Pumikit.
Isarado ang mga mata sa tanawin ng sakit.
At tumingin sa mga bagay na hindi nakikita
Ng mga matang madalas nalilinlang at naaakit.
Makinig.
Itikom ang bibig at papasukin ang tinig;
Ang ingay ng katahimikang nakabibingi
Ang siyang titikom sa maingay na bibig.
Tikman,
Hindi lamang ang sarap kundi pati na rin ang hapdi
Mapalad ang nakararamdam ng hapdi kumpara
Sa mga taong nakararamdam lamang ng sarap.
Langhapin,
Ang ginhawang dulot ng paghihirap.
Wala nang mas sasarap pa sa bagay na nakamtan
Buhat ng paghihirap at pagsisikap.
Damhin,
Ang anumang biyayang ipinagkaloob
At huwag nang isipin ang anumang wala,
Bagkus ay magpasalamat sa anumang mayroon.
2 (mga) komento:
galing naman ne'to hehehe pinakagusto ko yung mga mata na madalas naaakit.
hehe salamat! :)
Post a Comment