Saturday, September 7, 2013

Ano Nga Ba Ang Tula?

- 0 (mga) komento

Kung ikaw ang tatanungin, ano nga ba ang tula
Ano nga ba ang laos na raw na larangan ng paggawa
Ng mga salita at mga linyang 'di lamang sa dulo may tugma
Ngunit pati na rin sa buhay at karanasan ng may-akda

Ano nga ba ang tula na nagsasaad ng damdamin
Na sa pamamagitan ng tugma ay nabibigyan ng sining
At nabibigyan din hindi lamang ng lalim
Kundi pati na rin damdaming layunin ay magpahiwatig

Ano nga ba ang tula na may laman ng tawa at ngiti
Minsa'y naglalaman ng lungkot at pighati
Na katumbas ay tagumpay at pagkasawi
Na kung sa tula ilalahad ay tiyak na natatangi

Ano nga ba ang tula para sa 'yo kaibigan
Na maaari o maaaring hindi mo minsang nahiligan
Ngunit sana'y iyo man lamang masubukan
Gumawa ng tula kahit lamang katuwaan

Hindi naman lahat ay isinilang na makata
At hindi rin naman lahat ay mga mambabasa
Ngunit panahon ngayo'y lunod na sa teknolohiya
Mga tula'y nilalapatan na ng dagundong at kaunting nota

Na ang mensahe kung mayro'n ma'y natatabunan na ng lubos
Sining ng pagtula'y dito na ba magtatapos?
Tanging buga't dagundong na lang ang napapansin
Liriko't mensahe pa'y bastos kung susuriin

At kung minsa'y mga makata'y nagsisipagtagisan
Ng kani-kaniyang galing sa palaliman
Ngunit paligsahan nama'y labanan ng kayabangan
Bakit ba nahiligan ang gan'tong klase ng larangan

Na imbis na itaas pa at palawakin ang lawig ng sining
Ay tila pa't nag-iiba lalo't nawawalan ng ningning
Sa kagustuhang buhayin ay lalo pang naililibing
Kailan ba magigising mula sa pagtulog ng mahimbing? 

O marahil ang tula ay hindi naman talaga pinapatay
Ngunit ay nag-iiba lamang ng anyo at kulay
Nag-iiba kasabay ng paglipas ng panahon
Ibang-iba kumpara sa panahon noon

Ano nga ba ang tula noon, at ano ang tula ngayon
Parehas lamang na tula ngunit magkaiba ng panahon
Kung dati-rati'y mga tula'y kagiliw-giliw na basahin
Ngunit ngayon kung gumawa ka ng tula'y di maiwasang asarin

Na ikaw ay makaluma't wala na sa panahon
Isa kang makatang hindi nabuhay noon
At isinilang ngayo't gumagawa ng akda
Kahit wala nang magbabasa'y patuloy pa rin sa paglikha

Ngunit wala naman talaga silang magagawa
Walang awitin kung walang tula
Walang pangungusap kung walang salita
At walang kahit ano kung walang lumikha

Muli natin balikan kung ano nga bang kahalagahan
Ang tanong na kung "ano ba ang tula?" tila wala nang kabuluhan
Dahil basta't pantig ay bilang at sa dulo'y may tugma
Tula nang maitatawag sa ganitong klase ng akda

Ngunit ang tunay na kahulugan iyo lamang makikita
Kung ika'y magbabasa bilang isang mambabasa
At hindi bilang nagbabasa lang ng kung anong nakasulat
Dahil mensaheng nakapaloob ay higit pa sa mga salitang nakalapat

Malalim man o mababaw mga taludtod na nakalahad
Layuning magparating ng mensahe ang tanging hangad
Nguni't anumang nais iparating ay saka lamang mabubuksan
Kung mga taong titingin ay mga bukas din ang isipan

Kaya't kaibigan, kung ikaw ang tatanungin
Maaari o maaari rin naman hindi mo na sagutin
Bukod sa may bilang ang pantig at sa dulo'y may tugma
Para sa iyo, ano nga ba ang tula?
[Continue reading...]

Friday, September 6, 2013

Trabaho

- 0 (mga) komento
Mahirap ang buhay ngayon. Iyan ang sabi ng mga tao. Pati mayayaman sinasabi iyan. Pano ba naman, apektado kasi sila sa pagtaas ng presyo ng gasolina. Kung mataas ang cost of living, mataas din ang standards pagdating sa mga bagay -bagay. Kung ikaw nagtitipid ka sa pagpipishbol, sila nagtitipid sa pagjojollibee. Parehas lang na nahihirapan. Kung trapik ka o stranded sa LRT, sila rin trapik sa biyahe dahil masyado nang marami ang mga may-ari ng kotse, nagsisiksikan sila sa kalsada. Pero tungkol nga ba saan ang bagong entry na ito?


Nangarap ka na ba ng sariling bahay at lupa? O malupit na kompyuter at selpown pa rin ang pangarap mo? Naisip mo na ba ang mga gusto mong mangyari sa buhay mo hinaharap? Kung anong klase ng baso ang gusto mo sa kusina, stainless o porselana o yung toxic na plastic na gawa ng intsik? Bintilador ba o aircon ang gusto mo sa kwarto? Naisip mo na bang libutin ang buong mundo? O kahit Pilipinas na muna? Survey lang. Pero malamang napaisip ka rin kung ano nga ba ang mga bagay-bagay na gusto mo sa hinaharap, hindi lang mga materyal na bagay na gusto mo ngayon.

Lahat tayo may mga pangarap, pero hindi lahat ay nakaisip na ng kung ano ba talaga ang mga nais tuparin at mga nais lang i-isantabi (tulad ng world peace, saka na yan hahaha). Libre nga raw mangarap eh. Libre? Di nga. Akala mo lang iyon, pero ang kapalit ng pagtunganga mo ay ang oras na pwede mong magamit sa pagtupad ng mga pangarap mo.


May nabalitaan ako, isang magbabalot daw na naging web developer. Ginagastos ang kita sa pagbabalot para makapag....dota? Malay ko, pero sabi para raw sa pagpapaunlad ng sarili. Siguro tulad ng panonood ng tutorials at iba pa. Ano kayang system ang nagawa na niya, Online Balot Ordering System? Balot Inventory and Reservation System? Biro lang, never meant any disrespect. Pero parang gusto ko rin magtinda ng balot baka sakaling maging web developer ako. "Order your balot, RIGHT THROUGH YOUR ANDROID PHONE!" Huehuehue. Astig, Balot Application for android. So ano nga bang mensahe ng balita na iyon? Kung sino ka man, kahit magbabalot ka pa, matutupad din ang mga pangarap mo. Malamang niyan mas malaki pa sahod niyan kumpara sa maraming programmer at mga developer ngayon. At bukod doon, maaari siyang maging inspirasyon.... ng maraming magbabalot, joke..  Ng maraming tao siyempre hindi lang mga magbabalot kundi ng mga tao na akala nila pangarap lang ang mga pangarap. (Google mo na lang yung balita, narinig ko lang 'to sa kakilala ko.) And there's so much more for that person na maaaring mangyari pa sa career niya bilang magba, ehem, bilang developer.

Next headline. Dating rugby boy, binili ang Microsoft. (joke)


Balik tayo sa paksa. Naranasan mo na maglako ng resyumey? I mean, maghanap ng trabaho. Ang hirap maglako ng resyumey lalo na't andami mo rin kasabay at kakumpitensiya. Isama mo na rin kung hindi nangangailangan ng katulad mong nag-aapply ang mga kumpanyang pinipilahan mo para makapag-apply. Gigising ng maaga, magpapapogi, magpapaganda. Pero sa biyahe pa lang nakikipagsapalaran ka na. Pagdating ng makati o kung saan man, umpisa pa lang ng araw mo. Walang nakakaalam kung may patutunguhan ba ang paglalakbay mo ngayon, pero nakasalalay pa rin sa diskarte at swerte mo. Swerte? Malas daw ang maniwala doon. Pero mas mahalagang magtiwala ka sa sarili mo. Ihanda ang sarili sa mga tanong na tulad ng "What is your purpose in life?", "How do you see yourself in five years?". "I can't see myself in five years, I have no futuristic mirror." At kung minsan tatanungin ka rin ng mga bagay na may kinalaman sa kursong tinapos mo, na ang totoo ay wala naman talagang alam tungkol doon ang nagtatanong kaya dapat sagutin mo ito na kahit hindi mo alam ay makumbinsi mo silang alam mo ang sinasabi mo. Every applicant is essentially honest, sabi ng mga HR. So kung magsisinungaling ka man sa HR na nag-iinterbyu sa 'yo, just tell them your "stories" dahil hindi nila alam kung nagsasabi ka ng totoo. Ikwento mo yung napanood mo sa pelikula kagabi, maniniwala iyon basta hindi ka magpapahuli. Hindi ka nagsisinungaling, inaaliw mo lang sila sa kwento mo. As if naman na tatanggapin ka nila di ba? Bukas ibang tao na naman ang kausap ng mga iyan, at makakalimutan ka na nila bago pa man matapos ang araw kaya mas magandang mag-iwan ka ng remarkable sa kanila ("Itong aplikante na to yung aso nila nagsasalita. Aw aw aw."). (But I'm not encouraging you to lie, you liars!) Iba-iba ang klase ng exam nila, may written, may mahirap na kala mo bagsak ka, may madali na kala mo pasado ka. Pero kahit anong klase ng exam iyan, tinitignan lang naman kung may natutunan ka ba sa eskwela at kung may saysay ba ang paggraduate mo sa mga eskwelahang pinasukan mo. Lalo na kung hands-on exam, may mga mabababait na nagpapaexam na pwede kang mag-google para sa simpleng program na pinapagawa sa 'yo. Dahil kung matatanggap ka man sa trabaho, google pa rin naman ang babagsakan mo para hanapin ang syntax na kailangan mo. Kaso hindi na exam ang tawag doon. Kaya ka nga nag-exam kasi sinusubukan ang nalalaman mo, hindi ang galing mo sa pag-copy paste mula sa anumang source. Pero meron talagang gano'ng klase ng exam, open source. I honestly feel cheated nung may nagexam na hinayaan mag-google kasi hindi makapagprogram at hindi alam ang language na gagamitin. What the? Paano na lang kung walang internet? Anyways, tama na pagiging bitter. (Zamboanga naman bagsak nya, kidnapin sana siya ng mga terorista.)


After exam, after interview. "Tatawagan ka na lang namen." Hell yeah. Tatawagan your face. Liban na lang kung talagang kailangan nila, tapos super-qualified ka at wala kang kumpitensiya, tatawagan ka for the final interview. Interviewhin ka ng magiging superior mo na pag tinanggap ka, sa unang sweldo mo magpapalibre sa 'yo ng pizza kahit wala ka pang sinusweldo at sariling pera mo 'yun hindi galing sa sweldo (and with the fuck/fact na triple ang sweldo niya kumpara sa 'yo).

There is always a 'first time'. First time mag-apply, First time first blood, first time hindi sumweldo, first project, first time sigawan, first time pagalitan, first time overtime, first time ma-late, first time umabsent, first time mag-undertime. First time mag-resign o matanggal sa trabaho. Meron ding first time pansinin ng crush mo doon sa accounting department, na minsang binalaan ka ng mga katrabaho mo na huwag kang lalapit doon dahil may nagmamay-ari na doon.

Pag-uwi galing sa trabaho, depende ang reaksiyon mo. Depende ang hitsura mo kung sa unang araw mo palang eh binigyan ka agad ng project kahit hindi ka pa na-enrol sa biometrics a.k.a hindi ka pa "na-finger". Or sa unang araw ay maganda ang naging trato sa 'yo ng mga katrabaho mo. Either magiging proud ka dahil may trabaho ka na ngayon, o magtatago ka sa mga posibleng magpalibre dahil akala nila porket may trabaho na marami nang pera. Either way, you should feel blessed dahil maraming tambay ngayon ang naghahanap ng trabaho (medyo paradoxial yung tambay na naghahanap ng trabaho kasi pano mo nasabing naghahanap kung tambay o paano mo nasabing tambay kung naghahanap). Ah basta mahirap magmahal ng siyota ng iba. Uy teka ba't lyrics ng APO bigla? Yep. Marami kang makikitang ads. Posted ads. Maraming call center companies ang nangangailangan pero yung trabaho na gusto mo, o propesyon na pinapangarap mo, medyo mahirap hanapin dahil hindi lang ikaw ang anak ng diyos...... malay mo ampon ka pa pala huehuehue.. Kaya nga mas magandang pumasok sa mga skul ng kilala. 'Yun bang maraming "achievements" pero actually hindi naman skul yung may achievement kundi mga estudyante. Nakiki-ride on lang yung skul sa achievement ng mga estudyante nila para sumikat sila. At pati na rin yung mga wala naman nai-ambag na estudyante sa achievement na nakuha nakiki-ride on din. "WOW PLM! Matalino ka pala! Tignan mo tong browser sa android ko, Anong ibig-sabihin ng HTTPS?" "Uhhm,... Hyper Text-Tawag-Picture-Selfie!!" Meron akong ka-trabaho. Well, technically. Kasi hindi naman siya empleyado but an on-the-joke trainee. Isang araw nakasabay ko siya pauwi dahil malapit lang naman sila sa amin. Tinanong niya ko ng kagulat-gulat na tanong. "Totoo bang matatalino lahat ng estudyante sa PLM?" Sagot ko, "Hindiii. Hindii totoo yaaan. Daming gumagraduate na hindi naman natuto." Magkaiba ang gumradweyt at natuto. Clearly, kaya niya natanong kasi nga dahil sa epekto ng "achievements" ng skul, but really it's the student that you should celebrate pero kinukuha ng credit ng skul kaya sumisikat yung skul. And then you're the one to take the blame if you bring embarrassment to your school. Mahal nila ang estudyante nila kapag may achievement sila, pero kinamumuhian nila kung sakaling nagkamali o maw nagawang mali. Samantalang parehas lang naman silang estudyante na pinili ang paaralan na pasukan. Sabi nga ng isang taga-IBM na nag-speech sa isang seminar, "Skul.. PLM, FEU, La Salle, Ateneo, PUP,etc. Pare-parehas lang yan. Pangalan lang yan ng skul na pinasukan mo., pero pare-parehas lang kayo ng pinag-aaralan. Grades? number lang yan na nakasulat din sa papel. Marami pang mas magagaling sa inyo na mga hindi naman nakatapos ng college pero tinitingala ngayon, kundiman ay ineenjoy ang magandang buhay." Kaya i-drop mo na iyang subject mo hahahaha. Biro lang, aral kayo mabuti at magpakabait. What makes you different among the others is not the school you are from, or how high your 1.0 you've got from english proficiency but who you really are. Naks, English yun ah!! Aanhin mo 'yung pinagmamalaki mong mataas na grade kung hindi mo naman deserve? Paano mo gagamitin iyon in real life? (Edi isasampal ko sa HR para matanggap ako hahahaha) Sabagay, matututo ka naman sa trabaho kapag nagtatrabaho ka na. So, saka ka pa lang mag-aaral kapag nagkatrabaho ka na? Nice. Bago nga mag-BAR exam nagrerebyu muna na parang extension na rin ng college life eh, tapos ikaw saka mo palang pag-aaralan ang mga kailangan mong malaman pag nagkatrabaho na?


Gayahin mo na lang si napoles tapos magpapa-fansign ako sa 'yo.


Well, anyways,.. I've got mixed emotions na parang album ng love songs pag-uwi ko galing sa unang araw sa trabaho. Mixed na parang may tapa at tocino sa mixsilog. Medyo badtrip dahil sa biglaang project, na medyo challenged kasi bagong yugto na naman ng buhay (ASP.NET, more VB.NET, JavaScript, jQuery, more SQL, CSS, AJAX, and a chance of Microsoft Dynamics), na medyo excited kasi ibang klase ng industry ang napasukan ko, na medyo malungkot kasi nawalan na naman ako ng panyo at button pin na nakuha ko sa isang seminar (yung SMILE na button pin saka yung LINUX MINT :( ). Pag-uwi, nagfriendster............................... duh.. Siyempre peysbuk. Daily routine na 'yan eh.


Kayo, kumusta crush niyo? Nagreply na ba sa pasimple niyong GM? Medyo matagal na rin walang bagong entry, so guys.. Stay tuned to this blog and feel free to leave your comments. Blog-blog din pag may time.
[Continue reading...]

Tuesday, September 3, 2013

Ulan

- 0 (mga) komento



Simoy ng hangi'y tila lumalamig
Pakinggan mo ang langit ito'y yumayanig
At ang mga patak hindi mo ba naririnig?
Unti-unting binabalot ang paligid ng lamig


Ihip ng hangin bahagyang lumalakas
Ipasok mo na ang mga sinampay sa labas
Bago pa man mga ito'y liparin sa lakas
O mabasa ng ulan at sambitin mong 'malas!'


At heto na nga't ang ulan na'y bumuhos
Hindi mo alam kung kailan matatapos
Kaya't pagbuhos ng ula'y iyo munang pagmasdan
At subukan magbilang ng mga patak ng ulan


Ang bawat lupang nauuhaw ay dinidiligan 
Binibigyang buhay ang mga halaman
Na madalas sinisira't pinapabayaan
Dinidiligan ngayo't inaalagan


Kung nalulungkot ka'y subukan mong lumabas
At damhin ang mga patak ng ulang lumalakas
Luha mong pumapatak ay isabay sa pag-ulan
At hayaang damdamin mo rin ay mahugasan


Sadyang napakalamig, at sadya ring kabaligtaran
Ng pag-ibig mong nag-aalab, ginaw na dulot ng ulan
Sa dilim ng gabi, at sa gitna ng daan
Hayaan ang damdaming nalulungkot na mahugasan


Tulad ng mga halaman na mananatiling buhay
Dinidiligan pagka't sila'y nagbibigay kulay
Sa buhay na matamlay tulad ng pag-ibig na tunay
Na wala nang hihigit pa kung ito'y iyong iaalay


At ngayong ula'y unti-unti nang tumitila
Ihip ng hangin ay bahagya nang humihina
Sa pagtila ng ulan madarama mo na nang payapa
Katahimikan sa paligid ay katahimikan din sa diwa


Makinig sa ibang mga tugtugi't awitin
Anila sa tuwing umuulan, araw ay sisikat din
Ay tulad din ng mga pagsubok at suliranin
Na kung darating ma'y tiyak na malulutas din


At sa bawat simula ay naro'n din ang hangganan
Ngunit sa bawat hangganan ay may bagong simula naman
Na tila ay nagsasalit-salitan lamang
Ngunit may natututunan sa bawat paghakbang.
[Continue reading...]

Sunday, July 7, 2013

Ano'ng Nauna, Itlog o Manok?

- 1 (mga) komento
Ano'ng Nauna, Itlog o Manok? Lumang tanong na 'to. Noon pa lang pinagtatalunan na kung nauna ba ang manok o itlog. Kung itlog ang nauna, sinong nag-alaga sa itlog. Kung manok naman, saan nanggaling ang manok? Pero heto ang istorya tungkol sa kung alin nga ba sa dalawang ito ang nauna?



Noong unang panahon, nilikha ng diyos ang tandang. Ngunit dumating ang panahon na nalulungkot na ang tandang kaya mula sa tadyang nito, nilikha ng diyos ang manok. Magmula noon, naging masaya na ang tandang sa piling ng manok at nagkaroon sila ng maraming itlog.

Isang araw sinubok sila ng panahon. Tinukso ng bulate ang manok na kainin ang ipinagbabawal na palay. Ngunit hindi nito sinunod ang mapanuksong kutya ng bulate at kinain na lamang nito ang bulate. Kawawang bulate.

At iyon ang kuwento. Kung alin ang nauna? Ang tandang. Maaaring nauna ang manok, ngunit may mas nauna pa sa itlog at manok. Iyon ang tandang. Kaya sa susunod na itanong ito sa inyo, ang isagot niyo ay ang tandang dahil kadalasang hindi ito naisasama sa tanong kung alin ang nauna.
[Continue reading...]

Saturday, June 15, 2013

Balik-Aral

- 0 (mga) komento
Pasukan na naman. Buwan na naman ng Hunyo. Back to School. Uso na naman ang mga Back-To-School sales at kung anu-ano pa. Problemado na naman si Itay at Inay sa mga pambaon nina Jun-jun. Tiyak na tinatamad na naman pumasok ang iba dahil ang mga isip ay nagbabakasyon pa. Andun sa damuhan namamasyal ang isip. Naglilibot sa ulap. Nag-tatampisaw sa Bora. Pero ayos lang 'yan. Matapos ang pagkahaba-habang pila sa enrolment, pagpasok mo naman sa eskwela wala pa agad masyadong klase pwera na lang sa mga propesor na nagle-lesson agad at quiz sa first day.



Pero mukhang maayos naman ang pagpasok ng pasukan. Tag-ulan agad, siyempre hintay agad sa suspension ng klase. Signal no.1 suspended all-levels - Iyan ang palaging dalangin ng mga estudyante eh, akala mo naman diretso sa bahay kapag nasuspend na. 'Yung iba diretso laro (ng apoy? hindi, ng computer), 'yung iba diretso lakwatsa sa mall na nagmimistulang evacuation center ng mga estudyante, at siyempre meron naman talagang umuuwi agad ng bahay pero naii-stranded naman sa biyahe. Uuwi ng bahay basang-basa parang galing lang sa ulan. Basa ang sapatos, ginamit panlusong sa baha. Basa ang polder na may kalakip na asayment na kapapa-print lang kaninang wala pang ulan dahil ginamit pantakip sa ulo (akala mo talaga hindi siya mababasa eh). Pagdating sa bahay, hindi pa naghuhubad ng sapatos, Facebook na agad sabay status "JGH. Grabe ang lakas ng ulan." Oops, teka upload lang saglit yung pinityuran mong baha with caption "It's more fun in the Philippines". Pero kung brownout, epic fail ka, sana nag-SM ka na lang - ito yung maiisip mo. Itulog mo na 'yan. O kaya tumulong ka sa nanay mong maglimas ng tubig-baha na pumasok sa bahay niyo.



Gayunpaman, hindi na 'ko sakop ng discounted fare sa jeep (pero minsan sinasabi ko pa rin "manong bayad, estudyante") dahil tapos na ko ng kolehiyo (all right!), pero heto ako ngayon. Sabay sa agos ng panahon, balik-aral. Hindi balik-aral na rebyu ng mga pinag-aralan pero balik-aral na bilang estudyanteng nagbakasyon. Balik sa pag-aaral ng bagong kaalaman. Nakapagre-relax ang tumambay sa bahay, sa labas ng bahay, sa bubong ng kapitbahay pagtapos mong maistress sa eskwela. Wala nang iisipin ng kung ano dahil tapos ka na, no strings attached (in my case may sintas pa rin akong nakabuhol sa paa ko). Pahinga ang isip mo (wehhhh, napagod isip mo??). Pahinga ang katawan mo sa puyat na sunod-sunod (kahit mas puyat ka ngayon kaka-manga at anime). Pero may tendency na masanay ang isip mo na magrelax na lang habang-buhay, mas lalo yan magiging slightly-used at mabibigla iyan kapag naghanap ka ng trabaho sasabihin mo hindi ka prepared pagdating ng exam. Personally nag-exam ako, mga tanong ay "What is a server? (yung PC na nasa counter ng com shop. Dun ka nagpapaprint. Kadalasan dun kinokontrol oras ng timer ng PC mo)" "What is a workstation?" "Define TCP/IP." "What is HTTP?" "What is LAN?" pero sa awa ng diyos nasagutan ko naman sa abot ng makakaya ko kahit hindi ako siguradong tatanggapin ang sagot ko at TCP/IP lang ang iniwanan kong blanko (huwag kang mayabang kung alam mo 'to sagutin dahil hindi mo ikatatalino 'yon). "Are you finished?", sabi ng HR na may paka-masungit. "Yes, Ma'am.", sagot ko. "Are you sure? You haven't answered this yet. Is that your answer? TCP/IP?" tanong ulit kasi nilagay ko lang TCP/IP. "Yes, Ma'am". Gusto ko na matapos ang exam no'ng araw na iyon eh. Dahil doon, naisip ko nasaan ang mga pinag-aralan ko sa PLM? Naiwan sa binder? Nasa bag? Nasa scratch paper na ginamit na pang-notes? O baka nasama sa megaupload - andun burado na? O nasunog kasama ng Going Merry?



After ng exam, isang nakagugulantang na mga tanong ng Interview. "What is your most disappointment in life?" Malamang hindi ka makasagot agad puwera na lang kung fresh na fresh ang disappointment mo. Pero sinabi ko wala kasi wala akong matandaan na nadisappoint ako ng sobra, just kidding. Wala kasi talaga akong maalala. "Describe yourself." "I'm "A" as in Adorable. "B" as in the Best. "C" as in Cute. And I also got the "D"... Dedication to work hard. "Aside from fascinated from computers...", badtrip eh naghanap pa ng ibang pan-describe. Edi sabi ko na lang mahilig ako sa music. And I told her the bro-tales, jk. "You're weakness?" Sabi ko speaking in english. The HR wouldn't believe me because as she told me, I got a high score in the result of my english proficiency exam. "What do you know about the company?" Sabi ko wala. Ang alam ko lang malaking company 'to at matagal na rin 'tong itinatag. Honesty lang eh, kesa naman magsinungaling pa ko kung di ko naman talaga alam, so pinaliwanag niya kung ano ang company nila. "Our company ships illegal drugs and smuggles most of the supplies that must go first into the Beareau of Customs." Joke lang. Hindi most, kundi all. Huehuehue. Nope, it's a cargo management comapny.



Eh mukhang pasado ata ako sa interbyung malupit pati sa written exam na malupit, pinapunta ako sa IT Department. Simple lang parang comshop lang na maliit. May lima hanggang pitong PC. Tapos either Visual Studio 2010 or Microsoft Outlook ang makikita mo. Specs ng PC? Puro HP na Core i3. Kung nakita mo yung mga bagong donate/biling PC sa PLM na puro core i3, ganun na gano'n ang mga PC doon. Except na multi-user ito at konektado sa Windows Server 2008.



Simpleng Add/Edit/Delete na program ang exam. First name, last name, employee ID, birthday ang mga fields. Buti na lang at mabait si kuyang katabi ko (na siya rin ang magchecheck) dahil nakalimutan ko ang syntax ng UPDATE statement sa SQL. Oh, poor me.. SQL UPDATE syntax. Isang word ang hindi ko matandaan pero buti naawa siya sa akin. "Ano nga bang kulang nito?" Nakalagay kasi UPDATE tblEmployees ______ blanko ang kasunod. SET pala ang hinahanap kong word. "SET", ang sabi ni kuya. Doon nagtapos ang exam. mula 8:45 hanggang 5:something andun ako sa company. Ang tagal talaga kapag mag-aapply ka. Buong araw ang ginugugol. Pero worth it naman dahil HardCode for the win!! Kahit di ko alam kung pasado no'ng araw na 'yon masaya sa pakiramdam eh. Walang copy-paste from an external source (hindi copy/paste yung pagtatanong). Achievement Unlocked. Reward: +10 XP.



But the company is moving towards mobile apps, aside from web development. Kaya hindi lang para sa kumpanyang papasukan ko ang pagbabalik-aral kundi pandagdag XP na rin in real life. After 3 days, pinabalik ako para mainterbyu ng AVP (not Alien versus Predator) nila. At doon sinabi sa akin ang mga languages na dapat kong pag-aralan. ASP.NET, HTML5, CSS, jQuery, JavaScript at SQL. So pag-uwi ko nagdownload na ko ng mga Tuts at habang tinatype ko 'tong blog-entry na 'to sa totoo lang breaktime lang muna sa pagpapaturo kay Sir Jeremy McPeak ng JavaScript. "Hello, World!" Kaya siguro laging hello world ang unang program kasi oras na maging programmer ka na, yung hello world na iyon magiging pangarap mo na lang kasi palagi nang computer ang kaharap mo. At paglabas mo, sasabihin mo "Hello, World! Kumusta na?". Namiss mo ang earth, kahit na nasa earth ka naman.



Anywayssss. Grabe kelan ba ko huling nag-blog?

Islogan ng aking mumunting blog, "Dahil hindi sa silid natatapos ang pagkatuto.". Tapos na ko mag-aral pero hindi pa ko tapos matuto. Sa katunayan hanggang sa pagkamatay mo ma matututunan ka pa rin. "Ah.. Ganito pala ang mamatay." Tapos sa kabilang buhay magregister ka na agad sa Facebook for the Dead. Ilagay mo ang tamang date ng pagkamatay mo, at siyempre profile pic mo yung pinakamagandang kuha mo sa kabaong. I-Like mo yung page nina Nida Blanca, FPJ, Miko Sotto, Michael Jackson, etc. 'Tas may upload na bagong music video si Freddy Mercury, i-share mo na lang.



Hmm.. So.. tanggap na ba ko? Na alin? Na ampon ako? Joke,. Hindi pa. Hindi pa ko ampon. Hahaha. Requirements muna at medical (pregnancy test, etc.), tapos pirmahan na ng kontrata. Oh shit, buti na lang to-follow ang TOR kundi pandidirihan nila ang TOR ko. Favorite number ko kasing number 3 at 5. Good luck na lang sa akin sa pagkuha at pag-ipon ng XP IRL. At goodluck din sa mga kasabayan kong wala pang trabaho. Kung sakali mang 15k ang sweldo ng papasukan niyo pero tanggap naman kayo, patusin niyo na, mahirap ang buhay ngayon, at least for me. Ang hirap na rin kasi maghanap ng biskwit na Marie at sitsiryang Pom Poms :))

MARIE

POMPOMS


[Continue reading...]

Sunday, June 2, 2013

5 Senses

- 2 (mga) komento


Pumikit.
Isarado ang mga mata sa tanawin ng sakit.
At tumingin sa mga bagay na hindi nakikita
Ng mga matang madalas nalilinlang at naaakit.

Makinig.
Itikom ang bibig at papasukin ang tinig;
Ang ingay ng katahimikang nakabibingi
Ang siyang titikom sa maingay na bibig.

Tikman,
Hindi lamang ang sarap kundi pati na rin ang hapdi
Mapalad ang nakararamdam ng hapdi kumpara
Sa mga taong nakararamdam lamang ng sarap.

Langhapin,
Ang ginhawang dulot ng paghihirap.
Wala nang mas sasarap pa sa bagay na nakamtan
Buhat ng paghihirap at pagsisikap.

Damhin,
Ang anumang biyayang ipinagkaloob
At huwag nang isipin ang anumang wala,
Bagkus ay magpasalamat sa anumang mayroon.
[Continue reading...]

Tuesday, May 28, 2013

Bakasyon

- 0 (mga) komento
Ngayon ay May 28, 2013. Huli kong entry nung March 27. Dalawang buwan bago ako gumawa ulit ng bago. Update na lang tungkol sa kung anuman ang bago ngayon. Heto ako ngayon, graduate na. Nagtapos ako April 12, 2013. Sabi ng mga kaibigan kong di pa tapos mag-aral, manlibre daw ako. Pero sabi ko, ang mga nililibre, mga gumradweyt, at ang nanlilibre, yung mga magulang ng gumradweyt. Kung gusto niyo malibre, gumradweyt din kayo. Ewan ko ba sa mga 'to, nanlilibre naman ako pag may pera. Anyway, nagkaron nga pala ako ng bagong cellphone bilang regalo sa 'kin. Cherry Mobile Omega HD, google mo na lang for the specs,. Then after 25 days, nadukot sa LRT, Gil Puyat Station. Less than 6 hours lang naman ako nag-emo para sa cellphone ko dahil di ko pa naman talaga balak magka-cellphone na maganda at mas nalungkot pa ko sa pangyayaring sumunod no'n ding araw na iyon (hindi ko na ikukwento hehehe).




So gradweyt na nga ako. Now what? Tapos na, hindi na ko estudyante. Regular fare na bayad ko sa jeep, wala nang discount. Tambay na lang sa bahay 24 hours a day. Pero habang tambay, meron pa rin akong dapat pagkaabalahan, at iyon ay ang thesis na hindi na ko nilubayan. As usual hindi ko pa rin inaasikaso. Sarap sana mag-apply ng trabaho kung may pinatutunguhan. Pero gano'n talaga, kailangan magtiyaga para may sinaing, este nilaga. At kailangan makahanap na ko ng trabaho para makabili na ng sariling bahay, lupa, gamit, lahat basta sarili. Nakakasawa rin maging pabigat sa bahay. Tapos no'n pwede na mamatay muhahaha.

Iyon lang siguro. Trinry ko lang magsulat ulit ng bago. At heto nga pala, blog of a friend of mine, basahin niyo baka maging interesado kayo.

http://ilovepinkypinkpastels.tumblr.com
Cute ang blog niya.
[Continue reading...]

Thursday, February 28, 2013

Sumaglit Lang

- 0 (mga) komento
http://www.moooi.com/sites/default/files/styles/large/public/product-images/random_detail.jpg

Sige na. Pagbibigyan ko na sarili kong magsulat. Tutal sinusunod ko lang naman ang sinabi ni Henry Spooner tungkol sa paglimot sa babae, at tungkol din iyon sa pagsusulat.

Blogger, kumusta na? Tagal ko nang hindi nagsusulat ah. O matagal na kong hindi nagsusulat ng mas makabuluhan pa sa problema ko? Ano nga bang problema ko? Babae? School? Pera? Thesis? Ano pa ba? Langhiya, hindi na ko makagawa ng maayos. Sa totoo lang mas pinoproblema ko lang ang mga bagay na hindi na dapat pinoproblema, at yung mga dapat problemahin ay iniisantabi ko lang. Uy! Defense ngayon, 25-28 ng February. Nasaan ako? Nasa bahay, nagfafacebook. Nagmumukmok sa sulok ng browser. Imbis na nagpoprogram, ayun nanonood ng pelikula tapos hindi naman tinatapos panoorin. Nagpupuyat sa wala. Sukbit ang headset sa ulo ko kahit walang tugtog. Paano, wala nang tugtog na gusto kong pakinggan ang gusto kong mapakinggan. Hanep ang buhay. Puro prokrastinasyon at wala nang inspirasyon. Perspirasyon na walang determinasyon. Puro pagsasayang ng oras ang ginagawa, at sa bandang huli, sisisihin ang sarili. "Sana hindi na lang ako nagsayang ng oras."

http://1.bp.blogspot.com/-3pUcsN4-W9U/UD9BwNPCtqI/AAAAAAAAALk/29GMy4Fsz-k/s1600/procrastination.jpg

"Ikaw rin ang kawawa." Sabi ni bestfriend. Tama nga naman, ako rin ang kawawa, pero patuloy ko pa rin kinakawawa ang sarili ko. Pinoproblema ang mga bagay na hindi na muna dapat problemahin. Mahaba pa naman ang buhay ko, na sa sobrang haba ay bored na ko para mabuhay. Kaso ayoko magpakamatay. Sinubukan ko na magpakamatay sa totoo lang. Ang masasabi ko lang, "I almost killed myself!". Pero "What doesn't kill you, make you stronger." Hindi ako naniniwala. Ang pinaniniwalaan ko, "What doesn't kill you, makes you lucky." Masasagasaan ka na ng truck, nakaligtas ka pa. Ang tawag sa 'yo, swerte, hindi malakas, pwera na lang kung pinigilan mo yung truck na sasagasa sa'yo.

http://vocesa.abril.com.br/blog/marcelo-cuellar/files/2012/11/smartphones41.jpg

Anyway, sumaglit lang naman ako sa blogger. Hindi ako nagpasagasa sa truck. Just freeing some thoughts. Sana kung magigising ka na lang isang araw na ayaw mo na bigla, sana hindi ka na lang natulog. Pero ganito talaga ang buhay, kailangan matulog. Kaya nga nilikha ang pagod para magpahinga. Hindi naman tayo cellphone na 24/7 nakabukas at halos araw-araw naka-charge. Pero masayang i-try na i-outsmart ang mga smartphones. Dahil karamihan ng gumagamit ay stupid people.

http://support.uptimesoftware.com/images/CrystalReports7.png

Tara na, balik ulit sa problema. Paano nga ba ulit mag-crystal report?
[Continue reading...]

Thursday, February 7, 2013

Breaktime

- 0 (mga) komento


Minsan sa buhay mo kung tao ka at naranasan mo 'to, magtataka ka kung bakit bigla ka na lang iniiwan ng taong pinakamamahal mo kahit na alam niyang mahal na mahal mo siya. Nangyayari talaga ito. Marahil hindi na siya masaya. Marahil may nagawa kang kalokohan at kapalpakan na lubos niyang hindi nagustuhan. Marahil natatakot siya sa iyo na baka iwan mo lang siya balang araw at sa umpisa ka lang magaling, at natatakot siya sa commitment. Marahil mayroon siyang nakitang ugali mo na talagang ayaw niya. Marahil may nakita siyang iba o mahal na iba. Maraming marahil. Pero upang makasigurado ka sa mga marahil na iyan, mahalaga ang komunikasyon. Kailangan niyong mag-usap. Dahil lahat ng problema nadaraan naman sa matinong usapan. Pag-usapan niyo ang problema. Kung ano bang dahilan ng panlalamig niya, kung bakit hindi ka na niya kinakausap, kung bakit hindi na siya sweet, kung bakit hindi na siya malambing sa iyo at hindi na rin siya nagsasabi ng magic words na "i love you" na masarap pakinggan. Nang sa gayon ay malaman kung ano ba talaga ang problema at nang di na lumala pa ang problema. Kaso mayroon talagang mga tao na ayaw nila makipag-usap kahit na pinipilit mo na. At kapag pinilit mo ay lalo lang maiinis sa'yo kaya para hindi na lalong magalit ay hahayaan mo na lang na ihatid mo siya sa kanila at maghiwalay kayo ng walang goodbye kiss. Tapos pagsakay mo sa bus pauwi, bigla kang itetext ng "gusto ko na makipagbreak". Masakit. Parang gusto mo na lang magpasagasa sa truck sa mga oras na ito, pero mahalaga pa rin na malaman mo kung bakit upang magkaroon ka ng mga kasagutan sa mga katanungang matagal nang naglalaro sa isipan mo. Maaaring pumayag ka, maaari rin namang hindi. Ngunit mas mahalaga na ipaglaban mo ang pagmamahal mo lalo na't kung totoo ang nararamdaman mo. Tama rin lang naman kung pakakawalan mo na siya at ipapaubaya mo na sa kanya ang kaligayahan niya kapalit ng pagkasawi mo, ngunit isipin mo rin kung baka naguguluhan lamang siya sa mga oras na iyon at nabibigla lamang siya sa kanyang mga desisyon dahil sa dami ng problema niya na hindi niya nasasabi sa iyo. Kaya mas mabuti kung bibigyan mo muna siya ng oras, lugar at panahon upang makapag-isip at manatili munang mag-isa at nang sa gayon ay humantong siya sa kung anumang desisyon ang naaayon. Bigyan mo siya ng "Breaktime" kumbaga sa trabaho upang makapagpahinga mula sa stress na dinulot mo o ng paligid niya at hayaang maging handa ulit. Heto ang isang tula para sa inyo.

Tunay na pagmamahal kung minsa'y di sapat
Sa pinakamamahal mo'y di malaman anubang dapat
Na iyong gawin upang mahalin ka ring lubos
Akala mo'y walang hanggan, bigla na lang nagtatapos

Marahil pagmamahal mo nga'y tunay at wagas
Ngunit ugali mo nama'y puro gasgas
Iyon marahil ang dahilan kung bakit
Nadarama mo ngayon ay ubod ng pait

Huwag kang mag-alala, ayos lang iyan
Kung talagang mahal mo siya, pag-ibig mo'y ipaglaban
At ugali mong palpak, baguhin mo't ayusin
At patunayan sa kanyang karapat-dapat kang mahalin

Ipakita mong kaya mong maghintay
Sa araw na ika'y muli niyang kausapin
Ipadama mo ang pagmamahal na tunay
At araw-araw mo siyang pasayahin at patawanin

Habang naghihintay ka, gawa ka muna ng mga bagay na kailangan mong gawin. Gawin mo ang thesis mo. Assignment mo. Project. Paghandaan ang defense. Ayusin ang kaso sa OSA/OSDS. Maging busy at huwag mo muna siyang gambalain dahil lalo lamang siyang maiinis sa iyo kung patuloy mo siyang kukulitin at mas lalong mawawalan ka ng pagkakataon na magkaayos kayong muli.

Maaaring hindi ka pa nagkakaroon ng kasintahan, maaaring hindi ka na magkakaroon, maaari namang meron ka na. At kung sakali na magkaroon ka at humantong kayo sa ganitong sitwasyon, sana ay makatulong ang entry na ito kahit papaano. Iyon lamang po, maraming salamat sa pagbabasa.

Nalalapit na naman ang araw ng mga puso. Kung wala kang ka-date kahit anino mo, basahin mo na lang ang entry last year.
[Continue reading...]

Tuesday, January 1, 2013

Bagong Taon

- 0 (mga) komento
http://3.bp.blogspot.com/-rlFJhS8SR5Y/UCn68Y2udPI/AAAAAAAAFk4/d6DiW8wmv6w/s1600/new_year_wallpaper_2013-8.jpg

Bagong taon, bagong buhay
Bagong kalendaryo, bagong kulay
Bagong gupit, bagong damit
Bagong palit, bagong kabit

Puro bago, walang luma
Di nila alam, taon lang ang bago, lahat luma.
Ano pa bang meron sa bagong taon
Bakit lahat gusto bago ngayon?

Sa bagong taon, laging hinihintay
Bagong pag-asa upang magbagong-buhay
Pero bakit pa ba kailangang maghintay
Ng isang taon para magbagong buhay?

Gagawa ng listahan tungkol sa pagbabago
Siguraduhin mo lang na hindi mo ginagago
Ang sarili mo tungkol sa pagbabago
Baka ningas-kugon ka lang tulad ng mga gago?

Pero mayroong maganda ngayon bago ang taon
Bukod sa bago ang kalendaryong yari sa karton
At ito ay ang buhay na ipinagkaloob sa atin
Biyayang kilalanin na tayo ay buhay pa rin

Kaya marapat lamang na magpasalamat
Sa buhay na tinatamasa nating lahat
At tayo'y nananatiling buhay at masigla
Masiglang sinalubong ang panibagong umpisa

Umpisa na naman ng taon, buwan at araw
Umpisa ng pagkakataong muling makakain ng lugaw
O kaya'y magpaluto ng bitukang iniihaw
Bagong umpisa na nagbigay liwanag sa daang mapanglaw

Kaya ikaw, huwag kang tatamad-tamad
Huwag kang sa computer lang magbabad
Sulitin mo ang bagong taong ibinigay
Ibinigay sa iyo upang makapagbagong-buhay.
[Continue reading...]
 
Copyright © . High's Kul... Life Online - Posts · Comments
Theme Template by BTDesigner · Powered by Blogger