Tuesday, April 26, 2011

Software Piracy, Committed or Not?

- 3 (mga) komento
Software Piracy, committed or not?



----------------------------------------------------------------------------------
Ang mababasa niyo ngayon ay isang sanaysay na ipinagawa sa amin ng aming propesora sa PLM, Pebrero taong 2010. Ito ay tungkol sa software piracy at sana ay maibahagi niyo rin ang inyong saloobin ukol dito.
----------------------------------------------------------------------------------

Software piracy can be defined as "copying and using commercial software purchased by someone else". Software piracy is illegal. Each pirated piece of software takes away from company profits, reducing funds for further software development initiatives. – This is the definition of software piracy. Last Friday, our professor showed us a short video titled, “Partly Cloudy” by Disney Pixar. After letting us watch the video, she asked us if she committed software piracy. In my opinion, that is a big NO. But let me explaine first the scenario. While watching the short movie, I noticed that it is in a low resolution, meaning its not good when it is played full-screen, because the picture is not in good quality and the sound is poor. In short, I can say that the video is in a Flash Video format (.flv), and because the video is in the said format, it is probably downloaded from youtube, or if not youtube, on another video hosting site. These video hosting sites have Terms of Service and the common between them is thet the user may not copy, display, sell, download, etc the content of the site (except the users’ submissions). Below is the Section 5 of YouTube’s Terms of Service:

“5. Your Use of Content on the Site In addition to the general restrictions above, the following restrictions and conditions apply specifically to your use of content on the YouTube Website.
A. The content on the YouTube Website, except all User Submissions (as defined below), including without limitation, the text, software, scripts, graphics, photos, sounds, music, videos, interactive features and the like ("Content") and the trademarks, service marks and logos contained therein ("Marks"), are owned by or licensed to YouTube, subject to copyright and other intellectual property rights under the law. Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use only and may not be downloaded, copied, reproduced, distributed, transmitted, broadcast, displayed, sold, licensed, or otherwise exploited for any other purposes whatsoever without the prior written consent of the respective owners. YouTube reserves all rights not expressly granted in and to the Website and the Content.
B. You may access User Submissions for your information and personal use solely as intended through the provided functionality of the YouTube Website. You shall not copy or download any User Submission unless you see a “download” or similar link displayed by YouTube on the YouTube Website for that User Submission……”

As stated above, the user shall not copy any user submission(the videos) unless there is a download link given. Our professor cannot download the video (with any means) without the download link of the video. Clearly, our professor didn’t violate the terms of service of youtube. But there is a problem, the video is a property of Disney Pixar. So, who is the one that committed software piracy? It is the uploader of the video. Unless the uploader is the Pixar Studio itself, then the video is legal to be hosted in youtube, because Pixar studios own the video. Below is the section 6-B of youtube’s terms of service:

“6. Your User Submissions and Conduct…..
B. You shall be solely responsible for your own User Submissions and the consequences of posting or publishing them. In connection with User Submissions, you affirm, represent, and/or warrant that: you own or have the necessary licenses, rights, consents, and permissions to use and authorize YouTube to use all patent, trademark, trade secret, copyright or other proprietary rights in and to any and all User Submissions to enable inclusion and use of the User Submissions in the manner contemplated by the Website and these Terms of Service.”

If our professor downloaded the video from youtube and the user who uploaded the video (which whom the video came from) doesn’t hold any copyrights and licenses that proves that he own the video, then that user definitely committed software piracy, ehich is illegal. In our professor’s case, she didn’t commit any act of software piracy. She didn’t sell it, she didn’t use it for commercial purposes. She just posses a pirated material. So absolutely, the answer to the question is a big NO. However here is what I’ve got from HR Hero Line free electronic magazine(Article: Pirated
Software Creates Substantial Risk for Employers)
“ Being in possession of pirated software can lead to both civil and criminal charges resulting in copyright infringement fines of up to $150,000 per violation and even prison time for company executives. In addition to the legal ramifications, pirated software can expose your computer network to viruses and other corruption.” Even our professor didn’t commit any act of software piracy, she is at risk of having such criminal case because she possess a pirated software which is the video(unless the uploader is Disney Pixar itself).

I hope my explanation is clear about this. So again, our
professor didn’t commit any act of software piracy.

------------------------------------------------------------------------------------
At iyan po ang aking saloobin na nais kong iparating sa inyo. Kayo, ano ang masasabi ninyo tungkol sa software piracy?
------------------------------------------------------------------------------------
[Continue reading...]

Tuesday, April 19, 2011

Computerminator

- 0 (mga) komento
Computer at Internet - Naging bahagi na ng buhay ng nakararami sa atin. Para sa iba, bahagi lang ng hanapbuhay. Kabataan ang karaniwang nahuhumaling ngayon sa computer at internet, at hindi imposibleng mapalitan na ng computer ang iba't ibang bagay sa susunod na henerasyon dahil sa kaadikan ng kabataan ngayon sa computer.



Sa pagputok ng friendster, mga anim na taon mula ngayon ang lumipas, lumaki ang bilang ng mga computer literates (o Friendster/Facebook Literates) sa ating bansa. At dito sa asya, ang bansa natin ang may pinakamalaking bilang ng users ng Friendster. Taong 2008 unti-unting naglaho ang mga gumagamit ng Friendster at lumipat sa Facebook. Dahil dito, napilitan ang Friendster na gayahin ang features ng facebook upang may matira sa users nila pero hindi pa rin nito nadaig ang facebook. Tuluyan nang naging mananakop ang Facebook at dumami ang users hanggang sa hindi na alam ng mga bagong silang sa mundo ng internet ang salitang Friendster. Nanatili pa rin naman ang Skype at YM kahit may chat na ang Facebook. Ang Youtube, patuloy pa rin sa pamamayagpag sa pagbo-broadcast ng mga video ng mga mahilig magkalat sa internet. Kung titingnan natin, ang mga kumpanya na iyan ay patuloy na kumikita, patuloy na lumago habang ang istilo ng pamumuhay natin ay kanilang binabago at pinapalitan.



Kung dati sa kalsada maraming batang paslit na pakalat-kalat at naglalaro ng mga larong tulad ng tumbang-preso, ngayon nagsisiksikan na sa mga computer shop at naglalaro ng mga online games. Dati kung magusap ang mga tao ay ganito, "Ano nga palang gagawin mamaya?" "Tawagan na lang kita mamaya.", na naging, "Text kita mamaya.", na ngayon ay naging " Online ka ba mamaya? Chat na lang o kaya i-message kita.". Noon ang mga mag-aaral ay nagkikita-kita pa upang magsaliksik sa mga silid-aklatan, ngayon isa na lang ang gumagawa tapos kanya-kanyang bayad sa paprint. Maingat na binabago ang font style at pangalan upang hindi masyadong mahalatang isa lang ang pinagkunan ng kanilang ipapasa. Noon tayo ang naghahagilap ng impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay, ngayon tayo na mismo ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga sarili natin. Dahil sa social networking sites, ineexploite natin masyado ang ating mga sarili sa kapahamakan. Hindi lang iyan, marami pang binabago ang computer sa ating pamumuhay tulad ng paghahanap ng trabaho, produkto, kausap, pati na rin aliw at asawa.



Meron akong napanood sa isang programa sa TV (sa 700 club ata iyon) tungkol sa isang batang sinasaniban na ng demonyo dahil sa kaadikan sa DoTA mula nang siya ay mabiyayaan ng laptop. Mula paggising hanggang bago matulog, siya ay naglalaro. Halos hindi na kumakain makapaglaro lamang ng walang humpay sa harap ng laptop. Hanggang sa humina ang kanyang resistensya at pinasukan na ng demonyo ang kanyang katawan, tumawag na ng pari ang kanyang magulang at ipinagamot ito sa pamamagitan ng panalangin. Nang mapanood ko iyon, nasabi ko sa sarili ko, buti kumakain pa ako kapag naaalala ko, kundi siguro dinedemonyo na rin ako.



Maraming magagandang bagay ang naidudulot sa atin ng computer at internet, ngunit huwag natin ipagsaalang-bahala ang masasamang bagay na naidudulot nito. Maaaring sa isang banda ay napagiginhawa nito ang ating buhay, ngunit hindi natin alam na habang nililibang natin ang ating sarili, sinirira na pala nito ang ating kinabukasan, inilalagay tayo sa panganib at sinasayang na pala nito ang ating oras habang tayo ay nabubuhay.


[Continue reading...]

Sunday, April 17, 2011

Pagkain

- 0 (mga) komento
Maraming klase ng pagkain. May masarap na pagkain, may hindi. Merong akala mo pagkain, meron naman akala mo hindi kinakain. Meron din panis at may hilaw. May matabang at meron ding sobra sa lasa. Minsan masarap kumain lalo na kung hindi mo alam na panis na pala ang kinakain mo. O sa sobrang libang mo, pati pagkain ng aso kinakain mo na rin.

Tumungo tayo sa iba't ibang klase ng pagkain.

Kakanin - Mga pagkaing gawa karaniwan sa kaning malagkit, kaya minsan nababadtrip ka dahil dumidikit sa kasuluk-sulukan ng ngipin ang kinain mong kakanin. Noon napansin ko lahat nasa mall na, isa na lang kulang, kakanin. Pero makalipas ang isang linggo mula nang sinabi ko iyon, nakakita ako ng sapin-sapin, nasa mall. Grabe talaga ang mga mall, pati kakanin sinakop.

Street foods - Mga pagkain na kinakain ng mga characters sa Street Fighter,. corny..
Ang mga street foods ay mga pagkaing mabibili sa kalsada tulad ng fish ball, squid ball, chicken balls, meatballs a.k.a. flour ball (yung binilog na harina tapos pinrito), kikiam, pugo, kalamares (mga galamay ni kraken), isaw, at marami pang mga katulad nito. Karaniwan, sinasabihan tayo ng mga guro natin mula kinder hanggang hayskul na huwag bumili ng street foods sa labas ng eskwelahan sapagkat marurumi ang mga ito, (at bumili na lamang sa kanilang mga tindahan para naman kumita sila) at maari tayong magkasakit. Kung bibili ka ng street foods sa loob, street foods pa rin ba ang tawag doon? Marami na ngayon sa mga mall at istasyon ng LRT at bus ang nagtitinda ng mga street foods kahit wala naman sila sa street. Karamihan ay nagpa-franchise pa ang mga ito. Sa katunayan, inaagawan nila ng trabaho ang mga naglalako at nagkakariton na mga tindero ng street foods, at itinitinda pa nila ito sa mas malaking halaga. Pansinin mo, may naglalako pa ba ngayon ng ice scramble? Sa lugar namin wala na. Maaaring sinakop na ng mall ang streets kaya ang mga ganitong pagkain na binibili natin noong bata pa tayo ay makikita na rin sa mga mall, o sinakop na ng streets ang mall kaya pati tuhog-tuhog nasa mall na rin.

Go,Glow,Grow foods - Mga pagkain karaniwang inihahain sa agahan, tanghalian at hapunan. Kapag panahon ng kagipitan, magandang kumain ng Go foods, mura lang ang itlog at tuyo. Kung may pambili naman, Glow foods, tiyak na lulusog ka. At kung marami kang pambili, punta ka sa andoks at umorder ng Grow foods. Ang galing 'no? May category ang pagkain na naaayon sa antas ng pamumuhay natin.

Artificial Foods/Junk Foods - Mga pagkaing artipisyal na nakikita sa junk shop(corny), kunwari pagkain pero hindi. Mga pagkain ito na gawa sa kemikal na maaaring nakasasama sa ating kalusugan. Kapag ang isang prutas ay nabulok, hindi na glow food ang tawag dito, isa na itong junk food dahil hindi na dapat ito kinakain at isa na itong junk, sa talagalog, basura. In short, lahat ng pagkain kapag nabulok, nagiging junk foods. Pero hindi ibig sabihin na ang mga sitsirya na nabibili ay mga bulok na, pero categorized ang mga ito na junk dahil hindi naman ito nakatutulong sa ating kalusugan.

Food supplement - Hindi ito pagkain. Ang food supplement ay pampuno ng mga sustansyang hindi mo nakuha sa mga kinain mo sa araw na iyon. Mga pantulong lamang ito para mapunan ang mga bitaminang kailangan mo ayon sa binili mong food supplement. Akala ko noon kapag gutom ka pero ayaw mong kumain, inom ka lang ng food supplement busog ka na. Pero hindi pala, food alternative pala ang tawag doon.

Drinks - Mga pantulak sa mga kinain mo para bumaba ang mga ito sa tiyan mo. Karaniwan, tubig ang ating panulak. Pero kung matapang ka, gawin mong panulak ang Gin, tapos chaser mo hard drinks. Pag sumuka ka, ulit ka.

Masarap kumain ng mga pagkaing masasarap, kabaligtaran naman kung hindi masarap. Kung browser lamang ang hapag kainan, marami na akong naibookmark na tindahan ng masasarap na pagkain at ida-download ko na lamang ang pagkain hangga't may bandwidth pa ang aking bulsa at ise-save ko sa aking digestive hard drive. Kung masobrahan, punta sa desktop at buksan ang recycle bin upang magbawas ng undigested files. Iyan lamang po, sana ay natuwa kayo sa inyong nabasa. Maraming salamat!
[Continue reading...]
 
Copyright © . High's Kul... Life Online - Posts · Comments
Theme Template by BTDesigner · Powered by Blogger