Saturday, June 15, 2013

Balik-Aral

- 0 (mga) komento
Pasukan na naman. Buwan na naman ng Hunyo. Back to School. Uso na naman ang mga Back-To-School sales at kung anu-ano pa. Problemado na naman si Itay at Inay sa mga pambaon nina Jun-jun. Tiyak na tinatamad na naman pumasok ang iba dahil ang mga isip ay nagbabakasyon pa. Andun sa damuhan namamasyal ang isip. Naglilibot sa ulap. Nag-tatampisaw sa Bora. Pero ayos lang 'yan. Matapos ang pagkahaba-habang pila sa enrolment, pagpasok mo naman sa eskwela wala pa agad masyadong klase pwera na lang sa mga propesor na nagle-lesson agad at quiz sa first day.



Pero mukhang maayos naman ang pagpasok ng pasukan. Tag-ulan agad, siyempre hintay agad sa suspension ng klase. Signal no.1 suspended all-levels - Iyan ang palaging dalangin ng mga estudyante eh, akala mo naman diretso sa bahay kapag nasuspend na. 'Yung iba diretso laro (ng apoy? hindi, ng computer), 'yung iba diretso lakwatsa sa mall na nagmimistulang evacuation center ng mga estudyante, at siyempre meron naman talagang umuuwi agad ng bahay pero naii-stranded naman sa biyahe. Uuwi ng bahay basang-basa parang galing lang sa ulan. Basa ang sapatos, ginamit panlusong sa baha. Basa ang polder na may kalakip na asayment na kapapa-print lang kaninang wala pang ulan dahil ginamit pantakip sa ulo (akala mo talaga hindi siya mababasa eh). Pagdating sa bahay, hindi pa naghuhubad ng sapatos, Facebook na agad sabay status "JGH. Grabe ang lakas ng ulan." Oops, teka upload lang saglit yung pinityuran mong baha with caption "It's more fun in the Philippines". Pero kung brownout, epic fail ka, sana nag-SM ka na lang - ito yung maiisip mo. Itulog mo na 'yan. O kaya tumulong ka sa nanay mong maglimas ng tubig-baha na pumasok sa bahay niyo.



Gayunpaman, hindi na 'ko sakop ng discounted fare sa jeep (pero minsan sinasabi ko pa rin "manong bayad, estudyante") dahil tapos na ko ng kolehiyo (all right!), pero heto ako ngayon. Sabay sa agos ng panahon, balik-aral. Hindi balik-aral na rebyu ng mga pinag-aralan pero balik-aral na bilang estudyanteng nagbakasyon. Balik sa pag-aaral ng bagong kaalaman. Nakapagre-relax ang tumambay sa bahay, sa labas ng bahay, sa bubong ng kapitbahay pagtapos mong maistress sa eskwela. Wala nang iisipin ng kung ano dahil tapos ka na, no strings attached (in my case may sintas pa rin akong nakabuhol sa paa ko). Pahinga ang isip mo (wehhhh, napagod isip mo??). Pahinga ang katawan mo sa puyat na sunod-sunod (kahit mas puyat ka ngayon kaka-manga at anime). Pero may tendency na masanay ang isip mo na magrelax na lang habang-buhay, mas lalo yan magiging slightly-used at mabibigla iyan kapag naghanap ka ng trabaho sasabihin mo hindi ka prepared pagdating ng exam. Personally nag-exam ako, mga tanong ay "What is a server? (yung PC na nasa counter ng com shop. Dun ka nagpapaprint. Kadalasan dun kinokontrol oras ng timer ng PC mo)" "What is a workstation?" "Define TCP/IP." "What is HTTP?" "What is LAN?" pero sa awa ng diyos nasagutan ko naman sa abot ng makakaya ko kahit hindi ako siguradong tatanggapin ang sagot ko at TCP/IP lang ang iniwanan kong blanko (huwag kang mayabang kung alam mo 'to sagutin dahil hindi mo ikatatalino 'yon). "Are you finished?", sabi ng HR na may paka-masungit. "Yes, Ma'am.", sagot ko. "Are you sure? You haven't answered this yet. Is that your answer? TCP/IP?" tanong ulit kasi nilagay ko lang TCP/IP. "Yes, Ma'am". Gusto ko na matapos ang exam no'ng araw na iyon eh. Dahil doon, naisip ko nasaan ang mga pinag-aralan ko sa PLM? Naiwan sa binder? Nasa bag? Nasa scratch paper na ginamit na pang-notes? O baka nasama sa megaupload - andun burado na? O nasunog kasama ng Going Merry?



After ng exam, isang nakagugulantang na mga tanong ng Interview. "What is your most disappointment in life?" Malamang hindi ka makasagot agad puwera na lang kung fresh na fresh ang disappointment mo. Pero sinabi ko wala kasi wala akong matandaan na nadisappoint ako ng sobra, just kidding. Wala kasi talaga akong maalala. "Describe yourself." "I'm "A" as in Adorable. "B" as in the Best. "C" as in Cute. And I also got the "D"... Dedication to work hard. "Aside from fascinated from computers...", badtrip eh naghanap pa ng ibang pan-describe. Edi sabi ko na lang mahilig ako sa music. And I told her the bro-tales, jk. "You're weakness?" Sabi ko speaking in english. The HR wouldn't believe me because as she told me, I got a high score in the result of my english proficiency exam. "What do you know about the company?" Sabi ko wala. Ang alam ko lang malaking company 'to at matagal na rin 'tong itinatag. Honesty lang eh, kesa naman magsinungaling pa ko kung di ko naman talaga alam, so pinaliwanag niya kung ano ang company nila. "Our company ships illegal drugs and smuggles most of the supplies that must go first into the Beareau of Customs." Joke lang. Hindi most, kundi all. Huehuehue. Nope, it's a cargo management comapny.



Eh mukhang pasado ata ako sa interbyung malupit pati sa written exam na malupit, pinapunta ako sa IT Department. Simple lang parang comshop lang na maliit. May lima hanggang pitong PC. Tapos either Visual Studio 2010 or Microsoft Outlook ang makikita mo. Specs ng PC? Puro HP na Core i3. Kung nakita mo yung mga bagong donate/biling PC sa PLM na puro core i3, ganun na gano'n ang mga PC doon. Except na multi-user ito at konektado sa Windows Server 2008.



Simpleng Add/Edit/Delete na program ang exam. First name, last name, employee ID, birthday ang mga fields. Buti na lang at mabait si kuyang katabi ko (na siya rin ang magchecheck) dahil nakalimutan ko ang syntax ng UPDATE statement sa SQL. Oh, poor me.. SQL UPDATE syntax. Isang word ang hindi ko matandaan pero buti naawa siya sa akin. "Ano nga bang kulang nito?" Nakalagay kasi UPDATE tblEmployees ______ blanko ang kasunod. SET pala ang hinahanap kong word. "SET", ang sabi ni kuya. Doon nagtapos ang exam. mula 8:45 hanggang 5:something andun ako sa company. Ang tagal talaga kapag mag-aapply ka. Buong araw ang ginugugol. Pero worth it naman dahil HardCode for the win!! Kahit di ko alam kung pasado no'ng araw na 'yon masaya sa pakiramdam eh. Walang copy-paste from an external source (hindi copy/paste yung pagtatanong). Achievement Unlocked. Reward: +10 XP.



But the company is moving towards mobile apps, aside from web development. Kaya hindi lang para sa kumpanyang papasukan ko ang pagbabalik-aral kundi pandagdag XP na rin in real life. After 3 days, pinabalik ako para mainterbyu ng AVP (not Alien versus Predator) nila. At doon sinabi sa akin ang mga languages na dapat kong pag-aralan. ASP.NET, HTML5, CSS, jQuery, JavaScript at SQL. So pag-uwi ko nagdownload na ko ng mga Tuts at habang tinatype ko 'tong blog-entry na 'to sa totoo lang breaktime lang muna sa pagpapaturo kay Sir Jeremy McPeak ng JavaScript. "Hello, World!" Kaya siguro laging hello world ang unang program kasi oras na maging programmer ka na, yung hello world na iyon magiging pangarap mo na lang kasi palagi nang computer ang kaharap mo. At paglabas mo, sasabihin mo "Hello, World! Kumusta na?". Namiss mo ang earth, kahit na nasa earth ka naman.



Anywayssss. Grabe kelan ba ko huling nag-blog?

Islogan ng aking mumunting blog, "Dahil hindi sa silid natatapos ang pagkatuto.". Tapos na ko mag-aral pero hindi pa ko tapos matuto. Sa katunayan hanggang sa pagkamatay mo ma matututunan ka pa rin. "Ah.. Ganito pala ang mamatay." Tapos sa kabilang buhay magregister ka na agad sa Facebook for the Dead. Ilagay mo ang tamang date ng pagkamatay mo, at siyempre profile pic mo yung pinakamagandang kuha mo sa kabaong. I-Like mo yung page nina Nida Blanca, FPJ, Miko Sotto, Michael Jackson, etc. 'Tas may upload na bagong music video si Freddy Mercury, i-share mo na lang.



Hmm.. So.. tanggap na ba ko? Na alin? Na ampon ako? Joke,. Hindi pa. Hindi pa ko ampon. Hahaha. Requirements muna at medical (pregnancy test, etc.), tapos pirmahan na ng kontrata. Oh shit, buti na lang to-follow ang TOR kundi pandidirihan nila ang TOR ko. Favorite number ko kasing number 3 at 5. Good luck na lang sa akin sa pagkuha at pag-ipon ng XP IRL. At goodluck din sa mga kasabayan kong wala pang trabaho. Kung sakali mang 15k ang sweldo ng papasukan niyo pero tanggap naman kayo, patusin niyo na, mahirap ang buhay ngayon, at least for me. Ang hirap na rin kasi maghanap ng biskwit na Marie at sitsiryang Pom Poms :))

MARIE

POMPOMS


[Continue reading...]

Sunday, June 2, 2013

5 Senses

- 2 (mga) komento


Pumikit.
Isarado ang mga mata sa tanawin ng sakit.
At tumingin sa mga bagay na hindi nakikita
Ng mga matang madalas nalilinlang at naaakit.

Makinig.
Itikom ang bibig at papasukin ang tinig;
Ang ingay ng katahimikang nakabibingi
Ang siyang titikom sa maingay na bibig.

Tikman,
Hindi lamang ang sarap kundi pati na rin ang hapdi
Mapalad ang nakararamdam ng hapdi kumpara
Sa mga taong nakararamdam lamang ng sarap.

Langhapin,
Ang ginhawang dulot ng paghihirap.
Wala nang mas sasarap pa sa bagay na nakamtan
Buhat ng paghihirap at pagsisikap.

Damhin,
Ang anumang biyayang ipinagkaloob
At huwag nang isipin ang anumang wala,
Bagkus ay magpasalamat sa anumang mayroon.
[Continue reading...]
 
Copyright © . High's Kul... Life Online - Posts · Comments
Theme Template by BTDesigner · Powered by Blogger