About

Tungkol saan nga ba ang blog na ito? Marahil nagtataka kayo kung bakit High's Kul... Life Online ang pamagat ng aking blog. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pamagat na ito? Ipapaliwanag ko sa inyo ang bawat salita.

High's - Kung mapapansin niyo, mayroong apostropiya ang salita. Ang salitang 'High' dito ay tumutukoy sa akin. Bakit ako high? No'ng elementary ako, ang tawag sa akin ay sabog. No'ng first year high school naman ay bangag. Siguro dahil napakatahimik ko sa klase at kapag nagsalita ako ng nakakatawa, matindi ang dating. O marahil siguro palagi nila akong napapansin na wala sa sarili, pero ang totoo malalim lang talaga ang iniisip ko at mas pinipili kong maging tahimik kaysa mag-ingay.  O marahil din napaka-weirdo ng dating ko sa kanila na akala nila isa akong adik, autistic, at kung anupaman.


Kul... - Mula sa Grupong Kul. GK for short. Isang grupo ng magkakaibigan (na hindi na nag-eexist, jk). Mayroong ellipsis sa dulo nito. Huwag mo nang alamin kung bakit. Hindi mo gustong malaman. Basta, isa itong grupo ng magkakaibigan na binigyan ng pangalan ang kanilang grupo dahil sa tingin nila ay astig ito.


Life - Sa tagalog, buhay.


Online - Dahil narating na nito ang internet. At kung noon isa lamang itong notebook na maraming sulat / o isang nobela rather na hindi na maipa-publish dahil hindi na ma-edit, isa na itong blog kaya naging online.


So, ang HKL Online ay isang blog na tungkol sa buhay ko, at kung ano-ano pang napapansin ko tungkol sa buhay. Naglalaman ng jokes, tips, tutorials, minsan downloads, tula, mayroon din musika, at higit sa lahat ang mga kalokohan at karanasan na maaaring makarelate ka at maaari rin namang hindi lalo na kung hindi ka pa nagka-lovelife.

Sana ay maibigan niyo ang mumunting blog na ito. Maaari kayong mag-iwan ng comments sa bawat sanaysay, at ipahayag ninyo ang mga saloobin ninyo matapos niyo itong mabasa.

Maraming salamat!
 
Copyright © . High's Kul... Life Online - Posts · Comments
Theme Template by BTDesigner · Powered by Blogger