Thursday, February 28, 2013

Sumaglit Lang

- 0 (mga) komento
http://www.moooi.com/sites/default/files/styles/large/public/product-images/random_detail.jpg

Sige na. Pagbibigyan ko na sarili kong magsulat. Tutal sinusunod ko lang naman ang sinabi ni Henry Spooner tungkol sa paglimot sa babae, at tungkol din iyon sa pagsusulat.

Blogger, kumusta na? Tagal ko nang hindi nagsusulat ah. O matagal na kong hindi nagsusulat ng mas makabuluhan pa sa problema ko? Ano nga bang problema ko? Babae? School? Pera? Thesis? Ano pa ba? Langhiya, hindi na ko makagawa ng maayos. Sa totoo lang mas pinoproblema ko lang ang mga bagay na hindi na dapat pinoproblema, at yung mga dapat problemahin ay iniisantabi ko lang. Uy! Defense ngayon, 25-28 ng February. Nasaan ako? Nasa bahay, nagfafacebook. Nagmumukmok sa sulok ng browser. Imbis na nagpoprogram, ayun nanonood ng pelikula tapos hindi naman tinatapos panoorin. Nagpupuyat sa wala. Sukbit ang headset sa ulo ko kahit walang tugtog. Paano, wala nang tugtog na gusto kong pakinggan ang gusto kong mapakinggan. Hanep ang buhay. Puro prokrastinasyon at wala nang inspirasyon. Perspirasyon na walang determinasyon. Puro pagsasayang ng oras ang ginagawa, at sa bandang huli, sisisihin ang sarili. "Sana hindi na lang ako nagsayang ng oras."

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgfdLPdGxlegddST7KHBNnQsVYUHkodi2GShhyphenhyphenUG5NaPF-bZBtyjKf2B5eo60uJEZrnQVWp20ujXBmBBx8rBNdmmbQQrcAkddaKezWWLSvYb8d5tnCcIxFBYBxbqDeQGcd_KedtYyvFCgk/s1600/procrastination.jpg

"Ikaw rin ang kawawa." Sabi ni bestfriend. Tama nga naman, ako rin ang kawawa, pero patuloy ko pa rin kinakawawa ang sarili ko. Pinoproblema ang mga bagay na hindi na muna dapat problemahin. Mahaba pa naman ang buhay ko, na sa sobrang haba ay bored na ko para mabuhay. Kaso ayoko magpakamatay. Sinubukan ko na magpakamatay sa totoo lang. Ang masasabi ko lang, "I almost killed myself!". Pero "What doesn't kill you, make you stronger." Hindi ako naniniwala. Ang pinaniniwalaan ko, "What doesn't kill you, makes you lucky." Masasagasaan ka na ng truck, nakaligtas ka pa. Ang tawag sa 'yo, swerte, hindi malakas, pwera na lang kung pinigilan mo yung truck na sasagasa sa'yo.

http://vocesa.abril.com.br/blog/marcelo-cuellar/files/2012/11/smartphones41.jpg

Anyway, sumaglit lang naman ako sa blogger. Hindi ako nagpasagasa sa truck. Just freeing some thoughts. Sana kung magigising ka na lang isang araw na ayaw mo na bigla, sana hindi ka na lang natulog. Pero ganito talaga ang buhay, kailangan matulog. Kaya nga nilikha ang pagod para magpahinga. Hindi naman tayo cellphone na 24/7 nakabukas at halos araw-araw naka-charge. Pero masayang i-try na i-outsmart ang mga smartphones. Dahil karamihan ng gumagamit ay stupid people.

http://support.uptimesoftware.com/images/CrystalReports7.png

Tara na, balik ulit sa problema. Paano nga ba ulit mag-crystal report?
[Continue reading...]

Thursday, February 7, 2013

Breaktime

- 0 (mga) komento


Minsan sa buhay mo kung tao ka at naranasan mo 'to, magtataka ka kung bakit bigla ka na lang iniiwan ng taong pinakamamahal mo kahit na alam niyang mahal na mahal mo siya. Nangyayari talaga ito. Marahil hindi na siya masaya. Marahil may nagawa kang kalokohan at kapalpakan na lubos niyang hindi nagustuhan. Marahil natatakot siya sa iyo na baka iwan mo lang siya balang araw at sa umpisa ka lang magaling, at natatakot siya sa commitment. Marahil mayroon siyang nakitang ugali mo na talagang ayaw niya. Marahil may nakita siyang iba o mahal na iba. Maraming marahil. Pero upang makasigurado ka sa mga marahil na iyan, mahalaga ang komunikasyon. Kailangan niyong mag-usap. Dahil lahat ng problema nadaraan naman sa matinong usapan. Pag-usapan niyo ang problema. Kung ano bang dahilan ng panlalamig niya, kung bakit hindi ka na niya kinakausap, kung bakit hindi na siya sweet, kung bakit hindi na siya malambing sa iyo at hindi na rin siya nagsasabi ng magic words na "i love you" na masarap pakinggan. Nang sa gayon ay malaman kung ano ba talaga ang problema at nang di na lumala pa ang problema. Kaso mayroon talagang mga tao na ayaw nila makipag-usap kahit na pinipilit mo na. At kapag pinilit mo ay lalo lang maiinis sa'yo kaya para hindi na lalong magalit ay hahayaan mo na lang na ihatid mo siya sa kanila at maghiwalay kayo ng walang goodbye kiss. Tapos pagsakay mo sa bus pauwi, bigla kang itetext ng "gusto ko na makipagbreak". Masakit. Parang gusto mo na lang magpasagasa sa truck sa mga oras na ito, pero mahalaga pa rin na malaman mo kung bakit upang magkaroon ka ng mga kasagutan sa mga katanungang matagal nang naglalaro sa isipan mo. Maaaring pumayag ka, maaari rin namang hindi. Ngunit mas mahalaga na ipaglaban mo ang pagmamahal mo lalo na't kung totoo ang nararamdaman mo. Tama rin lang naman kung pakakawalan mo na siya at ipapaubaya mo na sa kanya ang kaligayahan niya kapalit ng pagkasawi mo, ngunit isipin mo rin kung baka naguguluhan lamang siya sa mga oras na iyon at nabibigla lamang siya sa kanyang mga desisyon dahil sa dami ng problema niya na hindi niya nasasabi sa iyo. Kaya mas mabuti kung bibigyan mo muna siya ng oras, lugar at panahon upang makapag-isip at manatili munang mag-isa at nang sa gayon ay humantong siya sa kung anumang desisyon ang naaayon. Bigyan mo siya ng "Breaktime" kumbaga sa trabaho upang makapagpahinga mula sa stress na dinulot mo o ng paligid niya at hayaang maging handa ulit. Heto ang isang tula para sa inyo.

Tunay na pagmamahal kung minsa'y di sapat
Sa pinakamamahal mo'y di malaman anubang dapat
Na iyong gawin upang mahalin ka ring lubos
Akala mo'y walang hanggan, bigla na lang nagtatapos

Marahil pagmamahal mo nga'y tunay at wagas
Ngunit ugali mo nama'y puro gasgas
Iyon marahil ang dahilan kung bakit
Nadarama mo ngayon ay ubod ng pait

Huwag kang mag-alala, ayos lang iyan
Kung talagang mahal mo siya, pag-ibig mo'y ipaglaban
At ugali mong palpak, baguhin mo't ayusin
At patunayan sa kanyang karapat-dapat kang mahalin

Ipakita mong kaya mong maghintay
Sa araw na ika'y muli niyang kausapin
Ipadama mo ang pagmamahal na tunay
At araw-araw mo siyang pasayahin at patawanin

Habang naghihintay ka, gawa ka muna ng mga bagay na kailangan mong gawin. Gawin mo ang thesis mo. Assignment mo. Project. Paghandaan ang defense. Ayusin ang kaso sa OSA/OSDS. Maging busy at huwag mo muna siyang gambalain dahil lalo lamang siyang maiinis sa iyo kung patuloy mo siyang kukulitin at mas lalong mawawalan ka ng pagkakataon na magkaayos kayong muli.

Maaaring hindi ka pa nagkakaroon ng kasintahan, maaaring hindi ka na magkakaroon, maaari namang meron ka na. At kung sakali na magkaroon ka at humantong kayo sa ganitong sitwasyon, sana ay makatulong ang entry na ito kahit papaano. Iyon lamang po, maraming salamat sa pagbabasa.

Nalalapit na naman ang araw ng mga puso. Kung wala kang ka-date kahit anino mo, basahin mo na lang ang entry last year.
[Continue reading...]
 
Copyright © . High's Kul... Life Online - Posts · Comments
Theme Template by BTDesigner · Powered by Blogger