Marami tayong gusto sa buhay. Mga materyal na bagay, mga makamundong kaligayahan at iba pang mga hindi natin madadala sa langit pag tayo ay namatay. Pero makasama lang kita ok na ko. Ehem ehem back to topic. Isang araw nagkasakit ako. Nilagnat ako, pero hindi ko inaasahan na ito yung lagnat na hindi ko kakayanin ng mag-isa. Buhat sa pangyayaring ito, at nataon na rin sa panahon ng halloween/all saints day/all souls day, bigla kong naisip ang mga bagay kung sakali mang mamatay ako. Ano-ano nga ba ang mga ito?
Naisip ko kung sakali mang mamamatay ako, huwag naman ngayon kasi hindi matutupad ang death wish ko. Ano nga ba ang mga bagay na gusto ko sa oras na mamatay ako? Unang una, ayokong galawin/ipamigay/ipamahagi/hiramin/amuyin/gamitin ang mga gamit ko. Iyon lang naman pagdating sa mga ari-arian ko kasi balak ko pa mabuhay ulit after a year if possible. (hahaha). Nope, I'm just kidding, di ko pa alam gagawi ko sa mga gamit ko, pero pagdating ng burol meron na akong plano.
Kabaong. Kung nanonood ka ng mga horror movie lalo na 'yung tungkol sa mga bampira (hindi horror ang twilight) eh malamang nakakita ka na ng kabaong na hexagon. Sa pagkamatay ko, gusto ko ganoon ang kabaong ko, kasi ayoko ng rectangle na makintab, masyadong mainstream. Bukod sa pagiging hexagon, gusto ko kasya dalawang tao. Bakit? siyempre iyon na ang mga huling araw na makikita nila ako. Gusto ko pwede silang magpapicture katabi ko, para memorable tutal uso na cellphone na may camera ngayon. Nasa kanila na lang kung magpapapicture sila kung matatakot sila. Wala naman ako magagawa sa kanila kasi patay na ko. At matutuwa pa ko kung mas maraming magpapapicture, kasi ibig sabihin may tiwala sila sa akin na hindi ko sila tatakutin habang naka-posing sa camera. Pagdating naman sa kulay, itim ang gusto ko sa labas tapos pula naman sa loob. Ayos na iyon, para hindi dumihin.
Inumin at Pagkain. It may sound stupid pero naisip ko what about Starbucks ang kape ng mga kaibigan ko (sila lang ha, hindi kasama mga tambay at nakikilamay) tapos may kapares na Krispy Kreme o kaya Bread Talk na meryenda. Pero kung hindi pasok sa budget, ok na yung Happy-Haus Donuts. Siyempre ito ay para na ring pasasalamat sa mga oras na nautangan este natulungan nila ako. Huwag lang sanang marie buiscuits kung talagang wala, kung ayaw nila bumangon ako sa kabaong.
Activities. Parang birthday party lang, may clown, may entertainer, may palaro. Ayaw ko ng sugal, dahil hindi naman ako sugarol. Gusto ko kahit isa lang na arcade unit ng Tekken meron sa burol, or Three-Puck Play. Kahit Playstation console ok lang. Basta meron silang napaglilibangan. Mas ok kung magkakaroon ng Yu-Gi-Oh! Tournament sa burol ko, masaya 'yun! Premyo, lahat ng cards ko pati peke kasama.
Music. Karaniwan sa burol, tahimik, walang tugtog. Puro chismis lang. Puro kwentuhan. Gusto ko meron guest na banda. Either The Bloomfields o kaya The Bloom Brothers (they are 1 band split into two because of....muscal differences daw). Sila 'yung banda na masaya tumugtog. At tinutugtog nila yung mga tugtog na hindi mo na maririnig ngayon kasi natabunan na ng mga kung ano-anong basurang tugtog. Eraserheads sana kaso mahal fee nila eh. Tsaka patay na rin ako, hindi ko na mapapanood at di ko na rin mapapapirmahan mga eheads album ko, buti sana kung buhay pa ko sige lang. Pero kung di pasok sa budget nandiyan mga pinirata kong mga CD ng Beatles, kaya sige lang paingayin ninyo ang tunog ng 60s.
Parade. Uso pa ba ang nagpaparada bago ilibing? Yun bang nagdudulot palagi ng trapik? Kung uso pa, ang gusto kong ipatugtog doon sa karo eh yung mga naririnig ng tao karaniwan tulad ng Gangnam Style para napapasayaw sila habang naglalakad o kaya naman yung mga panDougie na mga kanta. Para na rin makarelate naman sila sa tugtog, tsaka para masaya at hindi malungkot ang atmosphere ng parada. Ililibing na nga eh, tapos ang kanta "Hindi kita malilimutan". Para tuloy lalo mo lang pinalungkot yung mga namatayan imbis na pasayahin, baka magpakamatay din yan. Tsaka iyon din minsan ang nagpapatrapik, mabagal ang kanta. Kaya't kung masaya ang kanta, yung mga naaabala sa biyahe eh makikinig din sa tugtog, at hindi na sila marahil magreklamo kasi pati sila napapa-soundtrip na rin. Huwag lang sana makalimutan ng drayber ng karo na sa libingan ang destinasyon hindi sa diskuhan.
Alam ko masasabi mo, napaka-gastos ng pagkamatay ko. Pero hindi naman para sa akin iyan, para sa mga dadalo ng burol iyan. Malamang sasabihin mo sa akin "Huwag ka na lang mamatay, ang gastos mo", well malay mo tulungan tayo ni mayor o kaya ng wish ko lang. Malay natin. "Ang dami mong kalokohan", haha. Pwede mong sabihin iyan. Pero seryoso ako tungkol sa mga nabasa mo.
Ikaw, ano ang Death Wish mo?
Home » Now and Then » Death Wish
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 (mga) komento:
Post a Comment