games lang.Hindi pa masyadong uso ang kinse isang oras. Tapos limang piso ang paprint ng short bampeyper (bond paper), yung sa dot matrix na printer (yung eeeek-eeek-ek-eeek ang maririnig mo habang nagpiprint). Pagka laserjet o inkjet otso hanggang sampumpiso per page na short. Black and white lang yun. Pag colored bente ang minimum. Pero kahit ganoon kamahal pa ang mga presyo sa mga computer shops, maginhawa naman habang nasa kompyuteran ka. Wala pang mga makukulit na mga kostumer na bigla na lang umuutot with sounds habang nakaheadset sila. Wala pa rin yung mga naninigarilyo sa loob tapos may ashtray na dala. Wala pa yung mga maiiingay at magugulong naglalaro. Meron lang mga tahimik na nagtatype ng mga assignnment, ng resume, tsaka mga gumagawa ng project.

Third year hayskul, bihasa na ko sa pag-copy paste sa word. May alam na ko sa kompyuter. Cold boot, warm boot, firefox, at may nadagdag - powerpoint. Pero wala pa rin kaming kompyuter sa bahay. Nagrerent lang ako sa labas. Kinse pesos na lang ang isang oras kaya umiingay na sa mga kompyuter shops. Bumabaho dahil sa mga naglalarong hindi naliligo. Naglalaro ng counter strike pero pawis na pawis na akala mo sila mismo ang tumatakbo at nakikipagbarilan.

September 2006, nadiskubre ko ang mediafire. Isang napakalaking milestone pagdating sa aming magbabarkada na mahilig magdownload. Naghahanap kasi si papa noon ng tutorials sa pagrerepair ng cellphone tapos mediafire ang link na nakita namin. Di ko na pinatagal at nagregister ako. Kinabukasan ibinahagi ko ang magandang balita at naglevel-up kami ng mga araw na iyon. Wala pa kaming kompyuter, pero may disket. Sa diskette na 1.44MB ang capacity, doon ko inilalagay ang mga assignments na pinagagawa sa amin. Hindi kasya dito ang isang megaman zero na gba rom (badtrip). Pero saan nga ba nagsimula ang aming portable life?

Hindi ito nagsimula sa mediafire, kundi sa savefile.com. Muntik ko nang makalimutan, savefile.com. Isa itong file hosting site na nadiskubre naman ni ron bago ko madiskubre ang mediafire. Kung wala kang flash drive o diskette, file hosting sites ang sagot. Naaalala ko pa noon, wala akong flash drive at si ron pa lang ang meron sa amin, dinownload ko sa mediafire ang report ko sa TLE na nakapowerpoint. Matagal magdownload kaya hinintay namin ito ng mga 15 minutes (puro kasi GIF at AVI ng megaman ang nakalagay sa powerpoint). More convenient than email dahil 100mb ang limit ng filesize kapag maguupload ka. Sa email 25mb lang. Kaya mediafire ang nagin online storage ko. Simula pa lang iyan ng aming portable life.

Fourth year hayskul, nakahiram ako ng usb na 1GB, pero nasira ko rin kasi na-krag.exe eh. Ewan ko kung paano nasira ng virus yun. "I'm krag.exe. I'm in your portable." Badtrip andami ko nang warez files doon. Pero nagkaroon din agad ako ng sarili, 2GB pa hahaha. Meron na rin kaming farmer's pc. Ang yabang ko pa noon dahil 2GB ang USB ko, si tantan 1GB, si ron 512. Dito na nagsimula ang sunod-sunod na aming pagkamulat. Nauso sa amin ang pagkokonvert ng FAT32 to NTFS ng usb dahil mas mabilis ang ntfs kaysa FAT32. Pagtapos ng youtube download milestone, tsaka file hosting site milestone ay ang pagkakaroon ng sarili naming mga browser. Ang portable browsers. Ang unang nakahiligan kong portable browser noon ay IE, pero lumipat rin ako ng Firefox dahil wala naman talagang portable na IE. Natry ko rin ang safari pero malakas gumamit ng ram. Wala pang google chrome noon. Opera pa ang pinakahighest rated browser noon (pero ilan lang ang gumagamit dito sa pilipinas).

Todo tweak, todo costumize, todo optimize. Search lang ng search ng tweaks hanggang sa maabot ang pinakamabilis na kaya ng aming browser. Bookmark lang ng bookmark ng mga site na mapakikinabangan. Save lang ng save ng download link sa textfile. Store na lang ng mp3 sa usb, huwag nang mag-imeem dahil dagdag lang ito sa bandwidth. At pag lalabas na ng computer shop, unang titingnan ang usb kung nakasaksak pa ba sa cpu o naitabi na. Ganito ang buhay naming walang internet sa bahay. Portable life. Buhay namin ang aming usb/flash drive. Nasa usb ang lahat ng aming maipagmamalaki. Para bang nasa usb ang lahat ng pangarap namin. Nakakatawa pero ganoon kahalaga ang usb para sa amin noon. Mas mahalaga pa sa wallet. Naalala ko noon na halos mabaliw na ako nang masira ang usb na hiniram ko. Pati yung nawala ko. Isang linggo akong nagluluksa dahil sa 'king hindi pag-iingat.

Hindi lang firefox ang portable sa amin noon. Meron pang portable na kaspersky, portable na nod32, portable na IDM, portable na foxit reader, itunes, at marami pang iba na hindi ko na matandaan. Para kang may dalang sariling program files tsaka my documents sa usb mo. Isama mo pa ang vista inspirat at vista transformation pack na ipinagyayabang pa namin. Na akala namin puwedeng gawing reaserch paper - "XP to Vista transformation pack!". Na palagi kong tinetesting sa mga computer shop na napagrerentan ko dahil tuwang tuwa akong nakikita ang vista interface ng isang xp system.

Sa ngayon, medyo nawala na ang pagkahayok ko sa pagda-download dahil sa dami ng mga pinagagawang project. Mula sa pagdidirect download ng walang premium account, hanggang sa pagyu-UseNet, hanggang sa pagtotorrent na lang. Ngayon torrent na lang ang inaasahan ko dahil may internet na kami sa bahay. Dati ang tingin namin sa torrent, isang pinakadesperadong paraan para magdownload. Pero ngayon natuklasan ko, ang torrent ay para sa mga average computer users na gustong magdownload ng kung ano-ano sa madaling paraan, sa paraan na hindi na sila mahihirapan. Kaso kung sa una pa lang napamahal na kami sa torrent, tiyak wala nang progress na magaganap.

Pag wala sa torrent, hahanapin ko sa direct download. Maghahanap ng rapidshare link, (o kaya mediafire), tapos hahanap ng transloader, at magda-download ng parang may premium account dahil sa bilis at concurrent downloads gamit ang IDM. Maya-maya may sisigaw na sa computer shop, "HOY SINO BA YUNG NAGDDOWNLOAD DIYAN?!". Patay-malisyang itatago ang IDM sa system tray tapos pag nagtime, hindi na mageextend dahil baka mabugbog ng mga sigang nagdodota.

Masayang magtuklas ng mga bagay lalo na't nalaman mong gutom ka pa sa mga kaalaman dahil napakalawak ng internet para tumigil ka sa paglalakbay. Noon, ang internet para sa amin ay lahat na. Para bang nasa iyo na ang lahat kapag may internet ka. Hahanapin mo na lang. Pera? Tao? Nasa internet, hanapin mo lang. Maging hacker ka at mapapasayo ang lahat. Ang tanging kailangan mo lang ay oras at kagustuhan mong makamit kung ano man ang hinahanap mo sa buhay.
[Continue reading...]

Saturday, June 25, 2011

Vandalism

- 0 (mga) komento
Vandalism



Vandalism - Hindi makabuluhang paninira ng kagandahan sa pamamagitan ng pambababoy, pagsusulat at pagguhit ng kung annu-ano at literal na pagwasak sa mga bagay na pag-aari ng ibang tao.

Ang salitang vandalism ay nag-ugat mulsa sa mga vandals sa roma ilang daantaon na ang nakalipas. Hindi man sila ang pinakamapanirang tribo noong panahong iyon ngunit sa kanila pa rin ibinatay ang salitang ginagamit natin ngayon upang ilarawan ang walang katuturang paninira ng kagandahan sa ating kapaligiran.

Maraming paraan upang ipakita ang vandalism, o ang pagiging vandal. Ilan sa mga ito ay ang paninira ng mga rebulto, pambababoy ng mga karatula, paglalagay ng kung anu-ano sa mga babala sa kalsada, at pagpipintura at pagsusulat ng mga hindi kaaya-ayang bagay sa mga pader. Ang simpleng pagsusulat sa armchair, ang pagsusulat ng "May tatlong tanga, pang-apat ang bumasa" sa pader ng classroom, at ang pagsusulat ng cellphone number sa mga cubicel at toilets ay mga halimbawa rin ng vandalism.

Pero kahit na hindi mo gawain na magsulat sa armchair at pader ng kalokohan, alam mo ba na paminsan-minsan ay nagvavandalize ka pa rin? Marami sa atin, mahilig magvandalize, sa makabagong paraan. Isang paraan na nakatutuwa at pinapatulan pa ng mga katulad nilang mga vandals. Isang paraan na kung saan ang lahat ay binigyan ng karapatan upang maglagay at magsulat ng kung anu-ano sa pader ng bawat isa. Ang sarili nating "pader" na araw-araw ay nilalagyan natin ng laman, at kung anuman ang maisip natin at dito natin inilalagay. Wala nang iba kundi ang ating "wall" sa facebook. Dahil sa facebook, tinuruan tayo nitong magsulat ng kung ano-ano sa pader ngunit dahil nagustuhan ito ng mga tao, hindi ito itinuring na vandalism. Bagkus ay ginaya pa ito ng iba tulad ng friendster at yahoo na may pader na rin para sa mga users nila. Pero may mga gawain pa rin na maituturing na vandalism pagdating dito. Halimbawa nito ay ang pagpopost sa wall ng group niyo ng picture mong tulog ka at tulo-laway. Vandalism ito dahil hindi naman ito makabuluhan, walang naitutulong at hindi ito kaaya-aya para sa iyo. Sa kasamaang-palad, tuwang-tuwa sila sa picture mo kaya makitawa ka na lang sa kanila at maghintay ng pagkakataon upang makaganti. Isa pang halimbawa ay ang pagta-tag sa iyo ng picture ng aso, pusa, kabayo, lotion, sabon, at iba pang binaboy na picture na wala ka naman doon pero naka-tag ang pangalan mo. Buti na lang at puwede mong tanggalin ang tag at burahin ang post sa iyong wall. At ang pinakamadalas makitang akto ng makabagong vandalism ay ang sandamukal na app at game update/invites sa iyong wall na kapag binura mo ngayon, mamaya meron ulit. Kaya hinahayaan mo na lang maipon ang mga ito at matabunan ang mga mahahalagang pinost mo.

"YOUR_NOOB_FRIEND is playing A_NOOB_GAME. Click here to play A_NOOB_GAME too!"

"YOUR_NOOB_FRIEND got STUPID_NOOB_GOLDS in A_NOOB_GAME. Click here to get STUPID_NOOB_GOLDS too!"

"YOUR_NOOB_FRIEND is inviting you to play A_NOOB_GAME. Click here and be a NOOB Player!"

Buti na lang at meron nang block function para sa mga request at nakokontrol mo na ang mga naiipon na mga requests.

Tayo ay binigyan ng kalayaan upang ihayag ang anumang nais nating ipahayag at ibahagi ang ating mga saloobin. Ngunit sa bawat karapatan ay may mga responsibilidad na dapat nating gampanan. Sikapin nating magbahagi ng mga bagay na makabuluhan, hindi mga bagay na nakapag-aaksaya lamang ng panahon at nakapapanakit ng kapwa. Makatulong ka man ng kaunti, higit pa roon ang babalik sa iyong tulong balang-araw. Kaya ihanda na ang mga permanent markers ninyo at simulan nang magsulat ng "Fight Vandalism!" sa bawat whiteboard, armchairs at pader at sama-sama nating labanan ang bandalismo!
[Continue reading...]

Friday, June 17, 2011

Pasukan Na Naman

- 0 (mga) komento
Pasukan Na Naman

Hunyo 6, 2011 - Simula ng klase sa taong ito. Ang ibang paaralan at unibersidad, sa Hunyo 13 pa upang mapagbigyan ang mga tinatamad pang pumasok at makapaghanda ang mga wala pang babaunin. Simula na naman ng magkahalong kalbaryo at saya para sa mga estudyante, panibagong pagkakataon para tuparin ang mga ang mga pangarap sa buhay, at panibagong pagkakataon para makapagtapos ang mga napag-iiwanan at umuulit. Simula na naman ng pamumroblema ng mga magulang sa mga anak na aral-baon - mga pumapasok lang pero hindi nag-aaral; mga estudyanteng isang dekada kung manatili sa hayskul pero walang nakukuhang diploma.

Isang malaking pagsubok ito para sa mga magulang na may anak na pinag-aaral. Ang baon ng kanilang anak na sinasabayan pa ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at mga bayarin sa eskwela na minsan ay kwestyunable (spiritual fee? energy fee?) at iba pang mga gastusin ay iniaasa lamang sa sweldo na minsan lang kung itaas ng gobyerno tapos lagi pang nadedelay.

Kasabay ng pasukan, muli namang nabubuhayan ng dugo ang mga nedosyante at ilang mga naghahanapbuhay. Ganado na naman bumiyahe si manong drayber na mahilig manigarilyo pero wala namang lisensya para makapagmaneho. Magkakaroon na ulit ng laman ang mga karinderyang hindi tinatao. May bibili na ulit sa mga tindahang may kostumer lang kapag may pasok. Kikita na ulit ang mga titser na nagtitinda ng longganisa at tocino sa klase. At higit sa lahat, madadagdagan na naman ang mga mabibiktima ng mga holdaper na ang target ay mga estudyanteng ginagabi. Kung mapapansin, hindi lang para sa estudyante ang pasukan, kundi para rin sa mga taong naghahanap-buhay.

Ang araw ng pasukan ay parang araw ng pasko kung paghandaan. Para sa mga estudyanteng maaarte, gusto nila bagong lahat ng gamit. Bagong bolpen, notbuk, bag, sapatos, uniporme, pati school na papasukan gusto bago taon-taon kaya hindi makatapos-tapos. Hindi nila naiisip na taon-taon maraming nasasayang na mga notbuk, papel at iba pang mga gamit na maaari pang gamitin pero itinatapon na lang imbis na pakinabangan. Puspusan ang paghahanda ng mga eskwelahan. Pinaghahandaan nila ang pagdating ng mga estudyanteng magbibigay ng laman sa kanilang mga "pondo". Pinapipinturahan nila ang mga pader, armchair at mesa upang masulatan ulit at malagyan ng panibagong kodigo. Pinaghahandaan ang kanilang lesson plan na isang dekada nang nahuhuli pero patuloy pa ring ginagamit. Pati mga magulang ay puspusan din ang paghahanda. Pinaghahandaan nila ang paggising nila ng maaga sa kanilang mga anak, ang kanilang mga susuutin kapag napatawag sila sa eskwela, excuse letter na may pirma, ang kanilang mga ibibigay sa titser kapag kailangan sumipsip, at syempre ang perang babaunin ng kanilang mga anak. Baong pera na gagamitin para makapaglaro ng dota at iba pang computer games, pangload sa cellphone, pang-gimik, at kung anu-ano pang bisyo. Pati mga barker ay naghahanda rin para sa mga estudyanteng maaarte na ayaw masikipan sa loob ng jeep kapag malapit nang mapuno. Hindi naiisip ng mga maaarteng ito na sumisikip naman talaga ang jeep kapag mapupuno na, mauna ka man o mahuli sa pagsakay.

Sa unang araw ng pasukan, karamihan wala pang nagaganap na klase, pero may ilan na hindi pa man nakapagpapakilala ang prof, nagkaklase na agad tapos quiz at magpapa-asayment sa huli.

"Pakilabas ang class cards. Isulat ang pangalan, subject at sched tapos bilugan ang singko."

Kokolektahin muna ang mga dapat kolektahin - final list ng mga enrolled sa klase, class cards, mahiwagang mga bayarin, indes card, 1x1 picture at kung anu-ano pa.

Para sa mga bagong saltak o mga freshmen at fresh-tranfer, get to each cellphone number at FB, este each other pala, ang unang activity. Tapos ay dito na magkakaroon ng "flocking" o ang pagsasama ng mga may magkakaparehong katangian (parehong brip, walang brip, etc. joke). Nagsasama-sama ang mga nagdodota, mga fashionista, mga maaarte, mga loko-loko, mga sosyalista, mga emo, mga matalinaw, mga masisipag (if any), at mga nagsisipag-sipagan. Meron din namang pinipili na lang na maging mag-isa kaysa ma-OP sa mga kinakasama.

Student 1: "Pare, ba't mag-isa ka? emo ka ba?"
Student 2: "Hindi, mag-isa lang ako."

Sa mga susunod na araw, unti-unti mong malalaman ang mga tunay na ugali ng mga tao sa paligid mo. Malalaman mo, ang katabi mo pala ay ex-convict, ang kakopyahan mo ay snatcher, kinakasama mong mga holdaper, at kasabayan mo sa paguwi na mandurukot pala. Malalaman mo sa pagdaan ng mga araw kung sino ang dapat dikitan at iwasan, kung sino ang mga nanggagamit, kung sino ang clepto sa klase na nangunguha ng pitaka, kung sinong plastik at sino ang dapat at mga hindi dapat pagkatiwalaan.

Maraming paghahanda ang kalakip ng pagdating ng pasukan. Taon-taon man itong dumadaan, hindi pa rin pare-pareho ang nagaganap dahil sa pabago-bagong klima, presyo ng bilihin, teknolohiya, at pamamaraan sa pagtuturo. At kahit taon-taon ang pagdating ng pasukan, nananatili pa rin ang mga problema sa bansa na dapat ay matagal nang nalutas ng edukasyon kundi lang dahil sa kurapsyon.
[Continue reading...]

Tuesday, June 7, 2011

Pera (Part 2)

- 0 (mga) komento
Ang pera ay hindi masama. Nasa gumagamit nito ang kasamaan. Ang pera ay gawa lamang ng tao, isang bagay na hindi dapat sinasamba ninuman. Ang perang papel ay yari sa cotton at linen. Ang mga barya naman ay yari sa copper, brass, nickel at zinc. mga simpleng bagay na ito ang bumubuo sa pera. Nasa bulsa mo lang, minsan sa pitaka, sa wallet. Minsan nakatago sa sapatos, sa tainga, sa bibig, sa bra, at minsan pinupulot mo lang sa bulsa ng iba. Pera na ang naging kagamitan sa pagpapalitan ng kalakal at serbisyo. Hindi ka na mabubuhay ng matagal sa sarili mo kung wala kang pera sa panahon ngayon. Ano pa nga ba ang kayang gawin ng pera?

Ang pera ay hindi nakabibili ng tunay na pagmamahal, tunay na kapangyarihan, tunay na kaibigan, at tunay na kalayaan. Pero isang bagay ang nalaman ko. Nakabibili ang pera ng mga katulad nito. Tulad na lamang sa panahon ngayon, na ang mga kandidato ay bumibili ng boto. Ang mga lalaking sawa na sa asawa, bumibili ng serbisyo sa mga nagtitinda ng serbisyo ng asawa. Ang mga gusto ng aliw, bumibili ng aliw sa mga nagbebenta ng aliw. Pati kaluluwa, naibebenta na rin kapalit ng anumang hilingin mo sa buhay, pero no return, no exchange, no regrets dahil earn now pay later ang patakaran kapag kaluluwa na ang pinag-uusapan.

Meron naman na ginagamit ang pera nang hindi direkta para makamit ang ninanais na bagay. Kung susuriin, mas malinis na paraan ito kaysa sa pagbili ng serbisyo ng direkta. Ano nga ba ang ginagawa ng manliligaw para mapasagot ang nililigawan? Ang pinakamatipid na paraan ay ang paggamit ng talento mo sa pagse-salestalk lalo na kung type ka ng taong niloloko mo. Pero kung maluho, naku marami ka pang dudukuting barya. Meron akong na-formulate na equation upang malaman ang presyo ng kasintahan mo no'ng sinagot ka niya. (Pasintabi lang po sa mga nagbabasa, ito po ay pawang kalokohan lamang at walang layunin upang makapanakit ng damdamin ng kapwa)


Let us simulate the equation using the given details of the problem:
Nagsimula kang manligaw no'ng hiningi mo ang no. niya sa kaibigan niya, o sa anumang paraan. Siyempre nagload ka. Kinabukasan sinimulan mo na siyang load-an. Ngayon mayroon na siyang supply ng load dahil sa iyo. The next week, niyaya mo siyang lumabas. Tapos every week, may chocolate siya sa 'yo. Kung ang average na ginagastos mo sa isang araw (halimbawa medyo kuripot ka pa) P 150.00/day at niligawan mo siya sa loob ng dalawang buwan.


Congratulations, naka-siyam na libo ka! Ngayon i-calculate naman natin ang average ratio kung panalo o talo ka matapos niyong mag-break.


By simulating our equation, we use the sample problem as the basis: Halimbawa nagbreak kayo after a month. Ibig sabihin isang buwan lang kayo. Awts.


Conclusion: You've reach the 50% ratio! Ibig-sabihin kalahati na lang, bawi ka na. To summarize the concept of ratio, ratio ito ng panahon ng panliligaw mo at ng panahon na naging kayo. Mas mataas na ratio, mas mainam. Kaya ikaw huwag kang tatanga-tanga kung gusto mong magtagal kayo at umabot kayo sa altar sa harap ng maraming tao.

So much for that offensive but creative equation. Ang tanging layunin ko lamang po ay aliwin kayo sa inyong binabasa. Well, hindi naman dapat sinusukat ang pagmamahal. Hindi nasusukat ang pagmamahal sa pamamagitan ng pera. Hindi mo naman kailangan bumili ng teddy bear na pagkalaki-laki na sobrang sarap lamukusin dahil sa mahal ng presyo para lamang mapatunayan mo na mahal mo ang isang tao. Hindi naman pera ang binibilang mo kapag magkasama kayo kundi ang tibay at tatag ng inyong pagsasama. Katatagan na kahit oras at panahon ay kulang upang masukat ito.
[Continue reading...]

Thursday, June 2, 2011

The Legend Of Farmer's PC

- 0 (mga) komento
Ano nga ba ang Farmer's PC? Ito ang mga kompyuter na dati ay nagkakahalaga ng presyong ka-lebel ng mga High-end PCs tulad ng Core 2 Duo™ hanggang Core i7™, napaglumaan na ng panahon at napalitan ng makabagong specs. Ang tawag ko rito noon ay Lower-end PCs, dahil sa paniniwala kong wala namang PC ang mga farmers. Pero dahil nauso ang farmville, isang laro sa Facebook, nabigyan ito ng makabagong kahulugan, dahil sa mga nagsasakang farmers sa Facebook (na hindi mapakali kapag hindi nakapagpe-Facebook dahil mawi-wither daw ang kanilang mga pananim. Mabuti sana kung aanihin mo ang mga itinanim mo at pwede mong isaing o ibenta sa tunay na buhay) at tuluyan ko nang nai-adopt ang salitang Farmer's PC. Basta lumang dilaw, I mean naninilaw na PC, Farmer's iyon, in short.

Ang specs ng isang Farmer's PC ay sumasaklaw mula sa Pentium III (and equivalent processors) pababa sa pinakalumang processor na nabubuhay pa sa panahon ngayon. Ang pinakamabilis na Farmer's PC ngayon ay ang Dual Pentium III (o Pentium III Dual, 'di ako sigurado) na gumagamit ng dalawa, physically, na processor sa iisang motherboard. Ibig-sabihin, dalawa rin ang heatsink fan nito, at kaya rin nitong pantayan kahit paaano ang mga multi-threaded na processor ngayon dahil nga dalawa ang processor nito. Kaya ko sinabing physicaly dahil ang mga multi-threaded na processor ngayon ay nasa isang chip na lamang nakapaloob ang dalawa o higit pang core. Kung single core na Farmer's PC naman, ang pinakamabilis ay ang Tualatin™ processor, na may bilis na hanggang 1.24 GHz, mas mabilis sa Celeron™(socket 370) na hanggang 1.13 GHz lamang. Pero piling-pili ang mga motherboard na supported ng Tualatin™ kaya mas kumalat ang mga Pentium III, Celeron™(socket 370) at Coppermine™ na processors na supported halos lahat ng socket 370 na motherboard noong panahon na ini-release ito. Mayroong hardware hack para mapagana mo ang isang Tualatin processor sa isang Celeron-supported na motherboard, na tinawag nilang Tualeron (Tualatin na nag-aact na parang Celeron). Pero kung aalamin mo kung paano, mas mabuting huwag mo nang subukan dahil baka masira lang ang PC mong kulay yellowish white, o whitish yellow. Nalaman ko itong lahat buhat sa pagsasaliksik na mapabilis ko pa lalo ang Framer's PC na gamit ko ngayon mula nang masira ang Pentium 4 ko (technically Celeron 2.4 GHz).

Isa sa mga nalaman ko dahil sa mga Farmer's PC, ay ang bltahe ng bawat processor, na ngayon ay hindi na masyadong napapansin dahil napaka-flexible na ng mga bagong boards, na basta magtugma lang ang internal frequency o fsb ay puwede nang gumana. Sa pag-aasam kong pabilisin ang Farmer's PC sa bahay, tinanggal ko ito mula sa yellowish white o whitish yellow na case at inilipat ko sa black na casepara magmukhang napapanahon ang kompyuter. 866 MHz lamang ang speed ng processor nito, na 1.7 Volts ang kailangan, pero 1.75 ang setting sa BIOS kaya naging 870 MHz 'pag tinignan mo sa system properties.ASUS CUV4X-C ang motherboard - walang sound card na built-in, walang on-board na video card, at walang rin LAN. Shorted/sira ang PS/2 ports o keyboard/mouse ports, may dalawang USB 1.1 port sa likod, at dalawa ang ram slot sa loob (Max. 1GB). Kung mapapansin, maraming kulang, kaya binilhan ko ito ng mga piyesa, pati na bagong processor. Celeron 1GHZ ang binili ko mula sa isang member ng TipidPC.com sa halagang 200.Laking tuwa ko dahil mapabibilis ko na ang Farmer's PC na ito, pero nang testing-in ko na ito, ayaw gumana. Ayaw magboot. Akala ko sira, ayun pala kaya ayaw gumana ay dahil 1.45 Volts lang ang processor na nabili ko. Malas dahil ang pinakamababang boltahe na supported ng motherboard ay 1.75 Volts lang. Hindi ko na ito naibalik sa binilhan ko dahil 'compatibility is the buyer's responsibility'. Ayos lang, atleast meron akong processor na malapit nang mag-extinct.

Pinalitan ko rin ang RAM nitong 192MB (256 MB talaga kaso sira na yung isang 128MB na ram), binilhan ko ng dalawang 512mb na SDRam sa isang premium member ng TipidPC.Ang video card, originally 4MB na pinalitan ko ng GeforceFX 5500 na 256MB. Binilhan ko rin ng PCI Soundcard na 4.1 Channel, PCI USB 2.0 Card, nilagyan ng Lan Card, at isinalpak ko na rin ang DVD-Writer ko na malapit na magdalawang taon. Bago na rin ang keyboard at mouse nito (sa wakas), pati na rin headset at speaker, pero hindi ko muna ginagamit at itinabi ko muna dahil baka masira agad. Naka-tatlong libo ako sa Farmer's PC na ito, sa paghahangad kong makamit ang kanyang full potential at mapakinabangan pa ng husto, at mailayo sa panlalait.

Sa totoo lang, hindi naman talaga sa akin ang CPU na pinagkagastusan ko. Ipinaa-upgrade lamang ito sa akin para magamit sa JASHS Music Lounge, pero hanggang ngayon ay nasa bahay namin pa rin ito. Kapag nabayaran na ang mga nagastos ko, tsaka ko ito ibabalik sa sa bar at bibili ako ng bagong PC, 'yong Dual Core naman para masaya.

Hindi ito ang una o pangalawang Farmer's PC na dumating sa akin, kundi pangatlo. Ikukuwento ko ang history ng mga nauna kong PC, kasama ang unang PC ko na hindi Farmer's:

Ang unang Farmer's PC na nagkaro'n kami ay isang Pentium III 500MHz, na hindi mapormat kaya ipinaayos sa isang pinagkatiwalaang technician. Wala pa akong alam noon sa computer at isa akong complete noob. Dinala ng tech ang PC na ito sa kanilang opisina at doon "inayos". Sa kasamaang palad, ayaw na nitong bumukas nang bumalik sa amin. Isa lang ang ibig-sabihin nito, naloko kami. Kaya nagpasya si papa na mag-aral ng Computer Technician (isang bokasyonal na kurso) sa St. Peterville sa Tayuman para hindi na ulit kami maloko. Bumili na lang kami ng panibagong Farmer's PC sa Taguig (eto na yung pangalawa). Apat na libo ang nagastos namin lahat-lahat kasama meryenda at biyahe sa Celeron 1GHz na iyon. Kulay puti rin ito. Dinagdagan namin ito ng +256MB na ram, kaya 384MB ang total ram, at 40GB na hard disk para mas masaya. Kung gagamitin mo ang PC na ito, para ka narin gumagamit ng Pentium 4 dahil sa tweaks na inilagay at customization na Windows Vista™ inspired (June 2007 iyon binili at Vista pa lang ang uso). Malalaman mo lang ang bagal nito kapag naghahanap ka na ng mga bagong games at sinabi kong Pentium III lang iyon, o kapag nagcopy ka ng isang malaking file. Sa tulong ni ronnie, isa ring nabiyayaan ng Farmer's PC noon, wala akong ibang ginawa kundi magcostumize at mag-apply ng tweaks para lang mapabilis ang PC.

May 2009, isang magandang balita ang nanggaling kay Ronnie. May Pentium IV daw na ibinibenta, at agad namin itong pinatulan. Kinabukasan, ang Farmer's PC na akala mo may Windows 7 sa loob (yung may bangus na wallpaper), ay naibenta rin agad sa katrabaho ni papa sa chinatown sa halagang tatlong libo, pero 3 gives. Sabi ko, sa wakas hindi na ako Farmer's PC user! Naramdaman ako ang ginhawa nang subukan ko magcopy ng malaking file. Marami rin akong naging pakinabang sa Celeron 2.4GHz na iyon, dahil nakapag-CD burn kami kahit wala pa kaming internet, nagvideocam to cd transfer at cassette-to-cd din. Dito ko rin nagawa ang Windows GK Ultimate (na hindi man lang naappreciate dahil hindi napromote :'c ).

January 2010, nagkaroon kami ng internet, at naging maginhawa ang aking pagda-download (hindi na ko nagrerent sa labas at nagnanakaw ng bandwidth). Mas naging masaya ang linux experience ko (a.k.a. Penguinitis) nang magkaro'n kami ng internet, dahil adik ako sa linux nang panahong iyon at madali lang magupdate through repositories. Gumanda rin ang daloy ng business ng CD burning at mp3/mp4 downloads.

March 2011, nasira ang PC na pinagkukunan namin ng kita. Bumigay ang capacitor ng motherboard. Binilhan ko ito ng bagong capacitor pero mali ang nabili ko, kaya kasama ng ibang mga sirang piyesa ng kompyuter, ibinenta ko ang motherboard sa isang member ng TipidPC na isang Scrap Buyer. Umabot lahat sa 720 pesos ang mga naibenta ko. Nakalulungkot ngunit kailangan tanggapin ang katotohanan na ang lahat ng bagay ay may hangganan.

April 2011, inuwi ko ang isa sa mga Farmer's PC mula sa JASHS Music Lounge. Sadyang napakabagal ng PC, akala mo naghang na sa boot, pero hintayin mo lang ng 15-20 minutes puwede nang gamitin. Astig, kahit 4MB ang video card, bago ko i-format may nakainstall pang Flyakite OSX na isang themepack. Sabi ko ayos to ah, kinaya ang kalokohan ng dating gumagamit. Ito ngayon ang gamit ko. Sa pagtatype, pag-iinternet, pagwa-warez, pagpo-program, pagsa-soundtrip at panonood ng Penguins Of Madagascar series at iba pang mga pelikula. Para sa isang user na magsusurf lang sa internet, magttype at maglalaro ng dota, puwede na itong gamitin. Todo upgrde ba naman ang ginawa ko eh.

Noong una, sinisisi ko palagi ang Farmer's PC dahil sa bagal nito, at isinusumpa ko ang mga nabiyayaan ng malulupit na PC, na hindi naman marunong makaappreciate ng kung anong meron sila ngayon. Minsan nagrereklamo pa dahil mabagal daw, kahit Core 2 Duo na at may 2GB na ram pa. Hindi nila alam na may iba na nagtitiis sa Farmer's PC pero nakagagamit naman ng maayos. Pero kahit na mabagal ang Farmer's PC, napagisip-isip ko na marami pa rin itong naitulong sa akin. Kung sila nabiyayaan ng magandang PC, kami ni ronnie na gumamit ng farmer's PC ay nabiyayaan naman ng kaalaman sa kompyuter sa tulong ng mga naninilaw na CPU na iyon. Kundi rin dahil sa Farmer's PC, hindi kami makapagpapasa ng indie film na pinagawa sa amin noong first year/first sem ko sa PLM. Akalain mong nakapag-author ako ng isang 50-minute na pelikulang kami mismo ang nagshoot gamit lang ang Farmer's PC na binili sa taguig?. Anim na oras kong inedit(yung final edit), apat na oras kong sinave. Kaya rin ng 384MB ram with 32MB video card na PC na iyon ang Windows Vista. Oo, kinaya nito ang Windows Vista Ultimate (yung lite version). Medyo mabagal ng kaunti kaysa kung xp ang nakainstall at walang aero effects (pero kung linux, kaya nito ang higit pa sa aero effects). Boot time? Mas matagal lang siguro ng ilang segundo kaysa kung xp ang nakainstall. Ibinalik ko rin ito sa XP matapos ang isang linggo, gusto iko lang makaranas ng vista nang nung mga panahong 'yon.

Ayon sa aking pananaliksik, gumagana rin daw ang windows 7 sa Farmer's PC, pero hindi ko na sinubukan dahil alam ko namang gagana talaga kahit mabagal, kasi Vista nga kinaya eh.

Ang Farmer's PC na gamit ko ngayon mayroong kaunting PopCap games, Big Fish games at GTA Series (I,II,II,vice city at San Andreas). Oo gumagana ang mga GTA, pero yung San Andreas medyo mabagal na dahil siguro modded version ito. Meron ding Office 2010, Nero 10, enabled ng automatic updates (na gusto ko nang idisable pero ginagamit ng Security Essentials) at mga basic appz. Puwede na rin ito sa video editing, pero mabagal lang magsave.

Ang Farmer's PC na ito ngayon ay nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang makaipon ng pambili ng mas magandang PC. At dahil sa muling pagdating ng Farmer's PC sa computer table namin, marami na naman akong natutunan tungkol sa mga computer (yung mga binanggit ko kanina). Hindi man ito naibibigay paminsan-minsan ang bilis na hinahangad ko pagdating sa performance, binibigyan naman ako nito ng dahilan upang mgsumikap pa lalo para sa mas maganda at mas maginhawang pagkokompyuter. Kaya kayo na binigyan ng lumang pc, o pc na laging nasisira, gamitin niyo iyan bilang kasangkapan at gabay upang kayo ay maging isang Elite Computer user at huwag mainggit sa mga may magagandang PC, dahil hanggang diyan na lang ang mga iyan. Ang magagandang bagay ay dumarating sa tamang panahon.

Kung nag-enjoy ka sa pagbabasa mo tungkol sa Farmer's PC, maaari mo rin basahin ang Farmer's PC Overview na isinulat naman ni Niero.
[Continue reading...]

Thursday, May 26, 2011

Sa Tuwing... Naaalala Ko Ang Mga Araw...

- 0 (mga) komento
Sa Tuwing... Naaalala Ko Ang Mga Araw...

Sa tuwing madaraan ako sa mga lugar na dati'y madalas kong madaanan, naaalala ko ang mga araw na parang wala nang bukas na darating, pero patuloy pa rin ang pagdaan ng mga araw.

Sa tuwing masasakay ako ng dyip na tayuman, naaalala ko ang mga araw na hindi ako nagbabayad sa drayber, pero nauubos at nauubos pa rin ang baon ko kahit na nakatitipid ako sa hindi pagbabayad.

Sa tuwing kumakain ako ng kendi, naaalala ko ang mga araw na hinahati ko pa sa dalawa ang isang maliit na chewing gum upang makatipid. Kalahati sa umaga, kalahati sa hapon.

Sa tuwing ako ay mapapakain sa canteen o karinderya, naaalala ko ang mga araw na tanging kanin lang ang binibili ko sa canteen at mag-uulam ng toyo at iyon ang aking tanghalian, kahit na may pera akong sapat para bumili ng ulam.

Sa tuwing makakakita ako ng mga taong nakakumpol at nagpapatugtog, naaalala ko ang mga araw na pinagsasaluhan namin ng aking mga kaibigan ang tugtog na nanggagaling sa aking tape recorder na may speaker kahit garalgal ang tunog, at magpapalipas ng oras sa loob ng silid-aralan habang wala pang guro.

Sa tuwing ako ay lumalabas ng pamantasan kapag bakante ang oras at walang gagawin, naaalala ko ang mga araw na kami ay nakakulong lamang sa isang malaking kwadranggel ng aming paaralan at patagong naglalaro ng baraha, gumagawa ng takdang-aralin at ginagamit ng maayos ang bakanteng oras.

Sa tuwing matatapos ang klase sa silid at pumapasok ang janitor para maglinis, naaalala ko ang mga araw na bawat klaseng matatapos ay may grupong naka-toka upang maglinis ng silid, suot-suot ang isang pares ng shoe rag na pinupulot lamang mula sa mga taong nakaiiwan o nakawawala nito.

Sa tuwing nakakikita ako ng mga nagkaklase sa aircon na silid, naaalala ko ang mga araw na nagtitiis kami sa init ng araw habang kami ay nagkaklase.

Sa tuwing nakakikita ako ng mga estudyanteng sinisita sa entrance kapag walang ID, naaalala ko ang mga araw na pumapasok akong suot ang aking pekeng ID sa aming paaralan at malayang nakagagalaw.

Sa tuwing magtetest at kailangan ng yellow pad, naaalala ko ang mga araw na kanya-kanyang diskarte ang ginagawa para magkaroon ng intermidiate pad. Kahit recycled ok lang, basta makapagtest. Hingi dito, hingi doon. Minsan kusa na lang dumarating.

Sa tuwing papasok ako ng maaga ngayon, naaalala ko ang mga araw na nakikipaghabulan ako sa oras para umabot sa flag ceremony at makapasok sa unang subject. At kung masarhan ng gate ay pupunta sa kompyuteran para lang mag-friendster at youtube.

Sa tuwing nakikita ko ang aking bunsong kapatid n nagdodrowing, naaalala ko ang mga araw na lumilikha ako ng komiks na tungkol sa aming magkakaibigan na hinaluan ng iba't ibang klase ng imahinasyon at kalokohan. Hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang komiks, at kahit ako y hinihintay ko itong matapos ngunit hindi ko naman mabiyan ng pagkakataon upang gawin, hanggang sa nabasa na lang ng ulan at bahagyang nagalukot-lukot ang mga pahina at naghalo ang mga kulay ng tinta.

Sa tuwing nakakikita ako ng mga taong nagkakagulo, naaalala ko ang gabing iniwan ako ng mga taong KKK,'Kala Ko Kaibigan, nang dumating ang oras ng kagipitan at naiwan akong muntik nang mabugbog kundi lang ako marunong dumepensa. Ang gabing hindi ako nilingon sa likod ng aking mga kasama nang ako ay alam nilang hinila na ng mga masasamang loob, nagtulin silang maglakad papalayo at ako ay naiwang dinala sa sulok at bahagyang pinagdiskitahan sa dilim. Dito ko nalaman na ang mga tunay na kaibigan ay nakikilala sa oras ng kagipitan at pangangailangan.

Sa tuwing umuulan ng malakas, naaalala ko ang gabing halos tumawid ako sa ilog ng ilang kanto at nilunod ko ang aking sapatos masigurado lang na maihatid ko ang isang importanteng bagay sa dapat niyang kalagyan at umui akong basang basa para lang masabihan na ako ay nanuod ng sine kaya ako ginabi ng uwi.

Sa tuwing magsusulat ako ng mga akdang tulad nito, naaalala ko ang nobelang isinulat ko na hango sa tunay na mga pangyayari, na matagal ko nang pinapangarap mailathala at maibahagi sa mga mambabasa ang mga nakapaloob dito.

Sa tuwing naaalala ko ang mga araw na iyon, na parang kanina, kahapon, no'ng isang araw, o no'ng isang linggo lang naganap, kahit ilang taon na ang nakalipas, pakiramdam ko ay nais kong bumalik kahit na isang araw lang sa mga panahong iyon. At nang masilayan kong muli ang mga araw na nakikilala ko pa lang ang aking sarili, at pagmasdan kung paano ako unti-unting naging kung sino ako ngayon. Marahil nabubuhay akong parang bilanggo ng nakaraan ngunit naglalakbay akong nakatingin at patungo sa hinaharap.
[Continue reading...]

Tuesday, April 19, 2011

Computerminator

- 0 (mga) komento
Computer at Internet - Naging bahagi na ng buhay ng nakararami sa atin. Para sa iba, bahagi lang ng hanapbuhay. Kabataan ang karaniwang nahuhumaling ngayon sa computer at internet, at hindi imposibleng mapalitan na ng computer ang iba't ibang bagay sa susunod na henerasyon dahil sa kaadikan ng kabataan ngayon sa computer.



Sa pagputok ng friendster, mga anim na taon mula ngayon ang lumipas, lumaki ang bilang ng mga computer literates (o Friendster/Facebook Literates) sa ating bansa. At dito sa asya, ang bansa natin ang may pinakamalaking bilang ng users ng Friendster. Taong 2008 unti-unting naglaho ang mga gumagamit ng Friendster at lumipat sa Facebook. Dahil dito, napilitan ang Friendster na gayahin ang features ng facebook upang may matira sa users nila pero hindi pa rin nito nadaig ang facebook. Tuluyan nang naging mananakop ang Facebook at dumami ang users hanggang sa hindi na alam ng mga bagong silang sa mundo ng internet ang salitang Friendster. Nanatili pa rin naman ang Skype at YM kahit may chat na ang Facebook. Ang Youtube, patuloy pa rin sa pamamayagpag sa pagbo-broadcast ng mga video ng mga mahilig magkalat sa internet. Kung titingnan natin, ang mga kumpanya na iyan ay patuloy na kumikita, patuloy na lumago habang ang istilo ng pamumuhay natin ay kanilang binabago at pinapalitan.



Kung dati sa kalsada maraming batang paslit na pakalat-kalat at naglalaro ng mga larong tulad ng tumbang-preso, ngayon nagsisiksikan na sa mga computer shop at naglalaro ng mga online games. Dati kung magusap ang mga tao ay ganito, "Ano nga palang gagawin mamaya?" "Tawagan na lang kita mamaya.", na naging, "Text kita mamaya.", na ngayon ay naging " Online ka ba mamaya? Chat na lang o kaya i-message kita.". Noon ang mga mag-aaral ay nagkikita-kita pa upang magsaliksik sa mga silid-aklatan, ngayon isa na lang ang gumagawa tapos kanya-kanyang bayad sa paprint. Maingat na binabago ang font style at pangalan upang hindi masyadong mahalatang isa lang ang pinagkunan ng kanilang ipapasa. Noon tayo ang naghahagilap ng impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay, ngayon tayo na mismo ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga sarili natin. Dahil sa social networking sites, ineexploite natin masyado ang ating mga sarili sa kapahamakan. Hindi lang iyan, marami pang binabago ang computer sa ating pamumuhay tulad ng paghahanap ng trabaho, produkto, kausap, pati na rin aliw at asawa.



Meron akong napanood sa isang programa sa TV (sa 700 club ata iyon) tungkol sa isang batang sinasaniban na ng demonyo dahil sa kaadikan sa DoTA mula nang siya ay mabiyayaan ng laptop. Mula paggising hanggang bago matulog, siya ay naglalaro. Halos hindi na kumakain makapaglaro lamang ng walang humpay sa harap ng laptop. Hanggang sa humina ang kanyang resistensya at pinasukan na ng demonyo ang kanyang katawan, tumawag na ng pari ang kanyang magulang at ipinagamot ito sa pamamagitan ng panalangin. Nang mapanood ko iyon, nasabi ko sa sarili ko, buti kumakain pa ako kapag naaalala ko, kundi siguro dinedemonyo na rin ako.



Maraming magagandang bagay ang naidudulot sa atin ng computer at internet, ngunit huwag natin ipagsaalang-bahala ang masasamang bagay na naidudulot nito. Maaaring sa isang banda ay napagiginhawa nito ang ating buhay, ngunit hindi natin alam na habang nililibang natin ang ating sarili, sinirira na pala nito ang ating kinabukasan, inilalagay tayo sa panganib at sinasayang na pala nito ang ating oras habang tayo ay nabubuhay.


[Continue reading...]
 
Copyright © . High's Kul... Life Online - Posts · Comments
Theme Template by BTDesigner · Powered by Blogger