Isang tula na hindi ko na natapos gawin.
Sa harap ng mesa na kulay dilaw,
Sa ilalim ng liwanag na mula sa ilaw
Nakaupo sa silya na ang paa'y unat
Ay isang ako na hindi makapagsulat
Sa dami ng salita, sa dami ng talata
Hindi makagawa ng isang simpleng akda
Ngunit heto pa rin at nagpupumiglas
Nagpupumilit makawala sa rehas
Sa mga bakal na rehas na singkapal ng troso
Nakakulong ang isipan kong natutuliro
Nagiisip kung ano nga bang nararapat
Sa makinis na papel ang aking isusulat
Tumingin ako sa wala at ako ay napaisip
Sa tagal ng panahon ako ay napaidlip
Kayrami nang nagbago at kayrami nang naglaho
Oras na nasayang, maibabalik ba ng panaginip?
[missing stanza here]
Wala ka man lapis, ikaw na ay nagsusulat
Sa papel ng buhay kahit ika'y di pa mulat
Sa katotohanang ikaw ay kapos
Balang-araw maiintindihan mo ring lubos
[missing stanza here]
[missing stanza here]
At ngayo'y naririto't naghahanap ng paraan
Sa papel ng buhay gumagawa ng dahilan
Kung bakit, kailan, paano at saan
Nagmula at naimbento ang salitang katamaran
Sa harap ng mesa na kulay dilaw,
Sa ilalim ng liwanag na mula sa ilaw
Nakaupo sa silya na ang paa'y unat
Ay isang ako na hindi makapagsulat
Ng mga bagay na nais at dapat mangyari
Ang pluma ng buhay sino ba ang may-ari?
Tayo ba na may sariling mga papel
O ang kapalarang kung minsan ay taksil?
[missing stanza here]
[missing stanza here]
[missing stanza here]
[missing stanza here]
[stupid stanza here]
Buti pa ang ibon, lumilipad-lipad
Sa himpapawid kung san-san napapadpad
Ngunit si batman ay palaging kawawa
Atang ng marami, Siya na lang ang bahala