Ang nakabibilib na pamumuhay ng mga gangster
Sa bawat lugar na mapuntahan ko, merong mga tao may suot na malalaking damit, mga lawlaw na maong, mga makikintab na stainless at silver. May hawak na gadget at nagpapatugtog ng tulang nilapatan ng beat. Nakatambay lang sila sa araw-araw at nagku-kwentuhan. Paminsan-minsan ay nagiinuman. Paminsan-minsan ay nagpapatayan. At kung pupunta sa sa amin sa hating-gabi, sila yung makikita mong nakakumpol na mga tambay sa kanto. Tanong ko lang, saan sila kumukuha ng pera?
Araw-araw nakikita ko silang nakatambay, walang ginagawa, nagkukwentuhan lang at nagsa-soundtrip. May hawak na gadget (halimbawa china-phone na malakas ang speaker). Sa dis-oras ng gabi, nagpapatugtog ng gano'n kalakas at minsan ay nag-iinuman pa na mas nakabubulahaw sa mga natutulog. Paano sila nabubuhay kung araw-araw silang tambay??
Sa pang-iisnatch? Sa pandurukot? Sa pagbabantay ng hamburgeran? Sa pagsasaydkar (sidecar)? Sa panghoholdap? O sustentado lang ng mga kamag-anak at magulang? Marahil isa sa mga ito ang ikinabubuhay nila. Pero bilib lang talaga ako sa kanilang survival sa mundong ito. Sa hirap ng buhay ngayon at may panahon pa rin sa kanila na tumambay. At imbis na mag-extinct, lalo pa silang dumarami sa kalsada imbis na mamatay sa hirap ng buhay.
Isa marahil sa dahilan ay ang hindi sila pressured. Sa pamamagitan ng pagtambay, nakapag-iisip sila ng maayos kung paano sila didiskarte para mabuhay. Meron silang storage sa kanilang tiyan na ang isang meal sa isang araw ay tumatagal ng isang linggo. Mayroong resource management ang kanilang katawan na namamahala ng kanilang sustansiya at lakas. At ginagamit lang nila ito kung kinakailangan lamang.Kumpara sa isang empleyado na minimum lang ang suweldo (huwag ila-lang ang minimum na sweldo) na araw-araw ay pagod at kulang ang kinikita, ang mga taong ito ay nananatiling malakas sa buong araw at ang kinikita ay sumosobra pa kaya may pambili pa sila ng mga alahas, apple products, cellphone, laptop, pang-inom at pang-gimik kapag may okasyon. Kung tayo, kailangan natin magtrabaho para mabuhay, sila, kailangan nilang tumambay para mabuhay. Kung ganito lang kadali ang buhay, lahat na siguro ng tao katulad na nila, pero hindi. Dahil hindi naman lahat ng tao mahilig tumambay.
Sa susunod na makakita ka ng mga tambay na ito, huwag mo silang maliitin sapagkat kaya nilang mabuhay ng walang ginagawa at ikaw ay hindi. Napagkalooban sila ng matinding survival instinct kaya nananatili silang buhay sa bawat kanto at kalsada. Kung interesado kang malaman kung paano ba sila nabubuhay sa araw-araw, ask the expert. Pumunta ka sa kanto at makipagkuwentuhan ka sa kanila, dahil pawang obserbasyon ko lamang ang mga ito.
No offense intended para sa mga tambay ng kanto diyan..
"Wala na ngang itinutulong, perwisyo pa.. Tsktsk!!"-Sabi ng barbero na pinagpagupitan ko last month na kamukha ni dog whispherer (only his hair is blacker) doon sa tambay.
Matagal ko na 'tong sinulat sa notbuk ko, ngayon ko lang tinype, at sa ngayon nagdadalawang-isip pa ko kung ipupublish ko ito dahil naisulat ko lang ito bunga ng inis ko ng panahon na nababadtrip ako sa mga gangster sa kanto namin na sobrang-iingay sa gabi, buti na lang ngayon wala na, pero may pumalit na maingay.. Bago. Sa tapat ng bahay namin mismo tumatambay. Hindi na sila mga gangster, mga tambay na lang na nagkakantahan sa gabi at nagkukuwentuhan ng kung ano-ano na buong street namin nakakarinig ng kwentuhan nila. "Daming alam!!" Sabi ng tito ko na nakakarinig ng kwentuhan nila tungkol sa OS at Cellphone. Pero siguro sa next post na lang iyon, kapag hindi pa sila tumigil sa kakakanta ng mga kantang halo-halo tapos iisa lang ang set ng chords, parang medley kumbaga.
2 (mga) komento:
parang parehas sila nung blog mo na Buahy tambay ahahaha
Good Read!
oo nga eh
parehas, may nadagdag lang.
di ko kasi napansin na iniba ko pala title nun dati..
Bale yan yung title niyan sa notebook ko..
Hayaan mo na, may nadagdag naman..
Old Entry here:
http://buhaykul.blogspot.com/2011/10/buhay-tambay.html
Post a Comment