Thursday, September 20, 2012

Hacking Deep Freeze

- 0 (mga) komento

Disclaimer: I am not responsible for any damages resulting to your PC. This article is solely for information purposes only.




After sometime you bullet-proofed your PC or any PC, there are instances that you forgot the password and you need to unfreeze that PC because you need to update or install something. This is a pain specially when you cannot find the special program that matches the deep freeze version that can unfreeze your PC or make you boot into thawed state. So writing the password and storing it in a secure place is important when installing deep freeze on a PC. But what if you forgot where that "secure place" is?
Hacking your Deep Freeze is the answer. And here's how you're gonna do that. But first, you will need a boot-able CD preferably  one with an operating system in it (You can also use a Live boot-able USB). There are a bunch of these on the internet that's free. You can use any live CD out there (Ubuntu Live CD, or Hiren's BootCD will do).





After you downloaded a live CD, burn it with your favorite CD burning app with the lowest speed possible. Then load your CD in the disc tray, and boot into that disc (you may have to change the boot order in your BIOS).

When you boot into the CD, you can make changes on files in the Deep Frozen PC.

Go to the folder, "C:\WINDOWS\system32\drivers" and locate the file "DeepFrz.sys" and rename it to "DeepFrz.sys.bak". After that, locate this file, "ntfs.sys" and create a copy of it inside the same folder and name it "DeepFrz.sys". Now, there are 2 "ntfs.sys" present in the folder "C:\WINDOWS\system32\drivers". One is the "ntfs.sys" (of course) and the other is "DeepFrz.sys".

Now reboot your computer, remove the bootable media and boot to your windows. Notice that the deep freeze icon in your system tray will be gone (or may have an "x" in it). Now, your PC is unfrozen and you may now make changes to your system, update your antivirus or install/uninstall programs! If you know the version of the Deep Freeze installed, you can uninstall it too by just running the appropriate version of the Deep Freeze installer. 

After you finished making changes to the system and want to freeze the computer again, just delete "DeepFrz.sys" and rename back the "DeepFrz.sys.bak" to "DeepFrz.sys" again then reboot and you'll see the deep freeze icon in your system tray again.

Tested on Deep Freeze version 7.20.020.3398 and 7.21.020.3447. I haven't tested this hack yet on other versions. Feel free to comment if you find this hack to be working on other/later versions of Deep Freeze.

Please note that you can also do the ntfs.sys trick by removing the frozen hard disk and placing it on another computer either via usb direct to the board if you don't want to use a bootable media.

This article is also featured in hack.ph.
[Continue reading...]

Wednesday, September 19, 2012

Ilegal na Reklamo

- 1 (mga) komento
Ano kaya kung ilagay ko si Philosoraptor?



Habang kumakain ako sa tapsilogan malapit sa amin, naisip ko na lang 'tong bigla (dafuq brain?!!). Medyo pilosopo ang dating ng ideya na ito na pwede mo gawan ng meme gamit yung picture ng dinasour na curious (Philosoraptor). Heto na at sisimulan ko na.


Ilegal na reklamo. Dito sa ating bansa, maraming ilegal na bagay ang nangyayari. Ilegal sa mata ng batas, at maaari ding imoral sa mga banal na kasulatan. Ngunit kahit na ilegal at imoral ang mga ito, patuloy pa rin ginagawa ng mga tao. Sa kalsada lang marami ka nang makikita. Mga substitute (or prostitute; Subsitute, kasi sila yung pumapalit sa asawa pansamantala), mga nagyu-U-turn kahit bawal. Mga naninigarilyo sa no smoking zone, mga nagtitinda sa bangketa kahit bawal, mga nagdo-double parking, mga naglalako ng damo sa mga iskinita at mga namumulot ng cellphone sa bag at bulsa ng iba. At naiisip ko, paano kung isa sa mga taong gumagawa ng mga bawal na ito ay nagreklamo.



Isang halimbawa ay ang sitwasyon na ito.. "Bata pa si nene kinalikot na ang p...." teka ba't ako kumakanta? Isang araw (i mean gabi), si nene ay tumambay sa kanto ng edsa para makahanap na ng kostumer at maipagbili ang ibinebenta niyang laman. Nang may sumutsot sa kanya na sakay ng isang taxi, nagkasundo sila sa halagang 700. Pagdating nila sa silid na walang kusina, hindi niya inasahan na marami palang kasama ang lalaki. Sinubukang umalis ni nene ngunit hindi na siya nakatakas. Matapos ang kapagod-pagod na gabi ni nene sa silid, inabutan na lamang siya ng mga kostumer ng tig-bebente. At nakabuo ng isandaan. Wala nang nagawa si nene kundi umuwing talunan. Tanong, maaari kayang magreklamo si nene sa mga pulis at isumbong ang mga kostumer niya na hindi nagbayad ng maayos? Makapagsampa kaya siya ng kasong rape laban sa mga lalaki dahil napilitan lamang siya kahit na sumama na siya sa lalaki?



Isa pang halimbawa ay kung maari bang magreklamo ang isang small time drug pusher sa mga pulis laban sa drug lord na kulang sa timbang ang ibinigay na droga. Siguro hindi na lang nila gagawin ang pagrereklamo dahil parehas lang silang mahuhuli.



Tungkol naman sa proteksiyon mula sa isang opisyal ng pamahalaan, maaari bang ireklamo ng isang sindikato na kulang ang proteksiyon na ibinibigay ng kanilang (halimbawa) mayor mula sa mga pulis?



Pagdating naman sa halalan, maaari bang bawiin ng isang natalong kumandidato ang kanyang mga binayad mula sa kanyang mga biniling botante dahil hindi siya nanalo?


Sa larangan naman ng pagnanakaw, posible kayang ireklamo kapag yung kakilala mong magnanakaw na binayaran mong magnakaw ay ninakawan ang isa sa mga kamag-anak mo?



Sa abortion naman, maaari kayang ireklamo yung nag-aabort kung hindi naman naalis yung bata sa bahay-bata at patuloy itong nagdevelop sa tiyan?



Sa sugalan, kapag ninakaw mo yung permit nila, maaari mo kayang sampahan ng kasong illegal gambling?

Marahil marami pang mga halimbawa ngunit heto lamang ang mga naisip ko. Pero sa dinami-rami ng mga naisip ko, ay ang mga bagay na ito pa. Sana ay nagustuhan niyo ang isa na namang (siguro) kalokohan sa aking blog. Hanggang sa muli!

[Continue reading...]

Sunday, September 16, 2012

Pusang Gala

- 0 (mga) komento



Isang araw, pumasok ako ng maaga sa iskul. Dahil maaga pa, pumunta muna ako sa tabi ng canteen at bumili ng japanese cake at juice. Umupo ako sa cottage-like na tambayan sa tapat ng canteen at kumain.

Sa pagbukas ko sa paperback na kinalalagyan ng lalantakan kong japanese cake, may isang pa-cute na pusa ang lumapit. Black and white ang kulay nito. White ang dibdib, likod ng mga binti, ilalim ng buntot at paligid ng mata. Black ang iba pa. Umupo siya sa harapan ko at paawang tumingin sa aking mga mata.

Yung pusa na 'to................................. Hindi ito yung tinutukoy ko.
"mew..."

Ang mahinang sabi ng pusa. Tapos bahagyang pumikit at dumilat ang pusa. Oo kyut yung pusa. Nkyutan ako pero natuwa at natawa ako. Natuwa ako dahil sa kanyang survival tactics sa paghingi ng pagkain.
"mew..."

Nagpakyut ulit ang pusa. Pagalaw-galaw siya tapos pakyut na kinamot niya ang kanyang mukha ng dahan-dahan.
"mew..."

Ang pangatlong pagpapakyut na. Matapos niyang sambitin ang kagigil-gigil na "mew...", nagbeautiful ang pusang ito at tumitig sa akin. Bilib ako sa pusa na ito. Sa tuwa ko ay hinatian ko ito ng natira kong japanese cake. Patuloy siyang nagpa-kyut pero naubos ko na ang kinakain ko.

Ang maliit na paperbag na pinaglagyan ng japanese cake ay nilamukos ko at binigay ko sa pusang gala na nagpapakyut sa harap ko. Tinignan niya muna ito at nang malaman niyang papel lamang ito na nilamukos, nabadtrip siya at umalis na agad. Hindi na siya lumingon at naglakad na papalayo upang maghanap ng iba pang mahihingian.


[Continue reading...]

Common College Lines

- 3 (mga) komento

Isa na namang entry from my good old notebook. Last year ko pa rin to sinulat pero ngayon ko lang ita-type sa notepad, then paste sa blogger. Sana magustuhan niyo..

Bilang mag-aaral, madalas may mga sinasabi ka na sinasabi mo, na sinasabi ng mga kaklase mo, na sinasabi rin ng mga hindi mo kaklase, na nasabi na rin ng iba pang mga estudyante at malamang ay sasabihin pa ng mga susunod na henerasyong estudyante. Narito ang ilan:


"Madali lang pumasok sa PLM."
Iyan ang palagi kong sinasabi kapag tinatanong ako kung mahirap nga bang pumasok sa PLM. Madali lang naman talaga. Magsuot ka lang ng Id, daan ka sa entrance, in less than 30 seconds nasa PLM campus ka na. Kung wala ka namang Id, utuin mo yung guard makapapasok ka na (At this time of writing hindi pa mahigpit masyado, pero ngayon mahigpit na). But in terms of being a PLM Student (I hate using the term PLMayer), basta nagrebyu ka, hindi ka (masyadong) bulakbol, or atleast magaling kang manghula, papasa ka sa PLMAT (PLM Admission Test) at makapapasok ka na sa PLM bilang mag-aaral nito. Ang mas magandang tanong ay kung madali bang manatili sa PLM. Well, basta may pang-tuition ka bawat sem at kadikit mo ang majority ng mga prof, masipag ka pumasok at dumikit sa masisipag (at matatalino), madali lang manatili sa PLM. Pero kung ako sa 'yo, ikaw ang magsilbing didikitan ng mga kaklase mo para sure kang mananatili ka, I mean, maging masipag ka hindi lang pumasok pero mag-aral.


"Diskarte Lang."
Hindi ko kilala kung sino ba ang nagsabi nito pero narinig ko lang ito sa kanya. Diskarte lang daw, hindi talino. Kung magaling ka raw dumiskarte, hindi ka raw matatanggal sa PLM. Ano nga ba ang diskarte na iyon?  Pagdikit sa prof? Pakikipagkaibigan sa mga makakapitan? Paninipsip at pakikipagclose? Kung gano'n lang naman ang sistema, eh bakit ka pa pumasok? Dapat bumili ka na lang ng diploma, mas convenient. At kung magtatapos ka sa ganitong paraan, yung puro diskarte lang at walang pinag-aralan at natutunan, tiyak na diskarte mo na lang rin kung paano ka makahahanap ng trabaho.


"Magbabago na ko."
Sinasabi ko iyan palagi sa simula ng bawat sem. Siguro ikaw, sinasabi mo rin iyan? Pero wala namang nangyayari. Nauuwi rin sa removal at recon. (Magbabago na ko, .... ng course/ng school) Ang mga Pilipino mahilig magningas-kugon. Sa simula lang masipag. Sa kalagitnaan tinatamad na. Pero meron din namang sinisipag kung kailan huli na. Kung kailan tres at singko na lang ang mapagpipilian. Kaya naman minsan mas mainam nang magremoval na agad sa simula pa lang ng sem para may insurance kang tres kung sakaling hindi umabot ang grade mo. Kaso walang prof na gano'n, at kailangan mong maghintay kung magreremoval ka o hindi. Pasalamat ka kung nagpaparemoval exam ang mga prof, dahil minsan diretso singko ka pag gano'n.

"Overnight!"
Madalas nagkakaroon ng overnight ang bawat grupo sa isang klase kapag may kailangan gawin bilang isang group ang mga estudyante. Lalong-lalo na kung kinabukasan na ang deadline ng ipinapapasang document o project. Overnight, pero magsisimulang kumilos kapag madaling araw na. Tapos magtuturuan pa kung sino ang gagawa ng ganito. Male-late sa pasahan. May mag-aaway sa grupo. Magkakaroon ng tampuhan, bilangan at laglagan. Pero sa bandang huli at sa awa ng diyos, pasado ang buong grupo (pero may mga pagkakataon na talagang bagsak). Kaya naman mas mainam kung overday! Overday, o kabaligtaran ng overnight. Na kung magpupuyat ka ay hindi sa gabi kundi sa araw. Sapagkat kung sa araw ka magpupuyat, gising ang mga tao, hindi ka tinatamad, bukas ang mga tindahan at mga paprintan. At kung sa overnight, umaga na natatapos ang mga gagawin, sa overday naman ay hapon o gabi. Kaya maaaring makasabay mong matulog yung mga walang ginagawa at yung mga pagod sa pahinga. (Maari mong puntahan ang mga link na ito at ito para sa isang halimbawa ng grupo.)

"Yes, Pasado!"
Sa tuwing magtatapos ang sem, ang grade na tres kung minsan ay kinamumuhian, at kung minsan naman ay sinasamba. Depende lang sa taong nakatanggap nito. Para sa isang taong masipag, kinamumuhian ang tres. Pero sa taong nakapasa sa removal, at sa mga delikado, maituturing nila itong achievement sa buhay. Sinasamba nila ito dahil hindi na nila kailangan pang ulitin ang subject ng isa pang sem, at makatitipid sila ng panahon dahil hindi na nila kailangan magpa-add/drop o magpa-open ng subject sa summer. Para sa isang estudyanteng tamad, ang makakuha ng tres ay biyaya nang maituturing dahil nasa bingit na ito ng karimlan. Isang maling hakbang na lang, singko na (aba malay ko kung bat walang 3.25, 3.50, etc). At kung makakuha ka ng singko, tiyak na matutuliro ka na parang itinakwil ka ng langit lupa at impyerno lalo na kung mag-isa ka lang. Maghahanap ka ng masisisi maibsan lang ang kalungkutang nadarama mo. Pero sa bandang huli ay matatanggap mo naman, kung sino ba ang dapat sisihin sa mga nangyari.

"Buti ka pa..."
Malamang ay nasabi mo na rin ang mga salitang ito, na karaniwan ay merong kasunod (o pwede ring wala). "Buti ka pa, pasado", "Buti ka pa, graduate na", "Buti ka pa, may trabaho", "Buti ka pa, may pera", "Buti ka pa, pinapansin", o "Buti ka pa at mabuti ka". Karaniwan na 'tong nasasambit ng mga taong hindi gaanong nabiyayaan. Pero ang tanging magagawa lang naman nila ay tanggapin kung bakit buti pa sila ay ganito at gano'n. Isipin mo na lang na sinwerte sila, at hindi ka lang sinwerte ngayon. Malay mo e bukas lang may magsabi na agad sa 'yo, buti ka pa . 'Di ba? ("Buti ka pa binasa mo 'to...")


"Sembreak na!/Bakasyon na!
Sembreak at bakasyon ang palaging hinihintay ng lahat ng estudyante, lalong-lalo na yung mga pasmado ang isip at katawan sa walang humpay na mga gawain sa iskul. Ito lang ang panahon na makatutulog sila kung gaano nila katagal gustong matulog at makapagpahinga upang mabawi ang kanilang pagod. Minsan ay nagpaplano ng swimming at inuman. Minsan natutuloy, minsan hindi. Minsan may hindi nakakasama. Nagsasaya makaranas man lang ng pagkakataon na magsama ang mga magkakaibigan at magkakaklase hindi sa loob ng silid kundi kung saan mang lugar na malaya sa mga 'Deadline' at iba pang gawaing pang-eskwela. (Yung pic sa taas, lyrics iyan ng awiting Sembreak, by eraserheads)

Sa ngayon, heto pa lang ang mga naiisip kong mga karaniwang salita na binabanggit sa mga karaniwang pangyayari sa skul... Ikaw, baka may naiisip ka pa,... Maaari mo itong ibahagi sa pamamagitan ng pag-comment sa ibaba..



Salamat sa pagbabasa!
[Continue reading...]

Saturday, September 15, 2012

Saan Sila Kumukuha ng Pera?

- 2 (mga) komento
Saan Sila Kumukuha ng Pera?
Ang nakabibilib na pamumuhay ng mga gangster

Sa bawat lugar na mapuntahan ko, merong mga tao may suot na malalaking damit, mga lawlaw na maong, mga makikintab na stainless at silver. May hawak na gadget at nagpapatugtog ng tulang nilapatan ng beat. Nakatambay lang sila sa araw-araw at nagku-kwentuhan. Paminsan-minsan ay nagiinuman. Paminsan-minsan ay nagpapatayan. At kung pupunta sa sa amin sa hating-gabi, sila yung makikita mong nakakumpol na mga tambay sa kanto. Tanong ko lang, saan sila kumukuha ng pera?

Araw-araw nakikita ko silang nakatambay, walang ginagawa, nagkukwentuhan lang at nagsa-soundtrip. May hawak na gadget (halimbawa china-phone na malakas ang speaker). Sa dis-oras ng gabi, nagpapatugtog ng gano'n kalakas at minsan ay nag-iinuman pa na mas nakabubulahaw sa mga natutulog. Paano sila nabubuhay kung araw-araw silang tambay??

Sa pang-iisnatch? Sa pandurukot? Sa pagbabantay ng hamburgeran? Sa pagsasaydkar (sidecar)? Sa panghoholdap? O sustentado lang ng mga kamag-anak at magulang? Marahil isa sa mga ito ang ikinabubuhay nila. Pero bilib lang talaga ako sa kanilang survival sa mundong ito. Sa hirap ng buhay ngayon at may panahon pa rin sa kanila na tumambay. At imbis na mag-extinct, lalo pa silang dumarami sa kalsada imbis na mamatay sa hirap ng buhay.

Isa marahil sa dahilan ay ang hindi sila pressured. Sa pamamagitan ng pagtambay, nakapag-iisip sila ng maayos kung paano sila didiskarte para mabuhay. Meron silang storage sa kanilang tiyan na ang isang meal sa isang araw ay tumatagal ng isang linggo. Mayroong resource management ang kanilang katawan na namamahala ng kanilang sustansiya at lakas. At ginagamit lang nila ito kung kinakailangan lamang.Kumpara sa isang empleyado na minimum lang ang suweldo (huwag ila-lang ang minimum na sweldo) na araw-araw ay pagod at kulang ang kinikita, ang mga taong ito ay nananatiling malakas sa buong araw at ang kinikita ay sumosobra pa kaya may pambili pa sila ng mga alahas, apple products, cellphone, laptop, pang-inom at pang-gimik kapag may okasyon. Kung tayo, kailangan natin magtrabaho para mabuhay, sila, kailangan nilang tumambay para mabuhay. Kung ganito lang kadali ang buhay, lahat na siguro ng tao katulad na nila, pero hindi. Dahil hindi naman lahat ng tao mahilig tumambay.

Sa susunod na makakita ka ng mga tambay na ito, huwag mo silang maliitin sapagkat kaya nilang mabuhay ng walang ginagawa at ikaw ay hindi. Napagkalooban sila ng matinding survival instinct kaya nananatili silang buhay sa bawat kanto at kalsada. Kung interesado kang malaman kung paano ba sila nabubuhay sa araw-araw, ask the expert. Pumunta ka sa kanto at makipagkuwentuhan ka sa kanila, dahil pawang obserbasyon ko lamang ang mga ito.

No offense intended para sa mga tambay ng kanto diyan..
"Wala na ngang itinutulong, perwisyo pa.. Tsktsk!!"
-Sabi ng barbero na pinagpagupitan ko last month na kamukha ni dog whispherer (only his hair is blacker) doon sa tambay.

Matagal ko na 'tong sinulat sa notbuk ko, ngayon ko lang tinype, at sa ngayon nagdadalawang-isip pa ko kung ipupublish ko ito dahil naisulat ko lang ito bunga ng inis ko ng panahon na nababadtrip ako sa mga gangster sa kanto namin na sobrang-iingay sa gabi, buti na lang ngayon wala na, pero may pumalit na maingay.. Bago. Sa tapat ng bahay namin mismo tumatambay. Hindi na sila mga gangster, mga tambay na lang na nagkakantahan sa gabi at nagkukuwentuhan ng kung ano-ano na buong street namin nakakarinig ng kwentuhan nila. "Daming alam!!" Sabi ng tito ko na nakakarinig ng kwentuhan nila tungkol sa OS at Cellphone. Pero siguro sa next post na lang iyon, kapag hindi pa sila tumigil sa kakakanta ng mga kantang halo-halo tapos iisa lang ang set ng chords, parang medley kumbaga.
[Continue reading...]
 
Copyright © . High's Kul... Life Online - Posts · Comments
Theme Template by BTDesigner · Powered by Blogger