Sunday, May 31, 2009

Ang Pagiging Illiterate

- 0 (mga) komento
Ang Pagiging Illiterate
By Jay Ocampo

Ang pagiging illiterate, bow. Ilang taon lamang ang lumipas at nauso na sa aming magkakaibigan ang salitang illiterate na kadalasang ginagamit naming pantukoy sa mga taong naguubos ng oras sa friendster at YM. Ops ops ops, hindi naman absolutely ang mga taong naguubos ng oras sa mga bagay na tulad ng mga ito ngunit parang ganun na nga. Nasa exceptions ang mga gumagamit ng friendster at YM sa tamang paraan o sa paraan na hindi nasasayang ang iyong oras dahil lamang sa mga bagay na walang kwenta, tulad na lamang ng paglalagay ng walang kamatayang comments na wala namang katuturan at paggamit ng Yahoo Messenger (meaning ng YM para sa mga illiterate) sa kalandian. Kabilang sa mga sites ng batayan ng pagiging illiterate ang myspace, facebook, imeem, friendster at kung gagawin mong homepage ang yahoo. Kung ginagamit mo ang mga ito sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay, tatawagin ka naming illiterate. Ito ay sapagkat sa kadahilanang may dahilan na katulad nito, hindi lamang friendster ang laman ng internet. Maaari kang mag-explore sa kasuluk-sulukan ng net at hindi lamang kalandian ang maaari mong gawin sa YM. Ang mga taong may mga computers na halimaw ang specs(meaning, specifications) ng hardware(mga piyesa ng CPU) ay malayang aahhhh, in english, imaximize ang gamit at gawin itong instrumento ng pagtuklas ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa computer na KADALASANG hindi alam ng mga illiterate. Nang sa gayon ay hindi ka na illiterate.

Inaamin ko na kami(espesyali ako) ay mga illiterate din noon. Ngunit nang tumingin kami sa kinalalagyan namin ngayon at ikinumpara ito noon, nalaman namin na malayo na ang aming nalaman nang magpumiglas kami sa pagiging illiterate. Dati rin akong suki ng youtube at friendster at nakakapag 2 hours pa nga ako ng pagiinternet para lamang gumawa ng playlist sa imeem at ilagay sa profile ko sa friendster. Laking tuwa na namin noon nang makapagdownload kami ng video sa youtube at nagagawa pa namin na magcutting para lamang makapag-marjos(refer to high's kul.. life 1 and 2) at magdownload ng videos o manood sa youtube. Pero nang matuto ako ng husto sa pagkokompyuter at nalaman ko ang mga basics, nagsimula na akong magdownload ng pirated softwares at maadik sa bisyong nagdala sa akin sa ospital ng ilang linggo dahil ako ay nagka-TB(yung pinag-rerentan ko kasi ng internet maraming naninigarilyo, sa bulok yun).At syempre marami na rin akong nagawang pagkakamali(as always) at ilang beses na rin akong nakapagformat(ng PC namin). Kung hindi mo gustong tumuklas ng bagay na hindi mo alam,hahayaan mo itong habang buhay na hindi mo alam. Kung iiwasan mong kumilos ng kumilos at magsalita nang magsalita, maiiwasan mo ang pagkakamali, pero maiiwasan mo rin matuto. Teka, wala na ito sa topic ko....

Alam kong may mga taong matatamaan sa mga pinagsasabi ko ngunit hindi ko intensyon na manakit ng damdamin ng kapwa. Ang gusto ko lamang na ipahiwatig sa tekstong ito ay iwasan maging kuntento sa mga bagay na alam mo na dahil marami ka pang bagay na dapat mong malaman. In short, huwag kang magpaka-illiterate habang buhay. Pero kung nais mong manatiling bata, manatili kang bobo at tanga.. Dahil ang mga bata ay kulang pa ang nalalaman tungkol sa mundong kanyang ginagalawan.Ikulong mo ang sarili mo sa paglalaro ng online games dahil kapag gumuho ang internet, kasabay nitong guguho ang mundo mo.
[Continue reading...]

Monday, March 23, 2009

Pera

- 0 (mga) komento

Maraming nagsasabi na ang pera ay ugat ng lahat ng kasamaan. Na ang pera ay hindi kayang bumili ng pagmamahal at tiwala. Hindi rin ito nakabibili ng kaibigan at nakaaakit pa sa mga kaaway. Maraming masasamang salita ang nasasabi ng tao sa pera, ngunit ito ang ating problema.

Sa panahon na kailangan mo nang maghigpit ng sinturon, pera ang ating kailangan. Kahit na sabihin mo pang pagkain ang kailangan mo, pera pa rin ang dahilan kung bakit ka nakakakain. Kung kailangan natin ng perang pambili ng gamot, minsan ay nakagagawa ang tao ng masama upang magkaroon ng pambili. Ngunit hindi ka man magnakaw ng gamot, pera pa rin ang dahilan kung bakit may hawak kang gamot. Maaaring hindi mo ito binili, ngunit binili pa rin ito ng taong nagbigay sa iyo.

Pera ang nagpapaikot sa mundo. Sa amerika, pera ang dahilan kung bakit bumabagsak ang kanilang ekonomiya nila ngayon. Pero pera rin ang dahilan kung bakit masagana sila noon. Dito sa pilipinas, pera ang dahilan kung bakit maraming naghihirap, at pera din ang dahilan kung bakit maraming mayayaman na lalo pang yumayaman. Pera ang sanhi ng bawat krimen. Pera ang dahilan kung bakit sila nakatatakas, at pera din ang dahilan kung bakit sila nahuhuli. Pera ang dahilan kung bakit tayo nagsusumikap at nagtyatyaga at pera din ang sanhi ng pagiging tamad. Pera ang dahilan kung bakit maraming namamatay, ngunit pera din ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay.

Maraming bagay ang nabibili ng pera, at kahit na ang dangal ng isang tao ay natutumbasan na ngayon ng pera. Kapag namatay ka, hindi mo madadala ang pera sa kabilang buhay, ngunit mahalaga pa rin ito dahil pera ang magbibigay-daan upang ikaw ay mahimlay sa makintab na kabaong at matabang lupa. Hindi ka mabubuhay at hindi ka rin mamamatay nang dahil sa pera. Walang magagalit at walang matutuwa sa iyo kundi dahil rin sa pera. Di ka man makabili ng kaibigan, may panggimik ka naman kasama ang iyong mga kaibigan. Hindi ka rin makabibili ng pagmamahal sa kapwa, ngunit may pambili ka naman ng tsokolate at rosas para sa iyong minamahal. Hindi nabibili ng pera ang talino, ngunit ito rin ang dahilan kung bakit may bumabagsak at pumapasa sa paaralan. Nagagamit ang pera upang bilhin ang grade na gusto mo sa iyong guro. Ginagamit ng masasamang tao ang kintab ng pera upang silawin ang ibang tao. May gumagawa ng masama dahil sa pera, at may gumagawa rin ng mabuti para sa pera. Masama man o mabuti ang gagawin, kapit pa rin sa paatalim upang magkapera, dahil pera ang nagpapaikot sa mundo. Sa panahon ngayon, hindi ka mabubhay ng walang pera.

Ang pera ay mahalaga, at iyan ang totoo. Bulag lamang ang nagsasabing hindi ito mahalaga dahil hindi nila nakikita ang katotohanan pagdating sa pera. Kung wala kang pera, aasa ka na lang ba sa libre? Wala nang libre ngayon, kahit ang mangarap ay hindi na libre, dahil kapalit nito ay ang oras na ginugugol mo sa iyong pagtunganga. Ang pagmamahal din ay hindi libre sapagkat maraming pagsasakripisyo ang kailangan upang ito ay mapatunayan. Kapag sinabihan kang mukha kang pera, huwag kang magalit dahil mahirap mabuhay nang walang pera. Kung sila kaya nag mawalan ng pera?

Ang pera ay hindi masama. Hindi ito nakapapanakit o nakamamatay (maliban na lang kung kainin mo ito). Mula sa pagkasilang hanggang sa pagkamatay, pera ang kinailangan. Ganito kahalaga ang pera sa buhay ng tao. O ikaw, baka may kaunting barya ka r’yan?
[Continue reading...]

Thursday, February 12, 2009

Dirty Packaging

- 0 (mga) komento
Dirty Packaging

Naranasan mo na bang bumili sa lugawan at napansing baligtad ang plastic na ginamit? Marahil ang iba ay hindi ito napapansin. Hindi lamang sa mga lugawan, karinderya, mga kainan at bilihan ng ulam kundi pati na rin sa mga panaderya. Pansining mabuti kapag bumili ka ng ensaymada, anumang tinapay, ang ibang tindera ay ipapasok ang kamay sa plastic at ibabalot ang tinapay. Ibig sabihin, ang kinalalagyan ng meryenda mo ay ang labas na bahagi ng plastic, na hindi mo alam kung malinis o hindi, dahil ang malinis na bahagi o ang loob ng plastic ay nasa labas na ngayon. Paano na lang kung dinapuan ng maruming insekto ang labas ng plastic?

Madalas mong makikita ang kabulastugang ito sa mga lugawan at bakery. Ipapasok sa loob ng plastic ang mangkok na pagtatakalan ng lugaw, na para bang ayaw marumihan at saka ilalagay ang lugaw sa labas na parte ng plastic. Nakadidiri mang isipin, ganito ang sistema ng mga lugawan sa kanto. Hindi man sila lahat, ngunit kasalukuyan pa ring nagaganap ang kababuyang ito. Kaya naman minsan maganda pa ring bumili sa mga kilalang tindahan, dahil bukod sa sikat ay sigurado pang malinis ang iyong kakainin. Malaki nga lang ang agwat ng mga presyo nito. Isa rin sa mga nakadidiring gawain ng mga tindera ng lugawan ay ang di matiyagang paglilinis ng mga pinagkainan. Ito ay kung "Dine-in" ang usapan. Dine-in ang tawag kahit nasa labas ang tindahan. Minsan makikita mong lasang mantika ang mga tasa. Puno ng sebo, at talagang mawawalan ka ng ganang kumain. Ang ginamit mong baso sa paginom ay hindi sinabon ngunit binanlawan lamang. Minsan bago ka kumain, makikita mo ang mga kutsara at tinidor na may mga kanin-kanin pa sa paligid. Habang kumakain ka, maraming langaw sa paligid mo, at kung minsan ay ang katabi mo ay dudura pa sa tabi mo. Ang lahat ng ito ay ayos lang sa ‘yo. Ganito na ba talaga kabulag ang mga kostumer na biktima ng kababuyan at nakadidiring mga gawain? (Hindi, sanayan lang yan..)

Nakaaawang isipin na ganito na talaga kalala ang mga tao ngayon, palaging nagbubulag-bulagan kahit nakikita na nila ang mga bagay. Mga fishball na recycled ang mga istik. Sawsawan na halo-halo na ang lasa. Maaasim na mga drayber at kurakot na mga pulitiko. Kailan ba mamumulat ang ating mga mata sa mga kabulastugang nagaganap ngayon, mula sa gobyerno hanggang sa mga tindahan at kainan?
[Continue reading...]
 
Copyright © . High's Kul... Life Online - Posts · Comments
Theme Template by BTDesigner · Powered by Blogger