Habang kumakain ako sa tapsilogan malapit sa amin, naisip ko na lang 'tong bigla (dafuq brain?!!). Medyo pilosopo ang dating ng ideya na ito na pwede mo gawan ng meme gamit yung picture ng dinasour na curious (Philosoraptor). Heto na at sisimulan ko na.
Ilegal na reklamo. Dito sa ating bansa, maraming ilegal na bagay ang nangyayari. Ilegal sa mata ng batas, at maaari ding imoral sa mga banal na kasulatan. Ngunit kahit na ilegal at imoral ang mga ito, patuloy pa rin ginagawa ng mga tao. Sa kalsada lang marami ka nang makikita. Mga substitute (or prostitute; Subsitute, kasi sila yung pumapalit sa asawa pansamantala), mga nagyu-U-turn kahit bawal. Mga naninigarilyo sa no smoking zone, mga nagtitinda sa bangketa kahit bawal, mga nagdo-double parking, mga naglalako ng damo sa mga iskinita at mga namumulot ng cellphone sa bag at bulsa ng iba. At naiisip ko, paano kung isa sa mga taong gumagawa ng mga bawal na ito ay nagreklamo.
Isang halimbawa ay ang sitwasyon na ito.. "Bata pa si nene kinalikot na ang p...." teka ba't ako kumakanta? Isang araw (i mean gabi), si nene ay tumambay sa kanto ng edsa para makahanap na ng kostumer at maipagbili ang ibinebenta niyang laman. Nang may sumutsot sa kanya na sakay ng isang taxi, nagkasundo sila sa halagang 700. Pagdating nila sa silid na walang kusina, hindi niya inasahan na marami palang kasama ang lalaki. Sinubukang umalis ni nene ngunit hindi na siya nakatakas. Matapos ang kapagod-pagod na gabi ni nene sa silid, inabutan na lamang siya ng mga kostumer ng tig-bebente. At nakabuo ng isandaan. Wala nang nagawa si nene kundi umuwing talunan. Tanong, maaari kayang magreklamo si nene sa mga pulis at isumbong ang mga kostumer niya na hindi nagbayad ng maayos? Makapagsampa kaya siya ng kasong rape laban sa mga lalaki dahil napilitan lamang siya kahit na sumama na siya sa lalaki?
Isa pang halimbawa ay kung maari bang magreklamo ang isang small time drug pusher sa mga pulis laban sa drug lord na kulang sa timbang ang ibinigay na droga. Siguro hindi na lang nila gagawin ang pagrereklamo dahil parehas lang silang mahuhuli.
Tungkol naman sa proteksiyon mula sa isang opisyal ng pamahalaan, maaari bang ireklamo ng isang sindikato na kulang ang proteksiyon na ibinibigay ng kanilang (halimbawa) mayor mula sa mga pulis?
Pagdating naman sa halalan, maaari bang bawiin ng isang natalong kumandidato ang kanyang mga binayad mula sa kanyang mga biniling botante dahil hindi siya nanalo?
Sa larangan naman ng pagnanakaw, posible kayang ireklamo kapag yung kakilala mong magnanakaw na binayaran mong magnakaw ay ninakawan ang isa sa mga kamag-anak mo?
Sa abortion naman, maaari kayang ireklamo yung nag-aabort kung hindi naman naalis yung bata sa bahay-bata at patuloy itong nagdevelop sa tiyan?
Sa sugalan, kapag ninakaw mo yung permit nila, maaari mo kayang sampahan ng kasong illegal gambling?
Marahil marami pang mga halimbawa ngunit heto lamang ang mga naisip ko. Pero sa dinami-rami ng mga naisip ko, ay ang mga bagay na ito pa. Sana ay nagustuhan niyo ang isa na namang (siguro) kalokohan sa aking blog. Hanggang sa muli!
1 (mga) komento:
taba ng utak! ahahaha
Post a Comment