Sunday, December 30, 2012

Berso sa MOA

- 0 (mga) komento

Kasalukuyan kong nilalasap ang malamig na hangin
Sa balat kong manipis, ito'y dumadampi sa akin
Habang ako'y nakaupo't payapang pinakikinggan
Ang natatanging tinig ng nakabibinging katahimikan

Narito ako't naghihintay sa pinakamamahal kong kasintahan
Ang kanyang kamay, ako'y sabik na muling mahawakan
At kanyang mukha na labis ang taglay na kagandahan
Di na ko makapaghintay na muli itong masilayan

Dito sa pasyalan, pamilihan at tambayan
Sa kanto ng kainan ng pulang mamang may manukan
Upang hindi mainip ay idinaan na lamang sa tulaan
Nakaupo ako't naghihintay sa pinakamamahal kong kasintahan

Buhok na kay lambot, kutis na kay puti
Mga matang nagniningning at ang mapulang mga labi
Samahan mo pa ng ngiting katangi-tangi
Sa tuwing nakikita ko'y pagod ay napapawi

Para bang nasa bukirin na maraming damo
At may mga bulaklak sa paligid nito
At mayroon ding lumilipad na mga paruparo
O anong saya sa tuwing ika'y kapiling ko

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama
Ang sayang nakakamtan kapag kasama kita
Dalangin lang sana'y huwag nang matapos pa
Kaya hanggang sa pagtulog, pinapangarap ka

Ako ba'y tulog o nananaginip ng dilat?
Mga mata ko'y bukas ngunit wala sa ulirat
Tila heto na naman ang isipan kong lumilipad
Isipan ko dahil sa'yo'y kung sa'n-sa'n napapadpad

Ngunit parang totoo anuman ang nakikita ko
Mukhang tapos na ata ang paghihintay na ito
Ikaw nga ata itong papalapit sa'king harapan
At narito na nga ang pinakamamahal kong kasintahan.
[Continue reading...]

Tuesday, November 6, 2012

Hindi Ako Makapagsulat

- 0 (mga) komento


Isang tula na hindi ko na natapos gawin.

Sa harap ng mesa na kulay dilaw,
Sa ilalim ng liwanag na mula sa ilaw
Nakaupo sa silya na ang paa'y unat
Ay isang ako na hindi makapagsulat

Sa dami ng salita, sa dami ng talata
Hindi makagawa ng isang simpleng akda
Ngunit heto pa rin at nagpupumiglas
Nagpupumilit makawala sa rehas

Sa mga bakal na rehas na singkapal ng troso
Nakakulong ang isipan kong natutuliro
Nagiisip kung ano nga bang nararapat
Sa makinis na papel ang aking isusulat

Tumingin ako sa wala at ako ay napaisip
Sa tagal ng panahon ako ay napaidlip
Kayrami nang nagbago at kayrami nang naglaho
Oras na nasayang, maibabalik ba ng panaginip?

[missing stanza here]

Wala ka man lapis, ikaw na ay nagsusulat
Sa papel ng buhay kahit ika'y di pa mulat
Sa katotohanang ikaw ay kapos
Balang-araw maiintindihan mo ring lubos

[missing stanza here]

[missing stanza here]


At ngayo'y naririto't naghahanap ng paraan
Sa papel ng buhay gumagawa ng dahilan
Kung bakit, kailan, paano at saan
Nagmula at naimbento ang salitang katamaran

Sa harap ng mesa na kulay dilaw,
Sa ilalim ng liwanag na mula sa ilaw
Nakaupo sa silya na ang paa'y unat
Ay isang ako na hindi makapagsulat

Ng mga bagay na nais at dapat mangyari
Ang pluma ng buhay sino ba ang may-ari?
Tayo ba na may sariling mga papel
O ang kapalarang kung minsan ay taksil?



[missing stanza here]

[missing stanza here]

[missing stanza here]

[missing stanza here]



[stupid stanza here]

Buti pa ang ibon, lumilipad-lipad
Sa himpapawid kung san-san napapadpad
Ngunit si batman ay palaging kawawa
Atang ng marami, Siya na lang ang bahala
[Continue reading...]

Sunday, November 4, 2012

Death Wish

- 0 (mga) komento
Marami tayong gusto sa buhay. Mga materyal na bagay, mga makamundong kaligayahan at iba pang mga hindi natin madadala sa langit pag tayo ay namatay. Pero makasama lang kita ok na ko. Ehem ehem back to topic. Isang araw nagkasakit ako. Nilagnat ako, pero hindi ko inaasahan na ito yung lagnat na hindi ko kakayanin ng mag-isa. Buhat sa pangyayaring ito, at nataon na rin sa panahon ng halloween/all saints day/all souls day, bigla kong naisip ang mga bagay kung sakali mang mamatay ako. Ano-ano nga ba ang mga ito?



Naisip ko kung sakali mang mamamatay ako, huwag naman ngayon kasi hindi matutupad ang death wish ko. Ano nga ba ang mga bagay na gusto ko sa oras na mamatay ako? Unang una, ayokong galawin/ipamigay/ipamahagi/hiramin/amuyin/gamitin ang mga gamit ko. Iyon lang naman pagdating sa mga ari-arian ko kasi balak ko pa mabuhay ulit after a year if possible. (hahaha). Nope, I'm just kidding, di ko pa alam gagawi ko sa mga gamit ko, pero pagdating ng burol meron na akong plano.


Kabaong. Kung nanonood ka ng mga horror movie lalo na 'yung tungkol sa mga bampira (hindi horror ang twilight) eh malamang nakakita ka na ng kabaong na hexagon. Sa pagkamatay ko, gusto ko ganoon ang kabaong ko, kasi ayoko ng rectangle na makintab, masyadong mainstream. Bukod sa pagiging hexagon, gusto ko kasya dalawang tao. Bakit? siyempre iyon na ang mga huling araw na makikita nila ako. Gusto ko pwede silang magpapicture katabi ko, para memorable tutal uso na cellphone na may camera ngayon. Nasa kanila na lang kung magpapapicture sila kung matatakot sila. Wala naman ako magagawa sa kanila kasi patay na ko. At matutuwa pa ko kung mas maraming magpapapicture, kasi ibig sabihin may tiwala sila sa akin na hindi ko sila tatakutin habang naka-posing sa camera. Pagdating naman sa kulay, itim ang gusto ko sa labas tapos pula naman sa loob. Ayos na iyon, para hindi dumihin.


Inumin at Pagkain. It may sound stupid pero naisip ko what about Starbucks ang kape ng mga kaibigan ko (sila lang ha, hindi kasama mga tambay at nakikilamay) tapos may kapares na Krispy Kreme o kaya Bread Talk na meryenda. Pero kung hindi pasok sa budget, ok na yung Happy-Haus Donuts. Siyempre ito ay para na ring pasasalamat sa mga oras na nautangan este natulungan nila ako. Huwag lang sanang marie buiscuits kung talagang wala, kung ayaw nila bumangon ako sa kabaong.



Activities. Parang birthday party lang, may clown, may entertainer, may palaro. Ayaw ko ng sugal, dahil hindi naman ako sugarol. Gusto ko kahit isa lang na arcade unit ng Tekken meron sa burol, or Three-Puck Play. Kahit Playstation console ok lang. Basta meron silang napaglilibangan. Mas ok kung magkakaroon ng Yu-Gi-Oh! Tournament sa burol ko, masaya 'yun! Premyo, lahat ng cards ko pati peke kasama.



Music. Karaniwan sa burol, tahimik, walang tugtog. Puro chismis lang. Puro kwentuhan. Gusto ko meron guest na banda. Either The Bloomfields o kaya The Bloom Brothers (they are 1 band split into two because of....muscal differences daw). Sila 'yung banda na masaya tumugtog. At tinutugtog nila yung mga tugtog na hindi mo na maririnig ngayon kasi natabunan na ng mga kung ano-anong basurang tugtog. Eraserheads sana kaso mahal fee nila eh. Tsaka patay na rin ako, hindi ko na mapapanood at di ko na rin mapapapirmahan mga eheads album ko, buti sana kung buhay pa ko sige lang. Pero kung di pasok sa budget nandiyan mga pinirata kong mga CD ng Beatles, kaya sige lang paingayin ninyo ang tunog ng 60s.



Parade. Uso pa ba ang nagpaparada bago ilibing? Yun bang nagdudulot palagi ng trapik? Kung uso pa, ang gusto kong ipatugtog doon sa karo eh yung mga naririnig ng tao karaniwan tulad ng Gangnam Style para napapasayaw sila habang naglalakad o kaya naman yung mga panDougie na mga kanta. Para na rin makarelate naman sila sa tugtog, tsaka para masaya at hindi malungkot ang atmosphere ng parada. Ililibing na nga eh, tapos ang kanta "Hindi kita malilimutan". Para tuloy lalo mo lang pinalungkot yung mga namatayan imbis na pasayahin, baka magpakamatay din yan. Tsaka iyon din minsan ang nagpapatrapik, mabagal ang kanta. Kaya't kung masaya ang kanta, yung mga naaabala sa biyahe eh makikinig din sa tugtog, at hindi na sila marahil magreklamo kasi pati sila napapa-soundtrip na rin. Huwag lang sana makalimutan ng drayber ng karo na sa libingan ang destinasyon hindi sa diskuhan.

Alam ko masasabi mo, napaka-gastos ng pagkamatay ko. Pero hindi naman para sa akin iyan, para sa mga dadalo ng burol iyan. Malamang sasabihin mo sa akin "Huwag ka na lang mamatay, ang gastos mo", well malay mo tulungan tayo ni mayor o kaya ng wish ko lang. Malay natin. "Ang dami mong kalokohan", haha. Pwede mong sabihin iyan. Pero seryoso ako tungkol sa mga nabasa mo.

Ikaw, ano ang Death Wish mo?
[Continue reading...]

Tuesday, October 30, 2012

Alaala

- 0 (mga) komento


Ako ay napalingon sa may dako paroon
At aking pinagmasdan ang pangarap ko noon
Tila bang gumanda, umunlad at tumamis
O mga ngiting taglay noo'y napalitan na ng tangis?

Para bang inumin na pagkatamis-tamis
Na sa asukal ay lunod at bugbog ng labis
Biglang nawawala't para bang winawalis

Sa paglipas ng panaho'y nawala na ang tamis

Ang pundasyon ng mga pangako na magtatayo ng hinaharap
Unti-unting naglalaho sa bawat mong pagkurap
At kahit anong sarap ng pagsasamang-maluwat
Hindi mo man asahan, maglalaho rin ang lahat

Sa pagdating ng panahon na'ng lahat ng ito'y wala na
Lahat ng tamis at pait na iyong nadarama
Mumunting mga larawan mga tanging matitira
Kayamanang maituturing ang mga alaala.
[Continue reading...]

Thursday, September 20, 2012

Hacking Deep Freeze

- 0 (mga) komento

Disclaimer: I am not responsible for any damages resulting to your PC. This article is solely for information purposes only.




After sometime you bullet-proofed your PC or any PC, there are instances that you forgot the password and you need to unfreeze that PC because you need to update or install something. This is a pain specially when you cannot find the special program that matches the deep freeze version that can unfreeze your PC or make you boot into thawed state. So writing the password and storing it in a secure place is important when installing deep freeze on a PC. But what if you forgot where that "secure place" is?
Hacking your Deep Freeze is the answer. And here's how you're gonna do that. But first, you will need a boot-able CD preferably  one with an operating system in it (You can also use a Live boot-able USB). There are a bunch of these on the internet that's free. You can use any live CD out there (Ubuntu Live CD, or Hiren's BootCD will do).





After you downloaded a live CD, burn it with your favorite CD burning app with the lowest speed possible. Then load your CD in the disc tray, and boot into that disc (you may have to change the boot order in your BIOS).

When you boot into the CD, you can make changes on files in the Deep Frozen PC.

Go to the folder, "C:\WINDOWS\system32\drivers" and locate the file "DeepFrz.sys" and rename it to "DeepFrz.sys.bak". After that, locate this file, "ntfs.sys" and create a copy of it inside the same folder and name it "DeepFrz.sys". Now, there are 2 "ntfs.sys" present in the folder "C:\WINDOWS\system32\drivers". One is the "ntfs.sys" (of course) and the other is "DeepFrz.sys".

Now reboot your computer, remove the bootable media and boot to your windows. Notice that the deep freeze icon in your system tray will be gone (or may have an "x" in it). Now, your PC is unfrozen and you may now make changes to your system, update your antivirus or install/uninstall programs! If you know the version of the Deep Freeze installed, you can uninstall it too by just running the appropriate version of the Deep Freeze installer. 

After you finished making changes to the system and want to freeze the computer again, just delete "DeepFrz.sys" and rename back the "DeepFrz.sys.bak" to "DeepFrz.sys" again then reboot and you'll see the deep freeze icon in your system tray again.

Tested on Deep Freeze version 7.20.020.3398 and 7.21.020.3447. I haven't tested this hack yet on other versions. Feel free to comment if you find this hack to be working on other/later versions of Deep Freeze.

Please note that you can also do the ntfs.sys trick by removing the frozen hard disk and placing it on another computer either via usb direct to the board if you don't want to use a bootable media.

This article is also featured in hack.ph.
[Continue reading...]

Wednesday, September 19, 2012

Ilegal na Reklamo

- 1 (mga) komento
Ano kaya kung ilagay ko si Philosoraptor?



Habang kumakain ako sa tapsilogan malapit sa amin, naisip ko na lang 'tong bigla (dafuq brain?!!). Medyo pilosopo ang dating ng ideya na ito na pwede mo gawan ng meme gamit yung picture ng dinasour na curious (Philosoraptor). Heto na at sisimulan ko na.


Ilegal na reklamo. Dito sa ating bansa, maraming ilegal na bagay ang nangyayari. Ilegal sa mata ng batas, at maaari ding imoral sa mga banal na kasulatan. Ngunit kahit na ilegal at imoral ang mga ito, patuloy pa rin ginagawa ng mga tao. Sa kalsada lang marami ka nang makikita. Mga substitute (or prostitute; Subsitute, kasi sila yung pumapalit sa asawa pansamantala), mga nagyu-U-turn kahit bawal. Mga naninigarilyo sa no smoking zone, mga nagtitinda sa bangketa kahit bawal, mga nagdo-double parking, mga naglalako ng damo sa mga iskinita at mga namumulot ng cellphone sa bag at bulsa ng iba. At naiisip ko, paano kung isa sa mga taong gumagawa ng mga bawal na ito ay nagreklamo.



Isang halimbawa ay ang sitwasyon na ito.. "Bata pa si nene kinalikot na ang p...." teka ba't ako kumakanta? Isang araw (i mean gabi), si nene ay tumambay sa kanto ng edsa para makahanap na ng kostumer at maipagbili ang ibinebenta niyang laman. Nang may sumutsot sa kanya na sakay ng isang taxi, nagkasundo sila sa halagang 700. Pagdating nila sa silid na walang kusina, hindi niya inasahan na marami palang kasama ang lalaki. Sinubukang umalis ni nene ngunit hindi na siya nakatakas. Matapos ang kapagod-pagod na gabi ni nene sa silid, inabutan na lamang siya ng mga kostumer ng tig-bebente. At nakabuo ng isandaan. Wala nang nagawa si nene kundi umuwing talunan. Tanong, maaari kayang magreklamo si nene sa mga pulis at isumbong ang mga kostumer niya na hindi nagbayad ng maayos? Makapagsampa kaya siya ng kasong rape laban sa mga lalaki dahil napilitan lamang siya kahit na sumama na siya sa lalaki?



Isa pang halimbawa ay kung maari bang magreklamo ang isang small time drug pusher sa mga pulis laban sa drug lord na kulang sa timbang ang ibinigay na droga. Siguro hindi na lang nila gagawin ang pagrereklamo dahil parehas lang silang mahuhuli.



Tungkol naman sa proteksiyon mula sa isang opisyal ng pamahalaan, maaari bang ireklamo ng isang sindikato na kulang ang proteksiyon na ibinibigay ng kanilang (halimbawa) mayor mula sa mga pulis?



Pagdating naman sa halalan, maaari bang bawiin ng isang natalong kumandidato ang kanyang mga binayad mula sa kanyang mga biniling botante dahil hindi siya nanalo?


Sa larangan naman ng pagnanakaw, posible kayang ireklamo kapag yung kakilala mong magnanakaw na binayaran mong magnakaw ay ninakawan ang isa sa mga kamag-anak mo?



Sa abortion naman, maaari kayang ireklamo yung nag-aabort kung hindi naman naalis yung bata sa bahay-bata at patuloy itong nagdevelop sa tiyan?



Sa sugalan, kapag ninakaw mo yung permit nila, maaari mo kayang sampahan ng kasong illegal gambling?

Marahil marami pang mga halimbawa ngunit heto lamang ang mga naisip ko. Pero sa dinami-rami ng mga naisip ko, ay ang mga bagay na ito pa. Sana ay nagustuhan niyo ang isa na namang (siguro) kalokohan sa aking blog. Hanggang sa muli!

[Continue reading...]

Sunday, September 16, 2012

Pusang Gala

- 0 (mga) komento



Isang araw, pumasok ako ng maaga sa iskul. Dahil maaga pa, pumunta muna ako sa tabi ng canteen at bumili ng japanese cake at juice. Umupo ako sa cottage-like na tambayan sa tapat ng canteen at kumain.

Sa pagbukas ko sa paperback na kinalalagyan ng lalantakan kong japanese cake, may isang pa-cute na pusa ang lumapit. Black and white ang kulay nito. White ang dibdib, likod ng mga binti, ilalim ng buntot at paligid ng mata. Black ang iba pa. Umupo siya sa harapan ko at paawang tumingin sa aking mga mata.

Yung pusa na 'to................................. Hindi ito yung tinutukoy ko.
"mew..."

Ang mahinang sabi ng pusa. Tapos bahagyang pumikit at dumilat ang pusa. Oo kyut yung pusa. Nkyutan ako pero natuwa at natawa ako. Natuwa ako dahil sa kanyang survival tactics sa paghingi ng pagkain.
"mew..."

Nagpakyut ulit ang pusa. Pagalaw-galaw siya tapos pakyut na kinamot niya ang kanyang mukha ng dahan-dahan.
"mew..."

Ang pangatlong pagpapakyut na. Matapos niyang sambitin ang kagigil-gigil na "mew...", nagbeautiful ang pusang ito at tumitig sa akin. Bilib ako sa pusa na ito. Sa tuwa ko ay hinatian ko ito ng natira kong japanese cake. Patuloy siyang nagpa-kyut pero naubos ko na ang kinakain ko.

Ang maliit na paperbag na pinaglagyan ng japanese cake ay nilamukos ko at binigay ko sa pusang gala na nagpapakyut sa harap ko. Tinignan niya muna ito at nang malaman niyang papel lamang ito na nilamukos, nabadtrip siya at umalis na agad. Hindi na siya lumingon at naglakad na papalayo upang maghanap ng iba pang mahihingian.


[Continue reading...]

Common College Lines

- 3 (mga) komento

Isa na namang entry from my good old notebook. Last year ko pa rin to sinulat pero ngayon ko lang ita-type sa notepad, then paste sa blogger. Sana magustuhan niyo..

Bilang mag-aaral, madalas may mga sinasabi ka na sinasabi mo, na sinasabi ng mga kaklase mo, na sinasabi rin ng mga hindi mo kaklase, na nasabi na rin ng iba pang mga estudyante at malamang ay sasabihin pa ng mga susunod na henerasyong estudyante. Narito ang ilan:


"Madali lang pumasok sa PLM."
Iyan ang palagi kong sinasabi kapag tinatanong ako kung mahirap nga bang pumasok sa PLM. Madali lang naman talaga. Magsuot ka lang ng Id, daan ka sa entrance, in less than 30 seconds nasa PLM campus ka na. Kung wala ka namang Id, utuin mo yung guard makapapasok ka na (At this time of writing hindi pa mahigpit masyado, pero ngayon mahigpit na). But in terms of being a PLM Student (I hate using the term PLMayer), basta nagrebyu ka, hindi ka (masyadong) bulakbol, or atleast magaling kang manghula, papasa ka sa PLMAT (PLM Admission Test) at makapapasok ka na sa PLM bilang mag-aaral nito. Ang mas magandang tanong ay kung madali bang manatili sa PLM. Well, basta may pang-tuition ka bawat sem at kadikit mo ang majority ng mga prof, masipag ka pumasok at dumikit sa masisipag (at matatalino), madali lang manatili sa PLM. Pero kung ako sa 'yo, ikaw ang magsilbing didikitan ng mga kaklase mo para sure kang mananatili ka, I mean, maging masipag ka hindi lang pumasok pero mag-aral.


"Diskarte Lang."
Hindi ko kilala kung sino ba ang nagsabi nito pero narinig ko lang ito sa kanya. Diskarte lang daw, hindi talino. Kung magaling ka raw dumiskarte, hindi ka raw matatanggal sa PLM. Ano nga ba ang diskarte na iyon?  Pagdikit sa prof? Pakikipagkaibigan sa mga makakapitan? Paninipsip at pakikipagclose? Kung gano'n lang naman ang sistema, eh bakit ka pa pumasok? Dapat bumili ka na lang ng diploma, mas convenient. At kung magtatapos ka sa ganitong paraan, yung puro diskarte lang at walang pinag-aralan at natutunan, tiyak na diskarte mo na lang rin kung paano ka makahahanap ng trabaho.


"Magbabago na ko."
Sinasabi ko iyan palagi sa simula ng bawat sem. Siguro ikaw, sinasabi mo rin iyan? Pero wala namang nangyayari. Nauuwi rin sa removal at recon. (Magbabago na ko, .... ng course/ng school) Ang mga Pilipino mahilig magningas-kugon. Sa simula lang masipag. Sa kalagitnaan tinatamad na. Pero meron din namang sinisipag kung kailan huli na. Kung kailan tres at singko na lang ang mapagpipilian. Kaya naman minsan mas mainam nang magremoval na agad sa simula pa lang ng sem para may insurance kang tres kung sakaling hindi umabot ang grade mo. Kaso walang prof na gano'n, at kailangan mong maghintay kung magreremoval ka o hindi. Pasalamat ka kung nagpaparemoval exam ang mga prof, dahil minsan diretso singko ka pag gano'n.

"Overnight!"
Madalas nagkakaroon ng overnight ang bawat grupo sa isang klase kapag may kailangan gawin bilang isang group ang mga estudyante. Lalong-lalo na kung kinabukasan na ang deadline ng ipinapapasang document o project. Overnight, pero magsisimulang kumilos kapag madaling araw na. Tapos magtuturuan pa kung sino ang gagawa ng ganito. Male-late sa pasahan. May mag-aaway sa grupo. Magkakaroon ng tampuhan, bilangan at laglagan. Pero sa bandang huli at sa awa ng diyos, pasado ang buong grupo (pero may mga pagkakataon na talagang bagsak). Kaya naman mas mainam kung overday! Overday, o kabaligtaran ng overnight. Na kung magpupuyat ka ay hindi sa gabi kundi sa araw. Sapagkat kung sa araw ka magpupuyat, gising ang mga tao, hindi ka tinatamad, bukas ang mga tindahan at mga paprintan. At kung sa overnight, umaga na natatapos ang mga gagawin, sa overday naman ay hapon o gabi. Kaya maaaring makasabay mong matulog yung mga walang ginagawa at yung mga pagod sa pahinga. (Maari mong puntahan ang mga link na ito at ito para sa isang halimbawa ng grupo.)

"Yes, Pasado!"
Sa tuwing magtatapos ang sem, ang grade na tres kung minsan ay kinamumuhian, at kung minsan naman ay sinasamba. Depende lang sa taong nakatanggap nito. Para sa isang taong masipag, kinamumuhian ang tres. Pero sa taong nakapasa sa removal, at sa mga delikado, maituturing nila itong achievement sa buhay. Sinasamba nila ito dahil hindi na nila kailangan pang ulitin ang subject ng isa pang sem, at makatitipid sila ng panahon dahil hindi na nila kailangan magpa-add/drop o magpa-open ng subject sa summer. Para sa isang estudyanteng tamad, ang makakuha ng tres ay biyaya nang maituturing dahil nasa bingit na ito ng karimlan. Isang maling hakbang na lang, singko na (aba malay ko kung bat walang 3.25, 3.50, etc). At kung makakuha ka ng singko, tiyak na matutuliro ka na parang itinakwil ka ng langit lupa at impyerno lalo na kung mag-isa ka lang. Maghahanap ka ng masisisi maibsan lang ang kalungkutang nadarama mo. Pero sa bandang huli ay matatanggap mo naman, kung sino ba ang dapat sisihin sa mga nangyari.

"Buti ka pa..."
Malamang ay nasabi mo na rin ang mga salitang ito, na karaniwan ay merong kasunod (o pwede ring wala). "Buti ka pa, pasado", "Buti ka pa, graduate na", "Buti ka pa, may trabaho", "Buti ka pa, may pera", "Buti ka pa, pinapansin", o "Buti ka pa at mabuti ka". Karaniwan na 'tong nasasambit ng mga taong hindi gaanong nabiyayaan. Pero ang tanging magagawa lang naman nila ay tanggapin kung bakit buti pa sila ay ganito at gano'n. Isipin mo na lang na sinwerte sila, at hindi ka lang sinwerte ngayon. Malay mo e bukas lang may magsabi na agad sa 'yo, buti ka pa . 'Di ba? ("Buti ka pa binasa mo 'to...")


"Sembreak na!/Bakasyon na!
Sembreak at bakasyon ang palaging hinihintay ng lahat ng estudyante, lalong-lalo na yung mga pasmado ang isip at katawan sa walang humpay na mga gawain sa iskul. Ito lang ang panahon na makatutulog sila kung gaano nila katagal gustong matulog at makapagpahinga upang mabawi ang kanilang pagod. Minsan ay nagpaplano ng swimming at inuman. Minsan natutuloy, minsan hindi. Minsan may hindi nakakasama. Nagsasaya makaranas man lang ng pagkakataon na magsama ang mga magkakaibigan at magkakaklase hindi sa loob ng silid kundi kung saan mang lugar na malaya sa mga 'Deadline' at iba pang gawaing pang-eskwela. (Yung pic sa taas, lyrics iyan ng awiting Sembreak, by eraserheads)

Sa ngayon, heto pa lang ang mga naiisip kong mga karaniwang salita na binabanggit sa mga karaniwang pangyayari sa skul... Ikaw, baka may naiisip ka pa,... Maaari mo itong ibahagi sa pamamagitan ng pag-comment sa ibaba..



Salamat sa pagbabasa!
[Continue reading...]

Saturday, September 15, 2012

Saan Sila Kumukuha ng Pera?

- 2 (mga) komento
Saan Sila Kumukuha ng Pera?
Ang nakabibilib na pamumuhay ng mga gangster

Sa bawat lugar na mapuntahan ko, merong mga tao may suot na malalaking damit, mga lawlaw na maong, mga makikintab na stainless at silver. May hawak na gadget at nagpapatugtog ng tulang nilapatan ng beat. Nakatambay lang sila sa araw-araw at nagku-kwentuhan. Paminsan-minsan ay nagiinuman. Paminsan-minsan ay nagpapatayan. At kung pupunta sa sa amin sa hating-gabi, sila yung makikita mong nakakumpol na mga tambay sa kanto. Tanong ko lang, saan sila kumukuha ng pera?

Araw-araw nakikita ko silang nakatambay, walang ginagawa, nagkukwentuhan lang at nagsa-soundtrip. May hawak na gadget (halimbawa china-phone na malakas ang speaker). Sa dis-oras ng gabi, nagpapatugtog ng gano'n kalakas at minsan ay nag-iinuman pa na mas nakabubulahaw sa mga natutulog. Paano sila nabubuhay kung araw-araw silang tambay??

Sa pang-iisnatch? Sa pandurukot? Sa pagbabantay ng hamburgeran? Sa pagsasaydkar (sidecar)? Sa panghoholdap? O sustentado lang ng mga kamag-anak at magulang? Marahil isa sa mga ito ang ikinabubuhay nila. Pero bilib lang talaga ako sa kanilang survival sa mundong ito. Sa hirap ng buhay ngayon at may panahon pa rin sa kanila na tumambay. At imbis na mag-extinct, lalo pa silang dumarami sa kalsada imbis na mamatay sa hirap ng buhay.

Isa marahil sa dahilan ay ang hindi sila pressured. Sa pamamagitan ng pagtambay, nakapag-iisip sila ng maayos kung paano sila didiskarte para mabuhay. Meron silang storage sa kanilang tiyan na ang isang meal sa isang araw ay tumatagal ng isang linggo. Mayroong resource management ang kanilang katawan na namamahala ng kanilang sustansiya at lakas. At ginagamit lang nila ito kung kinakailangan lamang.Kumpara sa isang empleyado na minimum lang ang suweldo (huwag ila-lang ang minimum na sweldo) na araw-araw ay pagod at kulang ang kinikita, ang mga taong ito ay nananatiling malakas sa buong araw at ang kinikita ay sumosobra pa kaya may pambili pa sila ng mga alahas, apple products, cellphone, laptop, pang-inom at pang-gimik kapag may okasyon. Kung tayo, kailangan natin magtrabaho para mabuhay, sila, kailangan nilang tumambay para mabuhay. Kung ganito lang kadali ang buhay, lahat na siguro ng tao katulad na nila, pero hindi. Dahil hindi naman lahat ng tao mahilig tumambay.

Sa susunod na makakita ka ng mga tambay na ito, huwag mo silang maliitin sapagkat kaya nilang mabuhay ng walang ginagawa at ikaw ay hindi. Napagkalooban sila ng matinding survival instinct kaya nananatili silang buhay sa bawat kanto at kalsada. Kung interesado kang malaman kung paano ba sila nabubuhay sa araw-araw, ask the expert. Pumunta ka sa kanto at makipagkuwentuhan ka sa kanila, dahil pawang obserbasyon ko lamang ang mga ito.

No offense intended para sa mga tambay ng kanto diyan..
"Wala na ngang itinutulong, perwisyo pa.. Tsktsk!!"
-Sabi ng barbero na pinagpagupitan ko last month na kamukha ni dog whispherer (only his hair is blacker) doon sa tambay.

Matagal ko na 'tong sinulat sa notbuk ko, ngayon ko lang tinype, at sa ngayon nagdadalawang-isip pa ko kung ipupublish ko ito dahil naisulat ko lang ito bunga ng inis ko ng panahon na nababadtrip ako sa mga gangster sa kanto namin na sobrang-iingay sa gabi, buti na lang ngayon wala na, pero may pumalit na maingay.. Bago. Sa tapat ng bahay namin mismo tumatambay. Hindi na sila mga gangster, mga tambay na lang na nagkakantahan sa gabi at nagkukuwentuhan ng kung ano-ano na buong street namin nakakarinig ng kwentuhan nila. "Daming alam!!" Sabi ng tito ko na nakakarinig ng kwentuhan nila tungkol sa OS at Cellphone. Pero siguro sa next post na lang iyon, kapag hindi pa sila tumigil sa kakakanta ng mga kantang halo-halo tapos iisa lang ang set ng chords, parang medley kumbaga.
[Continue reading...]

Monday, August 13, 2012

Blackout

- 1 (mga) komento



Minsan, dumarating ang mga pagkakataon na kayrami mong gustong isulat. Marami kang nais maitala sa iyong mahiwagang kwaderno. Ngunit sa oras na hawak mo na ang paborito mong pluma upang magsulat, unti-unting naglalaho ang mga salita. Unti-unti silang nawawala hanggang sa ma-blanko ang isip mo nang wala kang naisusulat. Tapos pipilitin mong magsulat kahit papaano. Kahit na dugo na ang dumaloy sa tinta ng bolpen mo, pilit mong hinahanap ang mga salitang basta na lamang naglaho na parang bula. Pero kahit na makabuo ka man ng isang talata, buburahin mo pa rin ito dahil hindi naman ito ang mga salitang nais mong lumapat sa iyong kuwaderno. Pinipilit mo ang sarili mo. Pinipilit mo pa rin na magsulat ka tungkol sa bagay na nakalimutan mo na, kaya't heto at gumagawa ka ng ikalawang talata.

Sa ikalawang talata, mas medyo mahaba kaysa sa nauna, ay walang dating kaya naman pinunit mo na lang ang pahina. Nilukot, nilamukos, at inilagay sa basurahan.

Hanggang ngayon, hindi ka pa rin sumusuko. Hindi ka papayag na wala kang matapos ngayong nais mong magsulat kahit na wala ka namang maisulat. Kaya naman naisipan mong ibahin na lang ang tema at haayan na lang ng kusa na bumalik muli ang mga salitang naglaho bago ka pa man makapagsulat.

Sa ngayon ay nasa ikalawang pahina ka na ng mahiwaga mong kwaderno at tila malapit mo nang matapos ang natatangi mong akda. Pero kahit na alam mong nauubusan ka na ng mga salita, pilit mo pa rin itong pinahahaba nang pinahahaba nang pinahahaba para mas mahaba ang kalabasan. Sige lang ang lagay ng mga salitang hindi naman kailangan, pero tumigil ka rin nang mapansin mong kailangan mo na itong tapusin.

Ngayon ay nasa huling talata ka na ng iyong akda, at nakaisip ka na rin ng pamagat para dito. Ito na ang bahagi na kung saan tatapusin mo na ang iyong sanaysay at magbubuo ka na ng konklusyon o paglalahat tungkol sa isinulat mo ngayon. Naisip mong mahirap nga talagang magsulat lalo na kung wala ka namang pagmumulan ng isusulat mo. Pero hindi ito ang kaso mo, dahil meron ka namang pinagmumulan ng isusulat mo dapat, pero sa kasamaang palad ay naglaho. Dahil dito, pinamagatan mo ito ng "Blackout". Ito ang naging pamagat at tungkol ito sa pagsusulat na tungkol sa pagsusulat.


Isinulat ko po ito sa Library ng aming Pamantasan. Medyo umuulan po noon, naisipan ko lang magsulat, pero nung naupo na ko, biglang na-blanko utak ko. Maganda kasi magsulat kapag umuulan, nakagagaan ng mood. Ito yung kinalabasan.
[Continue reading...]

Monday, July 30, 2012

Time-Space Field Trip

- 6 (mga) komento

Tag-ulan na naman. Masarap matulog. Kaya ngayong tag-ulan, motivating maging tamad kasi masarap matulog. At naisipan kong matulog.

ZzZzzzzzZz....

At napuno ng tabinging letrang "N" ang silid sa aking paghimbing.

Isang araw, nagkaroon kami ng field trip. Field trip na kung saan lahat kami ay pupunta sa isang lugar na napuntahan na namin noon, no'ng mga mag-aaral pa kami. Na kung saan mga totoy at neneng pa kami, na puro kalokohan, puro trip, puro biro, puro kopyahan, puro hiraman ng bolpen at hingian ng papel. Sa katunayan, ang lugar na iyon ay puno ng alaala sapagkat dito nahubog ang aming pagkatao, marahil sapagkat dito namin ginugol ang apat na taon ng bawat araw namin na kami ay gising, at pagdating sa bahay ay tulog na lang gagawin. Walang iba kundi sa Ramon Magsaysay High School.

Hindi ko lubos maipaliwanag ang klase ng paglalakbay na ito dahil ilang taon na ang lumipas mula ng kami ay magtapos sa mataas na paaralang iyon (mataas iyon, siguro aabot 7th floor). At kapag sumama ka, babalik ang dati mong anyo noong nag-aaral ka pa. Papayat o tataba ka ulit, magmumukhang bata, liliit, puputi o iitim, pati suot na damit ay magbabago rin. Babalik ang tingkad ng ID (para sa akin, ang peke kong ID). Ang kupas na patch sa polo, ang gomang ID Lace na puti na may itim sa gilid, ang sapatos na 3rd hand/beyond repair, bag na butas, pantalong puro nisnis at pati na rin ang mahiwagang bolpen na palaging nawawala at ang notebook na puro drowing. Ang lahat ay magbabalik sa kung ano man ang mayroon noon, ngunit mananatili pa rin naman kung ano ang alaala mo at kung ano na ang nagbago sa ugali mo ngayon. Samakatuwid, babalik ka sa dati mong anyo at pananamit kung ikaw ay sasama sa ganitong klase ng paglalakbay.

Nagsimula ang aking paglalakbay sa paggising sa umaga. Inaantok pa pero kailangan nang bumangon dahil papasok pa.

"Teka, patapos na ko ng kolehiyo ah, bakit kailangan ko gumising ng ganito kaaga?"

Maliligo, magbibihis, hindi na mag-aalmusal, pwede na ang laway na panis. Sasakay ng pedicab papunta sa labasan. "

"Pagsakay ng jeep, magbabayad kaya ako?"

Kinapa ko ang bulsa ko, wala akong cellphone. Pero tuloy pa rin ang buhay. Trapik na naman sa Lacson, kaya kailangan kong titigan ang relo ko para bumagal ang oras. Pagdating sa harap ng gate, sarado na, Tsk! Late na naman ako. Pati ba naman pagiging late, nasama sa paglalakbay na ito.

"O, A____, late ka rin pala." Buti at may nakasabay akong late din pumasok. Ang kailangan na lang gawin, maghintay ng guro na papasok sa front gate, at magte-tailgating. Pagpasok ng guro, bumuntot kami sa likuran ng guro hanggang makapasok sa gate sa loob ng skul. (Kailangan mong mag-tailgate dahil hindi ka papapasukin ng guard sa front gate ng basta-basta. Either kailangan mo ng magulang, o gurong kasama.)

Pagpasok ko sa classroom, ang lahat ay galak sa gulat ng makita ulit ang isa't isa. Sa loob ng iisang silid ay nagsama-sama na naman ang makukulit na mga estudyante. Nagdadaldalan, nag-iingay, nagpapadagdag ng sakit ng ulo sa mga titser. Ang lahat ay nagkumustahan, nagkuwentuhan kung ano na ang mga balita sa isa't isa. Ang iba ay nagsipag-asawa na at ang iba ay nag-aaral pa rin. Ngunit sa loob ng silid, ay kulang kami ng isa. Oo nga pala, hindi na siya makakasama sa amin sa field trip na ito. Akala ko complete attendance, may absent palang isa. Nakalulungkot ngunit kailangan tanggapin na hindi lahat ay nananatili. Biglang tumahimik nang mapansin nilang absent ang dakila naming taga-singil. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang kumpleto ang silid, ngayon permanente nang hindi makukumpleto. Kung sa bagay, meron na agad siyang attendance doon sa itaas. Kami na lang ang hinihintay.

"ZzZzzzzzZzzz"... !!!!!!!!!!!!!!!!!!

....Nang biglang humiga ang pusa naming pagkalaki-laki sa tiyan ko, dinaganan ako at ako ay nagising.

Hindi ko na maikukuwento kung ano pa ba ang mga nangyari dahil hindi ko na matandaan lahat. Habang naroon ako sa paglalakbay na iyon, alam ko na hindi ito totoo, ngunit parang gusto kong ulitin ulit kung ano pa man ang magaganap. Kay sarap isipin na mabibigyan ka ulit ng pagkakataon na makita mo ang sarili mo kung papaano ka naging kung sino ngayon. Mabibigyan ka ng pagkakataon na makita kung anuman ang maaaring mangyari kung sakaling may iniba ka sa nakaraan mo, at baguhin ang hinaharap, ngunit mapanganib dahil hindi mo alam kung ano-ano pa ang mga bagay na maaaring maaapektuhan. At kung anupaman ang gawin natin, hindi na natin mababago ang nakaraan. Kung may pagkakamali man tayong hindi nai-tama, kailangan nating matuto dito upang hindi na maulit ang pagkakamali.

Pandagdag na nilalaman:
Sa panaginip na iyon, kayrami kong naisip. 5.50 lang ang pamasahe ng estudyante pero 'pag nagbigay ka ng sais, wala kang sukling singkwenta sentimo. Sa loob ng limang araw makabubuo ang drayber sa isang estudyante ng 2.50. Sa loob ng jeep sabihin nating sampu ang estudyante sa bawat biyahe kaya't magkakaroon siya ng 25 pesos. Balikan o back-and-forth ang biyahe kaya magiging 50 pesos. Kaso sa loob ng isang araw, sabihin nating nakabiyahe siya ng sampung beses, bale limampung beses iyon sa limang araw kaya magiging 2,500 pesos. 2,500 pesos ang nakukurakot ng mga drayber na iyon linggo linggo sa mga estudyante.

Time-Space Field Trip. Bakit nga ba ito ang naisip kong pamagat? Ah, alam ko na. Time-Space sapagkat para kaming naglakbay sa oras, pabalik, pati na lugar at panahon. Field trip dahil buong klase ang naglakbay, ayon sa panaginip ko.

Iyon lang po, sana magustuhan ninyo.
[Continue reading...]

Wednesday, April 11, 2012

I Want Blackberry

- 0 (mga) komento


Blackberry phone. Sabi nila ang mga meron lang nito ay mga professional. Well, mga professional daw ang mga gumagamit nito, at astig pag meron ka nito dahil mukha ka raw pro.


Alam niyo ba kung bakit professionals ang mga gumagamit nito? Here is the reason why. Professionals often do not have much time for their families, so as time for 'kalikot time' in their phone. No time to install games, apps, play games, mess with apps. Always busy in the office. Pirma-pirma. Set schedules. Meetings. Press cons. Bagong strategy sa company. Marketing plan. And most of the time, thinking how they could fit everything they need to do sa kanilang available time. Kaya sila bumili ng isang mamahaling cellphone na ang gamit ay tawag at text. Parang 3310 ng nokia, tawag at text. May camera, internet connection at colored? Sige parang china phone para hindi masyadong kawawa. In order to avoid being tempted to be addicted in playing angry birds, cut the rope, temple run, etc, they preferred Blackberry because iPhone and Android is too mainstream and too teen. Or they think its cool and you look like pro.

Anyway, good thing having a blackberry phone is, if you will see blackberry phone as a pro-phone, you look like pro. You are seen by an average person as may magandang status sa buhay. If you are young, you are seen as mayaman ang pamilya mo. If you work, you are seen as nakakaangat ka na dahil nakabili ka ng ganyan para sa sarili mo (ewan ko bat pag Galaxy Y ang cellphone mo walang dating). Kung spoiled ka naman, mayaman ang magulang mo. Tapos pag nakita ng long lost friend mo, "Wow pre umaasenso na ah, naka-BB na."

Ikaw na may blackberry ano ba gamit ng blackberry sa iyo? Mostly text at tawag lang di ba? Mag 3310 ka na lang, sisirain mo lang keypad niyan eh.

But it always depends kung ano bang ginagamit natin sa kung anong meron sa atin. Sa aking Cherry Mobile M900 (an extinct model), ang gamit ko doon ay radyo, soundtrip (can play FLAC), free internet through GPRS (needs reasearch before you can enjoy this), picture-picture, video recording, games (java), and common things like text at tawag (answering calls. minsan lang ako tumawag eh.). Sa kabila ng lahat ng ito, sa una ang sabi ko sa sarili ko dapat nag-ipon pa ko para mas maganda nabili ko. Pero habang tumatagal, na-maximize ko rin ang gamit nito, hindi lang text,tawag at camera.

Each has its own uniqueness. Merong katangian sa iba na wala sa isa. Depende pa rin kung paano natin gagamitin ang binili natin. Pero hindi sapat na kung text at tawag lang ang silbi ng ating cellphone, bakit tayo bibili ng mamahalin at sasayangin lahat ng features nito? Basahin natin ang manual nito cover to cover, at baka may matutunan tayo higit pa sa inaasahan natin. Hindi natin alam kung kailan ito madudukot, maiisnatch, o nanakawin ng ating kaklase o katrabaho. Baka mawala na lang ang pinag-ipunan mo nang hindi nalalaman na may scientific calculator pala ito na dapat ay ginamit mo nung nag-exam ka at umalis yung proctor.

Spoiler alert: Pwede mong gamitin ang android bilang ruler, spirit level, sound meter, distance measurement tool, metal detector (i'm not kidding) at syempre flash light. While 5110 pwede mong pantumbang preso, basta wag mo lang babasain tsaka tanggalin mo yung sim at battery pag maglalaro ka.
[Continue reading...]

Friday, February 17, 2012

Timbre Headphones got CDR-Kinged!

- 1 (mga) komento
Timbre Headphones, the first Filipino-made Headphone brand as you may heard of is now available in stores. Released just this December 2011, this Filipino-flavored headphone Timbre Gitara comes in two colors, the black with red printed design and the white with gold printed design. See the pictures below.

  
Just this day February 16, 2012, I went to CD-R King to buy a new headphone. I decided to buy the headphone with the detachable flat cord and the design somehow shaped like Dr. Dre's Beats studio. This comes in three colors, red, blue and green. It costs 320 pesos, and it is somehow expensive compared to their other headphone models which only costs 180. But because of its detachable flat cord design like the one's with the Beats, I was intrigued and I decided to give it a try. When I got home, I was excited about its performance and sound quality so I tested it right-away in my good old PC. I played songs with extreme bass to know how good it is and a couple of my favorite songs. And it is a good headphone after all despite it's price and design. Below are pics from CD-R King of the headphone I bought. I got the blue one.

Three in the morning, February 17, 2012, I came across a blog entry which features A Filipino-Made Earphone and I read about it. Then I found out while looking at the pictures of the headphone that what I bought earlier was a pirated version of Timbre Gitara. The headphones may not look the same in their design but the shape, the packaging, and the specs are identical. See comparison below:

TIMBRE GITARA Technical Specifications

  • Loudhailer: 40 mm (Diameter)
  • Frequency Range: 20-20,000 MHz
  • Sensitivity: 110 dB
  • Impedance: 32 Ohm S.P.L. (at 1 KHz)
  • Maximum Power Input: 100 mW
  • Plug (mm): 3.5 mm stereo
  • Cable Length: ~ 1.5 ml
  • Accessory: Volume Control

CDR-KING Headphone HP-001-HUA

  • Loudhailer diameter: 40mm
  • Frequency range: 20KHz-20000Hz
  • Sensitivity: 110dB
  • Impedance: 32 ohms
  • Cable length: 1.5m
  • Maximum power input: 100mw
  • Plug type: 3.5 mm stereo jack
You may not see the Volume Control in the CDR-King's specs, but the cable has volume control. After seeing this, It came to my mind that the Timbre Gitara Headphone may also sound like this because their specs are the same. But it's an early conclusion without testing both headphones (and nothing beats the original).

I thought they only did this to the Beats Headphones, because they also have their version of Dr. Dre's Beats Solo and PowerBeats (the clip-on version of Beats Tour). The difference is that the logo in their version is not letter 'b' but 'c', and the logo is not engraved but only a sticker, all which make it look funny.

If CDR-King is good at copying product designs, I wish they would also copy the products quality and reliability. If not, it's better for them to just create their own.

CDR-King Headphone: http://www.cdrking.com/?mod=products&type=view&sid=12009&main=167
Timbre http://www.tjsdaily.com/2011/11/timbre-headphones-first-philippine.html
Timbre Headphones: http://www.timbreheadphones.com/
[Continue reading...]

Tuesday, February 14, 2012

What's with Valentine's Day?

- 1 (mga) komento

Ano nga ba ang meron tungkol sa February 14? Ito yung may mark sa kalendaryo natin na heart, o kaya isang kerubin, o isang kupidong may pakpak, o kaya trollface na may pakpak, O kaya si forever alone na may hawak na greeting card. In short, February 14 is Saint Valentine's Day or simply Valentine's Day. This is the day when people show their love to their love ones, the day when they go out for a special date, the day where trollface couples are everywhere so as the forever alone faces. Pero ano nga ba ang meron talaga sa Valentine's Day bukod sa magastos ang araw na ito?

From WikiPedia:
In the 1969 revision of the Roman Catholic Calendar of Saints, the feast day of Saint Valentine on February 14 was removed from the General Roman Calendar and relegated to particular (local or even national) calendars for the following reason: "Though the memorial of Saint Valentine is ancient, it is left to particular calendars, since, apart from his name, nothing is known of Saint Valentine except that he was buried on the Via Flaminia on February 14."
Nagbasa lang ako ng kaunti kasi nagtataka ako kung bakit ba sine-celebrate ang Valentine's day.. So... Tingin ko ako lang ang nagtaka. At nalaman ko na tinanggal na 'yan sa kalendaryo natin officially dahil wala naman 'yan kinalaman sa ... what is that word? Love? Heart's Day? ... and anything related to it. Except isa siyang paring martir.



In other words, Valentine's Day is all about money, forcing you to buy expensive gifts, fragrant flowers, greeting cards, to express your what so called love. At kung totoo nga ang valentine's day na dapat sine-celebrate tulad ng pasko, edi dapat walang pasok kapag Valentine's day. Kaso meron. May pasok. Not regarded as like the Independence Day, Christmas Day, People Power, not but just a regular day except na maraming negosyanteng kumikita sa araw na iyon. At isa pa, hindi mo kailangan ng isang espesyal na araw para ipakita mo ang iyong pagmamahal dahil maaari mo naman ipakita ang pagmamahal sa kahit anong araw ng taon, anumang oras, anumang sandali, anumang mangyari.

Another bad thing about this day is nadaragdagan lalo ang population pagdating ng November dahil they show most of their love during the love month. Pero OK naman para sa mga negosyante dahil marami silang kita. Nagkakaroon sila ng pagkakataon na magtaas ng presyo, nang sa ganoon ay mas malaki ang kita during Feb. Mas maraming tao sa mga restaurant, sa mall, sa luneta at iba pang pasyalan, sa mga hotel, motel, at ang bilang ng mga nahoholdap ay mas marami din dahil hatinggabi na umuwi ang mga kabataan.

Samakatuwid, huwag maghabol sa Valentine's Day. Kung hindi ka sinagot before valentine's, ayos lang 'yan, marami pang araw. Huwag rin magsuot ng Forever Alone face dahil nariyan naman si shadow (your friend till the end) na sasamahan ka kahit anong mangyari. Iyon lang po, just can't help to be curious about this "Love Month".

There is no proportional relationship between your gift and the love you give.

Links: http://en.wikipedia.org/wiki/Valentine's_Day
[Continue reading...]

Sunday, February 12, 2012

Walang Pamagat

- 0 (mga) komento
Walang Pamagat
Ni Jay Ocampo

I
Mga bagay na
minsan ko lang gawin
At mga salitang
minsan ko lang sambitin

II
Lahat ay nagbunga
ng hindi ko gustong gawin
Iyon ay ang
hindi ko na muling ulitin.

III
Nakagagawa ako ng tula
Na may sangkap ng mga salita
Buhat sa mga naganap
At sa mga mumunting pangarap

IV
At sa mga tulang iyon
Nais kong ipabatid
Na hindi sa lahat ng oras
May kakayahan kang ipahatid

V
Ang iyong nadarama
na sa puso mo'y nagkukubli
Anumang isinisigaw,
iyan ay tiyak na natatangi

VI
Maligaw ka man sa alon
ng karagatan malalim
O hagipin ng hangin
At maglaho sa kulimlim

VII
Hindi maagaw,
hindi mawawala
Damdamin sa puso'y
Huwag itapong palihim

VIII
Oras ay walang hanggan
Ngunit oras ay lumilipas
Gaano man kabago
Ay tiyak na kumukupas

IX
Kaya kung ako sa iyo
Ay huwag mo nang sayangin
Mga pagkakataong
Minsan mo lang maangkin

X
At kung huli na ang lahat
upang ikaw ay kumilos
Palabas man o paloob
Luha mo ay bubuhos

XI
Hindi lahat ng nilalang
Ay nabiyayaan ng oras
Upang mabuhay ng matagal
Sa mundong marahas

XII
Dumarating ang panahon
Na tayo ay nalilito
Kung bakit pa nabuhay
kung ikaw rin ay mamamatay

XIII
Kung mayroon ka mang problema
Na hindi mo ikinamatay
Magdiwang ka sapagkat
Napahaba mo ang iyong buhay

XIV
Kung ika'y naglalakbay
Kahit madilim ang daan
Ika'y makararating
Basta't alam mo kung saan

XV
Pagka't tayo ay naglalakbay
Naglalakbay ng sabay-sabay
Magkakaiba man ng daan
Sa dulo, lahat ay nahihimlay

XVI
Akin nang tatapusin
Ang mumunti kong tula
Pagka't umiral na naman
Aking pagiging makata

Ang Tula, bow.

PS: Umiral na naman ang pagiging korni ko sa dis-oras ng gabi. Bigla-biglang may tula na lang na lilitaw sa notepad at ipopost sa blogger. Tapos wala pang pamagat.
[Continue reading...]

Monday, January 16, 2012

How to Direct Download Movies Free (No P2P's/Torrents/eMules)

- 3 (mga) komento
How to Direct Download Movies Free (No P2P's/Torrents/eMules)



So why would I be downloading directly if I can with the use of a torrent client? Simple. Because HTTP downloading directly is faster than P2P. It also lessens the chance of getting a fake release, which always happens in torrents. So here's what to do:



1. Install IDM (http://www.internetdownloadmanager.com), and make sure that the IDM extension is integrated in the browser that you'll use. To be sure, close all internet browser before installing this so that IDM will be integrated to your browser, or atleast catch the download.
2. Open your browser, preferrably firefox.
3. Go to google, then in the search textbox, tpe the following without quotes:
"site:movshare.net MOVIETITLE YEAR DVDRip XviD"
The YEAR, DVDRip and Xvid is optional. You can remove them in your search query.
4. Just change the MOVIETITLE and YEAR with the title of the movie you want to download, and the YEAR that the movie is released. If you do not know the year of the release, you can go with the title alone.
Most of the new movies are available in movshare, but does not guarantee that every movie you want to download can be found there.
5. Once you got the results, click the appropriate movie and wait for the IDM download box to appear. When you got to the page, it will say that you don't have a DivX codec, or a plugin is missing. Just ignore it as you will not watch the movie in your browser.
6. The download box will appear and all you have to do is click "Start Download" and wait for it to finish.
7. While waiting for the download, you can prepare your popcorn, make some juice and gather  friends to watch with you.
8. If you want a real DVD-like experience before you watch, you might want to download the appropriate subtitle for your movie. Just go to subscene.com and search and download the subtitle. It comes in a compressed zip file, so extract it where your movie resides and rename it exactly what the filename of your movie is. For example, if you have downloaded Immortals.2011.R6.READNFO.AC3.XViD-U.S.M.avi (Look at the filename just below the player of the movshare page), the subtitle you need to get is named as Immortals.2011.R6.READNFO.AC3.XViD-U.S.M.srt. Some subtitles will not match the timing in your movie if the team which released the movie (the name at the end of the filename, in the example, the U.S.M) is not specified in the download. So you'll need to download every ENGLISH subtitles until you get the right one. Just make sure the movie and the subtitle filenames are the same, just differs in their file extensions.
9. When the download is finished, click open, and it will open with your default player. Mine is Media Player Classic (which you can get with K-Lite Codec Pack), but most have VLC Media Player installed. I like Media Player classic more because its lighter than VLC.



Bonus tips:
It is always best to download "Properly-named releases". When I say properly-named, the filename in the download page follows the warez standard in naming the releases (releases are the things you download from the internet, such as albums, movies, softwarez, etc made available by the hackers/pirators/warez-duds/uploaders out there). This standard naming in movie releases follows this format Title.of.The.Movie.Year.Source.Additional.Info.If.Any.Codec-NameOfTeam.avi
If you can observe, each word is separated a period, not a space or underscore. This is the standard so bear with it. But sometimes there are releases which aren't separated with periods. It only means that they are just "re-uploads" by some guy who wants to gain popularity. They also renames the releases, removes the teamname, or the worst, change the teamname with theirs, which is very unethical in the warez scene. So if you'll ever be sharing what you've got freely, don't change anything in the file and keep the package intact, specially the NFO file-opennable with notepad(If you are downloading from torrents) which contains information about the release. Its the least way of giving credits to the hackers/crackers/uploaders who made that album you are listening right now or the movie you'll watch freely in the internet. That's all folks. This is alfr3d007, I hope you find this article helpful. I'll post examples/screenshots when I got time.
[Continue reading...]

Wednesday, January 11, 2012

Ang Dalawang Gangster

- 0 (mga) komento
Ang Dalawang Gangster
(Somewhere in December 2011)

Isang hating-gabi sa buwan ng disyembre, sumakay ako sa España ng jeep, biyaheng Baclaran. Sa aking pagsakay ay may ilang pasaherong inaantok. Mga galing sa trabaho, sa gimik, mga pauwing tulad ko. Ang tugtog sa jeep ay pamilyar sa bawat kanto ng Tundo, sa bawat eskinita na puno ng tambay na lawlaw ang damit at matalim ang dila at paningin. Sa harapan ng jeep ay ang nagmamaneho at ang kasama niyang tiga-abot ng bayad at sukli. Kung iyong titingnan, tila mga ka-edad ko lamang ang dalawang gangster na ito na nanghiram lang ng jeep upang kumita ng kaunting pera.

Nagbayad ako. Sampumpisong buo ang ibinayad ko at sinabi kong sa recto ako bababa - doon sa pag-ahon ng jeep mula sa pagbaba nito sa ilalim ng tulay. "'Yung sampu, sa recto lang, isa lang". "Recto ba magkano? Sampu?", "Hindi, otso lang.", sagot ng drayber. Hindi ko alam kung wala pa bang panukli ang drayber o hindi ako nito narinig dahil malakas ang tugtog. Lampas na ng Lacson pero hindi pa rin ako nasusukilian. Sa tapat ng P. Noval, sa pang-apat na sabi ko, naalala rin ng tiga-abot kung may sukli pa ako. "Recto, lampas na ba?", tanong ng tiga-abot sa kaibigang nagmamaneho. Nagtataka ako kung bakit hindi niya alam kung lampas na ng recto, samantalang nasa harap naman siya ng jeep at mukha namang hindi malabo ang mata niya dahil nalaman niyang sampumpiso ang inabot kong barya. "Hindi pa. Teka lang wala pang barya, bababa ka na ba?", sabi ng drayber. Sabi ko nga recto, morayta pa lang tinatanong na kung bababa na ako. "Recto siya bababa" ang sabi ng babaeng pasahero sa tabi ko. "Recto ako bababa, malapit na.", ang sagot ko naman. "'Eto ang bente, bigyan mo na lang ako ng dose kung meron ka.", ang sabi ng drayber. Sabi ko wala, pero nung tiningnan ko ang pitaka ko, meron pala kaya sinabi ko agad na meron. Inabot ko ang dose, at binigyan ako ng benteng papel. Para bang ako ang binayaran ng otso ng drayber at siya ang sinuklian ko. Pumara ako sa pag-ahon ng jeep sa medyo tapat ng motel sa tabi ng Isetan at naglakad papuntang recto upang sumakay ng jeep na biyaheng Divisoria.

Bago pa man ako bumaba, alam ko nang nalito ang drayber sa pagsusukli sa akin. O marahil lumilipad lang ang isip ng dalawang ito dahil humithit muna ng bato bago bumiyahe. Dalawang piso lang naman ang hinihingi kong sukli ngunit ang nangyari ay dalawang piso lamang ang tinanggap niya buhat ng pagbibigay niya ng bente at pag-aabot ko ng dose para ako ay kanyang "masuklian". Kung susuriin, ganito ang naganap habang ako ay nakasakay pa sa jeep. Nagbayad ako ng sampu, nagbigay siya ng bente, at nag-abot ako ng dose. Bente-dos ang natanggap niya, at bente naman ang isinukli niya. Dahil sa dalawang gangster na iyon, ang biyahe mula sa Blumentritt, España hanggang sa Recto ay naging dalawang piso na lang. Pinili ko na lamang na hindi makipagtalo dahil pababa na ako. At umuwi akong nakatipid ng pamasahe dahil sa dalawang gangster na ito.
[Continue reading...]
 
Copyright © . High's Kul... Life Online - Posts · Comments
Theme Template by BTDesigner · Powered by Blogger