Sunday, December 11, 2011

Patak

- 0 (mga) komento
Sa aming bahay ay mayroong tatlong gripo. Isa sa malaking sisidlan, isa sa lababo, at isa banyo. Sa tatlo na iyon ay mayroong isa na patuloy ang pagpatak. Hindi ko ito pinapansin. Hinahayaan ko lamang itong tumulo ng tumulo sapagkat ako ay abala at maraming ginagawa. Hanggang sa hindi ko na ito napapansin.



Patuloy ang pagtulo ng tubig sa aming gripo. Patuloy sa pagpatak. Bawat patak nito ay mahalaga, at kailangan nitong maipon sa sisidlan upang hindi masayang. Upang sa pagdating ng araw na maghanap tayo ng patak, mayroon tayong mapagsasaluhan. Ngunit mayroon sa atin na ang bawat patak ng tubig ay binabalewala lamang at nais nila itong makita sa ibang tumutulong gripo. Naghahanap ng ibang mapagkukunan ng pamatid uhaw, kahit na mayroong malapit na mapagkukunan at nasasayang lamang. Hanggang sa dumating ang panahon na ang hinahayaan niyang pagtulo ay tumigil na sa pagpatak. Naubos na ang tubig sa gripo. At ang tanging paraan na lamang ay maghanap ng ibang tubigan na papawi sa lalamunang nauuhaw.

Huwag tayong magsayang ng tubig. Huwag natin hayaan na masayang ang bawat patak. Huwag natin ipagsawalang-bahala ang nasasayang na mga patak, dahil hindi mo alam, balang-araw, ang mga patak na iyon ay papawi sa iyong uhaw sa darating na tagtuyot. Matuto tayong sulitin ang bawat biyaya at huwag natin itong balewalain, dahil kapag nawala ito, tayo rin ang mahihirapan.
[Continue reading...]

Friday, October 28, 2011

Buhay Tambay

- 1 (mga) komento

Ilang linggo na rin ang lumipas bago ulit ako makapagpost ulit ng entry dito sa blog. Masado kasing abala sa pamamahala ng time pressure.



Sa bawat lugar na mapuntahan ko, merong mga tao na may suot na malalaking damit, mga lawlaw na di mo alam kung short o pantalon, makikitab na stainless at silver, may hawak na gadget at nagpapatugtog ng tulang nilapatan ng beat. Nakatambay lang sila sa araw-araw at nagkukuwentuhan. Paminsan-minsan ay nag-iinumsn. At kung pupunta ka sa amin ng hating-gabi, sila yung makikita mong nakakumpol na tambay sa kanto.Tanong ko lang, saan sila kumukuha ng pera?

Araw-araw nakikita ko silang nakatambay. Walang ginagawa at nagkukwentuhan lang habang nagsosoundtrip. May hawak silang ipod/chi-pod/mp3/mp4 player na may malakas na speaker. Sa dis oras ng gabi, nagpapatugtog sila ng gano'n kalakas, at minsan ay nag-iinuman pa na mas nakabubulabog sa mga natutulog. Paano sila nabubuhay kung araw at gabi silang tambay?

Sa pang-iisnatch? Sa pandurukot? Sa pagbabantay ng computer shop at hamburgeran? Sa panghoholdap? Sa pagpapadyak? Marahil isa sa mga ito ang ikinabubuhay nila. Pero bilib talaga ako sa kanilang survival sa mundong ito. Sa hirap ng buhay ngayon ay may panahon pa rin para sa kanila na tumambay. At imbis na mag-extinct, lalo pa silang nagpopropagate. Lalo pa silang dumarami sa kalsada imbis na maubos at mamatay sa hirap ng buhay.

Isa marahil sa dahilan ay hindi sila pressured. Sa pamamagitan ng pagtambay. Sa pamamagitan ng pagtambay, nakapag-iisip sila ng maayos kung paano sila didiskarte para mabuhay. Merong storage sa kanilang tiyan na ang isang meal ay tumatagal ng isang linggo. Merong resource management ang kanilang katawan na namamahala ng kanilang sustansiya at lakas. At dahil sa pagtambay, natitipid nila ang lakas nila at ginagamit lamang nila ito kung kinakailangan lamang. Kumpara sa isang empleyado ng gobyerno na minimum ang sweldo, na araw-araw ay pagod at kulang ang kinikita, ang mga taong ito ay nananatiling malakas sa buong araw at ang kinikita ay sumosobra pa kaya may pambili pa sila ng alahas, mga electronic gadgets, pang-inom at panggimik kapag may okasyon (halimbawa bertdey ng kaibigan ng pinsan ng tiyuhin ng isa sa kanila). Kung tayo, kailangan natin magtrabaho para mabuhay, sila kailangan nilang tumambay para mabuhay. Kung ganito lang kadali ang mabuhay, lahat na siguro ng tao katulad na nila, pero hindi, dahil hindi naman lahat ng tao ay hobby ang pagtambay.

Sa susunod na makakita ka ng mga tambay na ito, huwag mo silang maliitin sapagkat kaya nilang mabuhay nang walang ginagawa at ikaw ay hindi. Napagkalooban sila ng matinding survival instinct kaya mananatili silang buhay sa bawat kanto at kalsada. Kaya kung gusto mong mapadali ang buhay mo, sumama ka sa kanila at damayan sila sa kanilang pagtambay. Maging bahagi ka ng kalsada na itinuturing nilang kaharian.
[Continue reading...]

Bumabaha ng Sasakyan

- 0 (mga) komento
Kapag umuulan, masarap matulog. Malamig. masarap mag,... matulog. Ang sarap itigil ng mga gagawin. Ang sarap mamintana at pagmasdan balutin ng mga patak ng ulan ang kapaligiran. Hanggang sa antukin ka at makatulog sa lamig na dala ng hangging naglilibot. Lalo na't sususpendihin ang klase, ang sarap mamahinga dahil nabiyayaan ka ng pagkakataon na pagpahingahin ang katawan mong bugbog sa walang humpay na mga gawain. Ang sarap talaga kapag umuulan.




Pero kapag inabutan ka ng malakas na ulan sa labas ng tahanan, sa biyahe, o habang pauwi, malaking problema ang naidudulot nito sa atin. Maraming pangyayaring hindi kaaya-aya ang nagaganap. May mga bus na nalalaglag sa fly-over, may mamang inaanod sa drainage, at may bahay na nagmimistulang palamuti sa aquarium ng mga basurang lumalangoy. Lahat iyan ay dulot ng malakas na ulan.




Dito sa atin, kahit katamtaman lang ang lakas ng ulan, bumabaha kaagad. Bumabaha ng tubig, bumabaha ng tao sa sidewalk, at bumabaha ng sasakyan sa kalsada. Pansinin mong mabuti. Kapag umuulan, nadaragdagan ang mga sasakyan sa kalsada. Biglang naglalabasan lahat ng klase ng sasakyan hanggang sa tumigil ang daloy ng trapiko. Samantalng nakasilong naman ang mga tao at hindi sila nagtatampisaw sa baha pero ang bilang ng mga sasakyan ay bigla na lamang dumarami kapag umuulan. Para bang ang lahat ay gusto ng libreng car wash. Marahil dahil nga ito sa baha, kaya bumabaha rin ng sasakyan. Kaya minsan kapag umuulan, trapik sa buong metro manila, at nawawala lamang ang trapik kapag tapos na ang ulan. Normal naman ang trapik kapag araw (at kapag swerte ka) pero kapag bumubuhos na ang ulan, bigla na lang nagsusulputan ang mga sasakyan sa paligid na parang mga kabute. Imbis na tubig lang ang bumabaha, pati mga sasakyan na rin. Mas nauuna pang bumaha ng sasakyan kaysa bumaha ng tubig. Dahil dito, marami ang napeperwisyo. Marami ang naiistranded sa biyahe. Tila naglakbay sa oras ang mga tao sa tuwing bumabaha ng sasakyan. Nagiging time machine ang mga kalsada sa tuwing tumitigil ang daloy ng trapiko. Sa apat na kilometrong byahe, posibleng mapunta ka sa hinaharap makalipas ang apat na oras mula nang bumiyahe ka. Kung umalis ka ng alas-singko, pagdating mo alas-nuebe na. Ang galing no? Ang bilis ng oras. Naranasan ko yan eh.


 Ang pagbaha ng sasakyan dulot ng mga taong lumalabas ang tunay na ugali kapag nagsimula nang umulan. Nagiging mas makasarili dahil sa pagmamadaling makapunta sa paroroonan. Sila ang mga hari ng kalsada. Mga motoristang bumili ng sasakyan para sumikip ang mga kalsada. Sila ang mga hindi marunong magparaya kapag nagkaka-trapik. Sila rin ang nagbibigay ng pang-meryenda at panigarilyo sa mga pulis. Sila ang batas ng lansangan, at ang tanging nakikita nilang kulay sa ilaw-trapiko ay berde. Kinukulayan nila ng maitim na usok ang hangin, wala silang pakialam anuman ang mangyari. At kapag nabundol ka, swerte mo na lang kapag hindi ka pinagbayad sa gasgas na idinulot mo sa sasakyan nila.




Kailan kaya darating ang panahon na hindi na uso ang mga bagay na nakasisira sa ating kapaligiran? At ang teknolohiyang nagtuturo ng kawalang-disiplina? Marahil kailangan pa natin maglakbay ng malayo sa oras, o kaya ay kumilos na tayo ngayon bago pa mawala ang oras na pinaglalakbayan natin.


Matagal ko na 'tong sinulat, ngayon ko lang tinype. Hinintay ko kasi umulan ulit para uso. He. He.
[Continue reading...]

Kumusta at Paalam

- 0 (mga) komento

"Alam mo na ba?", tanong sa akin ng dati kong kaklase no'ng hayskul pero ang pagkakarinig ko, "Saan ka pupunta?". Buti na lang at lumapit ako at naintindihan ko ang sinabi niya.

"Alam mo na ba?"
"Alin?"
"(you know what it is... ang hirap sabihin eh)"

Sa unang pagkakarinig ko, hindi ako makapaniwala. Akala ko biro lang ngunit hindi ko masabing biro dahil seryoso ang mukha ng nagsabi sa akin. Agad-agad kong sinabihan ang grupo tungkol dito. Sinabi ko itong pabiro sa text kahit sa likod nito ay isang katotohanan na mahirap tangganpin para sa amin.

Sakit sa puso ang dahilan ng kanyang maagang pamamaalam, na tila nagbunga rin ng sakit sa aming mga damdamin. Hindi namin inaasahan na ganito kaaga kaming mababawasan ng isa.

Kung pagmamasdan mo ang kanyang mga larawan, hindi mo maiisip o makikita na mayroon siyang karamdaman na nakamamatay. Palagi siyang nakangiti at para bang walang problemang ikinakaharap sa buhay. Marami siyang kaibigan na nariyan para sa kanya. Sana kung nasaan man siya ngayon, maging masaya siya at tapos na ang kaniyang mga paghihirap. Hindi na niya mararanasan ang hirap sa mundo, at hindi na darating ang mga pagsubok na naghihintay sa kaniya. Kinuha na ang buhay na ipinagkaloob sa kaniya dahil mas makabubuti ito upang hindi na siya lalong mahirapan.

Noong hayskul, hindi naman kami madalas mag-usap ngunit nakakuwentuhan naman paminsan-minsan. Siya ang dakilang tiga-singil ng mga bayarin at ang ingat-yaman ng aming klase. Kahingian ng 1/4, kahiraman ng bolpen, pero kahit hindi kami ganoon kalapit tulad ng aming magbabarkada, hindi ganoon kadali upang matanggap na ang isa sa aming kaklase na nakasama namin sa loob ng apat na taon ay wala na.

Napakaaga pa. Ngunit ang napakaaga na iyon ay huli na upang siya ay muli pang makausap, makagimik, makabiruan at mautangan. Ang tanging maihahandog na lamang namin sa kanya ay ang samahan siya na maihatid sa kanyang huling hantungan. Patungo sa lupang kanyang hihimlayan ay ang kabilang buhay na walang hangganan kasama ang dakilang lumikha.

Nawala man siya ngayon, mananatili pa rin siya sa aming mga alaala. Ganito lang naman ang buhay, kumusta at paalam. Lahat ng dumarating ay naglalaho rin nang hindi inaasahan. Hindi natin masasabi kung kailan, kung saan, at paano, ngunit masasabi natin kung bakit. Dumarating sila upang tayo ay turuan, tulungan, samahan at gabayan, at umaalis sila upang sila ay ating pahalagahan at maalala.

Paalam, Monette Cristine Navarro.
[Continue reading...]

Thursday, October 20, 2011

Time

- 0 (mga) komento
Lurking in the darkness and searching for the light
Of the world of happiness where everything's alright
Looking for something that once I have had
It's nowhere to find and it feels bad

Like a bird flying over the sea
Flying restlessly to find a tree
Crossing the endless horizon of burden
Hoping that someday I would be forgiven

They said everything has an end
Except this suffering, my heart wouldn't mend
I know how it feels, and I know I am wrong
I know it would take time and it's very very long

Time can heal all kinds of pain
But time is endless which drives me insane
I'll just wait and wait 'till someone came
How I wish I could forget your name.

Isang malungkot na tulang nilikha ko noong hunyo. Ngayon ko lang tinapos. Buti nahalungkat ko sa aking flash drive.
[Continue reading...]

Saturday, August 6, 2011

Throw-Out Lines

- 1 (mga) komento
Pickup lines? Laos na yan! Bago ngayon throw-out lines. Eto sample..

Miss, dinivide ka ba sa zero?
Kasi undefined mukha mo eh...

Miss, switch ka ba?
Kasi nakakaturn-off ka eh..

Sana naging si paquiao na lang ako...
Kasi ikaw si mosley...

Model ka ba ng vics?
Namamaga mukha mo eh.,..

Kung manonood ako ng sine gusto ko ikaw kasama ko...
Para horror..

Ikaw ang superhero ng buhay ko...
Sino?
Si Incredible Hulk...

MISS! Pamilyar ka sakin.. Artista ka ba?
Bakit? sino kamukha ko?
Si Diego..


Para kang coloring book...
Merong connect the dots...

Ang sexy mo naman, para kang coke...
Talaga?
Oo, coke in can...

May nakapagsabi na ba sa'yo na maganda ka?
Hmm. meron...
Naniwala ka naman?
[Continue reading...]

Friday, July 15, 2011

Gising Na: Ang Tamang Procrastination

- 0 (mga) komento
Gising Na: Ang Tamang Procrastination

Araw-araw sa ating pamumuhay, sa ating pagpasok sa eskwela, sa trabaho, at sa pagdalo sa mahahalagang meeting, alarm clock ang ating inaasahan para magising tayo ng maaga mula sa mahimbing nating pakakatulog. Napalitan man ito ng mga haytek na gadgets tulad ng cellphone at iPod (pronounced as 'ay pad')/ iPad (pronounced as 'ay ped'), hindi naglaho ang silbi ng alarm clock. Sa tuwing kailangan nating gumising ng maaga, pinatutunog natin ang ating alarm clock ng malakas, kahit na pati kapitbahay nakiki-alarm na rin para makatipid sila sa battery. Ipinaaalala nito sa atin araw-araw na kailangan nating bumangon ng maaga upang paghandaan ang panibagong pagsubok sa ating buhay bago pa man sumikat ang araw.

Pero may mga pagkakataon na hindi natin napapansin ang ingay nito at patuloy tayo sa ating mahimbing na pagkatulog. Hindi natin naririnig ang pagmamakaawa ng ating munting tagapaglingkod upang tayo ay magising sa katotohanan na hindi pa ito ang tamang oras upang magpahinga dahil marami pa tayong kailangan gawin upang tuparin ang ating mga pangarap at maging makatotohanan ang ating mga panaginip. "Gising na! Papasok ka pa! (deciphered from tititititititit, tititititititit)... ", ang sabi ng munti mong tagapaglingkod. Pero oras na magising ka ay kakalabitin mo lamang ang ito upang ipaalam na ikaw ay gising na. Maya-maya ay mahimbing ka na ulit sa iyong pagtulog. "Maaga pa naman, maya-maya na lang ako babangon. (sabay hikab)", ang sabi mo sarili mo. Buti na lang at naka-snooze ang alarm mo ng 15 minutes. Sa pangalawang gising mo, inulit mo lang ang ginawa mo kanina. Hindi ka pa rin bumangon. Sa pang-apat na pagtunog ng alarm, 'tsaka ka pa lang bumangon at nagulat kang sa mga oras na ito ay dapat nasa sakayan ka na ng jeep. Dali-dali kang naghanda habang pinakikiusapan ang oras na tumigil muna para sa iyo. Ang pagpipilian mo na lang sa mga oras na ito ay kung papasok kang late o aabsent na lang. Anuman ang mangyari ngayong araw, walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo.

Ito ang pinakamatinding kalaban ng ating ating pag-unlad. Isang matinding balakid tungo sa ating kaunlaran at kaginhawaan. Ang kaugaliang 'mamaya na', a.k.a. Procrastination. Sa paggising pa lang sa umaga ay kitang-kita na kung isa kang procrastinator. Kaya mo nang bumangon pero natulog ka pa rin. Bakit nga ba ipinagpapaliban natin ang mga bagay na kaya na nating gawin habang may oras pa? Bakit naghihirap pa rin ang ating bansa samantalang panlabinlimang presidente na ang namumuno sa atin ngayon? Dahil marahil ipinagpapaliban na rin natin mismo ang ating sariling pagunlad sa loob ng isandaang taon.
Ang pera na dapat dumidiretso sa kaban ng bayan ay dumadaan muna sa bulsa ng mga tagapamahala - Procrastination na may kasamang pangungurakot. Ang impormasyon na dapat alam na ng mga tao ay dumadaan muna sa mga nagmamanipula ng impormasyon - Procrastination na may bahid ng kasinungalingan. Kung gagamitin natin ang ang pagpoprocrastinate sa maling paraan, wala itong maidudulot na maganda sa atin. Kaya gamitin natin ito sa tamang paraan. Paano?

Halimbawa sa paggising mo, pipindutin mo ang alarm para tumahimik ito at hindi na mambulabog ng mga gustong matulog. Kaso inaantok ka pa at gusto mo pang magpahinga. Sa sitwasyong ito kailangan mong magprocrastinate... ng tama. Imbis na matulog ka ulit, mamaya na lang paguwi mo, o kaya ay kung merong bakanteng oras. Isa pang sitwasyon. Tinatamad kang gumawa ng assignments at reports? Magprocrastinate ka... ng tama. Mamaya ka na lang magpakatamad kapag natapos na ang mga gagawin mo. Sa pamamagitan nito, nageenjoy ka na sa pagpoprocrastinate, nagagawa mo pa ang mga kailangan mong gawin. At kapag naging maunlad ka na at tinanong ka kung anong sikreto mo sa iyong pagunlad, ang sagot mo lang "Procrastination!".

Gamitin natin ng tama ang ating oras dahil kapag lumipas ito, hindi na natin ito maibabalik. Kaya laging tandaan ang kasabihan, "Magprocrastinate ng tama at buhay mo ay giginhawa!"
[Continue reading...]

Thursday, July 14, 2011

Time Pressure

- 2 (mga) komento
Time Pressure

Hindi ko alam kung sino ba ang nakapag-formulate ng equation na ito:

P=F/A

Where:
P - pressure
F - force
A - area

Tatlo kasi ang nakikita kong scientists. Galileo, Torcelli (studyante ni Galileo) at si Blaise Pascal. Pero dahil pascal (Pa) ang unit ng pressure, i-assume na lang natin na si Pascal nga.

Let's start travelling back into the days na kapag physics ay natutulog ka lang at hindi ka interesado sa lecture tapos maya-maya magugulat ka dahil may quiz. Sabi sa libro (kung nabasa mo), pressure is equivalent to force over area, wherein pressure is inversely proportional to area, given the force is contant, and pressure is directly proportional to force , given the area is constant. Mas malaking area, mas mahina ang pressure. Kaya nga mas masakit 'pag natusok ka ng karayom kesa maipit ang kamay mo sa libro.

Let's go back into reality. (Eto na naman ako at nagiimbento ng equation). Naisip ko lang 'to habang napepressure ako sa mga kailangan gawin at ipasa sa mga panahong ito.

tP=F/t

Where:

tP - Time Pressure
F - Force
t - time

Time Pressure is equivalent to force over time, wherein Time Pressure is inversely proportional to time, given force is kept constant, and directly proportional to force, given time is kept constant. Ibig sabihin, mas malakas ang time pressure sa atin kapag mas maikling time lang ang ibinigay sa atin para magawa ang isang bagay. At lalong mas malakas kapag maliit na nga ang time, malaki pa ang value ng force. Ang force ay ang paulit-ulit na pagpapaalala sa atin ng sabay-sabay ng mga kailangan nating gawin at maipasa sa itinakdang oras. Habang ipinapaalala sa atin ng paulit-ulit ang mga gagawin, given ang deadline is constant, lalo tayong nape-pressure dahil sabay-sabay itong ipinaaalala ng paulit-ulit sa loob ng isang araw. "Ano ba 'yan, ang dami naman gagawin!..." Kapag naman ang deadline ay umuusog papalapit sa araw ngayon, given the force kept constant, mas lalo tayong nape-pressure dahil nag-aalala tayo na malapit na ang deadline, habang umaandar ang oras sa pag-aalala natin. "Uy, report natin bukas na!"

Wala tayong magagawa dahil hindi natin hawak ang dalawang variable na force at time. Sila ang nagbibigay ng force, at sila rin ang nagbibigay ng time. Ang tanging magagawa lamang natin upang hindi tayo atakihin ng matinding time pressure ay kompyutin itong mabuti at gawin ang mga nararapat gawin. Sa unang araw pa lang na ibinigay na ang dalawang variable (force - mga gagawin, time - deadline), kompyutin na natin ito nang maaga upang laging handa kung sakaling magkaroon ng pagbabago sa mga variable. Kung nakompyut mo na malaki ang value ng tP, kailangan pagtuunan mo na ito ng pansin. Pero kung nakita mong maliit lang naman at kayang gawin in 5mins, nasa iyo iyan dahil baka sa pagpoprocrastinate mo, makalimutan mo na may gagawin ka pala. Well, kung hindi ka makapagpasa, panibagong equation na naman iyan. Kokompyutin mo na ngayon ang iyong Blood Pressure, wherein mas malaking problema, mas mataas na blood pressure, mas matinding stress. Kaya kung ano ang kaya nating gawin ngayon, gawin na natin habang kaya pa, at habang may oras pa. Dahil ang oras na lumipas ay hindi na natin maibabalik pa.
[Continue reading...]

Wednesday, July 13, 2011

Portable Life

- 0 (mga) komento
Portable Life



Noon wala akong alam sa kompyuter. Wala. Pero alam ko kung ano ang kompyuter. Nakikita ito sa mga opis at ginagamit pang-type at pang-gawa ng mga assignments ng mga estudyante. Una akong nakahawak ng keyboard at mouse grade 6 ako, at ang alam ko lang microsoft word. Pati cheat planet tsaka sfogs. First year hayskul, nakahawak ulit ako ng kompyuter. Para bang unang beses ko ulit makahawak dahil nahihirapan pa ko gumamit ng mouse. Nanginginig pa kamay ko, siguro dahil malamig doon sa computer lab ni sir ombao, o dahil .... syet nakahawak ako ng mouse! Sabi tuloy ng esti doon (student teacher) "mahirap ba gumamit ng mouse?" Nakita niya kasi nanginginig ako habang hina-highlight yung maling spelling sa word tapos pipindutin yung delete sa keyboard. Napagisip-isip ko puwede naman pindutin na lang yung backspace nagpapakahirap pa 'ko. Pero enjoy naman ang bawat activity na pinagagawa. Doon din ako unang nakahawak ng diskette. Pakiramdam ko nga haytek na ko, may disket na ko, kahit wala naman akong kompyuter pa noon sa bahay. Bente pesos pa noon ang isang oras sa mga computer shop. Minsan 25 per hour kapag internet, bente kapag games lang.Hindi pa masyadong uso ang kinse isang oras. Tapos limang piso ang paprint ng short bampeyper (bond paper), yung sa dot matrix na printer (yung eeeek-eeek-ek-eeek ang maririnig mo habang nagpiprint). Pagka laserjet o inkjet otso hanggang sampumpiso per page na short. Black and white lang yun. Pag colored bente ang minimum. Pero kahit ganoon kamahal pa ang mga presyo sa mga computer shops, maginhawa naman habang nasa kompyuteran ka. Wala pang mga makukulit na mga kostumer na bigla na lang umuutot with sounds habang nakaheadset sila. Wala pa rin yung mga naninigarilyo sa loob tapos may ashtray na dala. Wala pa yung mga maiiingay at magugulong naglalaro. Meron lang mga tahimik na nagtatype ng mga assignnment, ng resume, tsaka mga gumagawa ng project.

Third year hayskul, bihasa na ko sa pag-copy paste sa word. May alam na ko sa kompyuter. Cold boot, warm boot, firefox, at may nadagdag - powerpoint. Pero wala pa rin kaming kompyuter sa bahay. Nagrerent lang ako sa labas. Kinse pesos na lang ang isang oras kaya umiingay na sa mga kompyuter shops. Bumabaho dahil sa mga naglalarong hindi naliligo. Naglalaro ng counter strike pero pawis na pawis na akala mo sila mismo ang tumatakbo at nakikipagbarilan.

September 2006, nadiskubre ko ang mediafire. Isang napakalaking milestone pagdating sa aming magbabarkada na mahilig magdownload. Naghahanap kasi si papa noon ng tutorials sa pagrerepair ng cellphone tapos mediafire ang link na nakita namin. Di ko na pinatagal at nagregister ako. Kinabukasan ibinahagi ko ang magandang balita at naglevel-up kami ng mga araw na iyon. Wala pa kaming kompyuter, pero may disket. Sa diskette na 1.44MB ang capacity, doon ko inilalagay ang mga assignments na pinagagawa sa amin. Hindi kasya dito ang isang megaman zero na gba rom (badtrip). Pero saan nga ba nagsimula ang aming portable life?

Hindi ito nagsimula sa mediafire, kundi sa savefile.com. Muntik ko nang makalimutan, savefile.com. Isa itong file hosting site na nadiskubre naman ni ron bago ko madiskubre ang mediafire. Kung wala kang flash drive o diskette, file hosting sites ang sagot. Naaalala ko pa noon, wala akong flash drive at si ron pa lang ang meron sa amin, dinownload ko sa mediafire ang report ko sa TLE na nakapowerpoint. Matagal magdownload kaya hinintay namin ito ng mga 15 minutes (puro kasi GIF at AVI ng megaman ang nakalagay sa powerpoint). More convenient than email dahil 100mb ang limit ng filesize kapag maguupload ka. Sa email 25mb lang. Kaya mediafire ang nagin online storage ko. Simula pa lang iyan ng aming portable life.

Fourth year hayskul, nakahiram ako ng usb na 1GB, pero nasira ko rin kasi na-krag.exe eh. Ewan ko kung paano nasira ng virus yun. "I'm krag.exe. I'm in your portable." Badtrip andami ko nang warez files doon. Pero nagkaroon din agad ako ng sarili, 2GB pa hahaha. Meron na rin kaming farmer's pc. Ang yabang ko pa noon dahil 2GB ang USB ko, si tantan 1GB, si ron 512. Dito na nagsimula ang sunod-sunod na aming pagkamulat. Nauso sa amin ang pagkokonvert ng FAT32 to NTFS ng usb dahil mas mabilis ang ntfs kaysa FAT32. Pagtapos ng youtube download milestone, tsaka file hosting site milestone ay ang pagkakaroon ng sarili naming mga browser. Ang portable browsers. Ang unang nakahiligan kong portable browser noon ay IE, pero lumipat rin ako ng Firefox dahil wala naman talagang portable na IE. Natry ko rin ang safari pero malakas gumamit ng ram. Wala pang google chrome noon. Opera pa ang pinakahighest rated browser noon (pero ilan lang ang gumagamit dito sa pilipinas).

Todo tweak, todo costumize, todo optimize. Search lang ng search ng tweaks hanggang sa maabot ang pinakamabilis na kaya ng aming browser. Bookmark lang ng bookmark ng mga site na mapakikinabangan. Save lang ng save ng download link sa textfile. Store na lang ng mp3 sa usb, huwag nang mag-imeem dahil dagdag lang ito sa bandwidth. At pag lalabas na ng computer shop, unang titingnan ang usb kung nakasaksak pa ba sa cpu o naitabi na. Ganito ang buhay naming walang internet sa bahay. Portable life. Buhay namin ang aming usb/flash drive. Nasa usb ang lahat ng aming maipagmamalaki. Para bang nasa usb ang lahat ng pangarap namin. Nakakatawa pero ganoon kahalaga ang usb para sa amin noon. Mas mahalaga pa sa wallet. Naalala ko noon na halos mabaliw na ako nang masira ang usb na hiniram ko. Pati yung nawala ko. Isang linggo akong nagluluksa dahil sa 'king hindi pag-iingat.

Hindi lang firefox ang portable sa amin noon. Meron pang portable na kaspersky, portable na nod32, portable na IDM, portable na foxit reader, itunes, at marami pang iba na hindi ko na matandaan. Para kang may dalang sariling program files tsaka my documents sa usb mo. Isama mo pa ang vista inspirat at vista transformation pack na ipinagyayabang pa namin. Na akala namin puwedeng gawing reaserch paper - "XP to Vista transformation pack!". Na palagi kong tinetesting sa mga computer shop na napagrerentan ko dahil tuwang tuwa akong nakikita ang vista interface ng isang xp system.

Sa ngayon, medyo nawala na ang pagkahayok ko sa pagda-download dahil sa dami ng mga pinagagawang project. Mula sa pagdidirect download ng walang premium account, hanggang sa pagyu-UseNet, hanggang sa pagtotorrent na lang. Ngayon torrent na lang ang inaasahan ko dahil may internet na kami sa bahay. Dati ang tingin namin sa torrent, isang pinakadesperadong paraan para magdownload. Pero ngayon natuklasan ko, ang torrent ay para sa mga average computer users na gustong magdownload ng kung ano-ano sa madaling paraan, sa paraan na hindi na sila mahihirapan. Kaso kung sa una pa lang napamahal na kami sa torrent, tiyak wala nang progress na magaganap.

Pag wala sa torrent, hahanapin ko sa direct download. Maghahanap ng rapidshare link, (o kaya mediafire), tapos hahanap ng transloader, at magda-download ng parang may premium account dahil sa bilis at concurrent downloads gamit ang IDM. Maya-maya may sisigaw na sa computer shop, "HOY SINO BA YUNG NAGDDOWNLOAD DIYAN?!". Patay-malisyang itatago ang IDM sa system tray tapos pag nagtime, hindi na mageextend dahil baka mabugbog ng mga sigang nagdodota.

Masayang magtuklas ng mga bagay lalo na't nalaman mong gutom ka pa sa mga kaalaman dahil napakalawak ng internet para tumigil ka sa paglalakbay. Noon, ang internet para sa amin ay lahat na. Para bang nasa iyo na ang lahat kapag may internet ka. Hahanapin mo na lang. Pera? Tao? Nasa internet, hanapin mo lang. Maging hacker ka at mapapasayo ang lahat. Ang tanging kailangan mo lang ay oras at kagustuhan mong makamit kung ano man ang hinahanap mo sa buhay.
[Continue reading...]

Saturday, July 9, 2011

Pare, Anong Oras Na?

- 0 (mga) komento
Pare, Anong Oras Na?

Isang araw, si Juan at Ted ay nasa iskul.
May bagong relo si Juan at nakita ito ni Ted.

Sa kalagitnaan ng klase, tinanong ni Ted kung anong oras na.

Ted: Pare, anong oras na?
Juan: 9:15.

After 10 minutes, nagtanong ulit si Ted. Siguro naiinip na siya sa klase.

Ted: Pare, anong oras na?
Juan: 9:25

Maya-maya ay nagtanong ulit si Ted. Si Juan naman ay naiinis na.

Ted: Juan.
Juan: Tsk. Ano?
Ted: Anong oras na?
Juan: 9:30!

Alam ni Ted na naiinis na sa kanya si Juan, pero nagtanong ulit siya maya-maya.

Ted: Pare, anong oras na?
Juan: (Galit) 9:35 NG UMAGA!! Huwag ka ngang tanong ng tanong kung anong oras na, nauubos ang baterya ng relo ko katatanong mo ng oras! Kaya puwede ba, bukas ka na ulit magtanong?! Buwiset...

-------------------------

Pare, anong oras na ba - isang joke na nalaman ko sa tito ko bago siya mamatay sa kanser.
[Continue reading...]

May Halagang Pulubi

- 2 (mga) komento
May Halagang Pulubi

Isang araw, papasok ako sa iskul. Sumakay ako sa kulorum na jeep. Bumaba ako doon sa may "Bawal tumawid dito, may namatay na" at tumawid papunta sa kabilang kalye. Hindi naman talaga ako dapat doon bababa, lumagpas lang ako. Habang naglalakad papasok sa isang makasaysayang lugar, natatanaw ko ang isang pulubi na namamalimos. Nilalapitan niya ang bawat taong nakasasalubong niya. Marumi, sira-sira ang damit, puro putik ang mukha, magulo ang buhok (o baka hairstyle niya iyon), nilalangaw ang sugat sa paa (o baka kasabwat niya ang mga langaw), at mabaho ang kanyang amoy. Tiyak na kamumuhian mo siya kapag hinawakan ka niya. Naawa ako, kaya dumukot ako ng barya sa bulsa ng pantalon kong butas bago ko pa man siya makasalubong. Paglapit niya sa akin, ibibigay ko na sana ang baryang dinukot ko kung hindi lang siya nagsabi ng:

Pulubi: "kuya pahingi naman ng tatlong piso..."

Aba may presyo. Hindi ko na ibinigay ang baryang nadukot ko. Hindi ko alam kung magkanong barya ba ang nadukot ko. Kung sampu, lima, o piso. Basta, hindi ko na ibinigay dahil sa kanyang presyo. Paano kung piso pala ang naiabot ko? Baka hindi pa tanggapin. Hindi ko alam kung bakit kailangan may presyo pa ang iaabot mo sa isang nagpapaawang pulubi. Marahil meron siyang kotang hinahabol na dapat maabot kundi magagalit ang amo nila na nagbibigay ng mga props nila at costume. Maaari rin isa siyang tao na nagko-conduct ng survey sa mga tao kung magbibigay ba ang mga ito ng pera kung may presyo na ang mga pulubi o hindi. O isang undercover agent na hinahanap ang taong magbibigay ng tatlong piso sa kanya dahil ito ang palatandaan ng suspek. Kung sino pa man siya, isa pa rin siyang may-halagang pulubi na kailangan kumita ng tama at naaayon sa kanyang begging fee.
[Continue reading...]

Wednesday, July 6, 2011

Noob Syndrome

- 0 (mga) komento
Noob Syndrome

Carpal Tunnel, Insomnia, degraded vision. Ilan lamang 'yan sa mga sakit na idinudulot sa atin ng pagkaadik natin sa kompyuter. Pero meron sakit na nauuso noon pa man, ngunit ngayon lamang natuklasan - ang Noob Syndrome (a.k.a. Illiterate Syndrome).

Kung tatlong taon ka nang gumagamit ng kompyuter pero hindi mo pa rin alam ang shortcut key ng copy at paste, o hindi mo pa rin alam kung ano ang web browser, ikaw ay meron nang noob syndrome. Hindi ito nakamamatay ngunit isa itong malubhang sakit na kailangan gamutin. Isa itong sakit na kapag dumapo sa iyo ay mahihirapan ka nang mag-adjust para sa mga bagong kaalaman na dapat mong malaman. Hinaharangan nito ang bawat impormasyon na dapat alam mo na sa ngayon kaya nakapagdudulot ito sa iyo ng kamangmangan tungkol sa isang bagay, kahit ang bagay na iyon ay matagal mo nang ginagamit. Bina-block nito ang iyong learning curve o ang iyong interes na matuto hanggang sa ikaw ay manatiling nasa ganyang kalagayan habang-buhay. Pinatitigil ka nitong magkaroon ng interes na malaman ang isang bagay na hindi mo alam. Halimbawa ay nasa harap ka na ng internet pero hindi mo alam ang gagawin mo kapag pina-install sa iyo ang winrar. O kaya naman ay pinagbubukas ka ng web browser pero nakatulala ka lang. O kaya naman ay anim na buwan ka nang walang tigil sa kalalaro ng dota pero 'pag nakipaglaro ka sa mga kaibigan mo ay balagong ka pa rin, walang nagbago kumpara noong tinuruan ka pa lang maglaro. Isa pang halimbawa ay sampung beses ka nang nasiraan ng kompyuter pero hanggang ngayon nagtatawag ka pa rin ng taga-format. In short, wala ka nang natututunan sa iyong mga ginagawa dahil sa noob syndrome. Dahil dito ay nahihirapan ka nang sagutin o hanapin ang sagot sa mga tanong na "ano", "paano" at "bakit".

Ang Noob Syndrome ay madaling nakukuha sa mga social networking sites at iba pang mga nakaaadik na bagay sa kompyuter tulad nito dahil simula sa maadik ka sa isa sa mga ito ay mahu-hook ka na dito at sasakupin na nito ang buong lawak ng isipan mo hanggang sa mawalan na ng lugar para sa iba pang mga impormasyon.

Good News! Ang noob syndrome ay nagagamot. Sa pamamagitan ng pagpilit sa iyong sarili at pagtanggap na kailangan mong buksan ulit ang iyong isipan tungkol sa mga bagay-bagay, maaaring mapuksa ang lumalala mong noob syndrome. Kumonsulta sa pinakamalapit mong kaibigan na palagi sa iyong nababadtrip dahil sa iyong kakulitan magpaayos, o sa pinakamalapit na kompyuter shop at mag-wikipedia. Ugaliing sagutin ang mga tanong na gumugulo sa iyong isipan sa pamamagitan ng paghahanap ng sagot gamit iyong bukas na isip, mga mata at kamay. Kung hindi sapat ang pang-internet, magtungo sa mga silid-aklatan at magbasa (hindi magpuslit) ng mga libro. Maaari ka rin bumili ng sarili mong aklat ngunit huwag nang ipagkalat sa mga kaklase at kaibigan dahil malamang baka hindi na ito maisauli sa iyo. At ang pinakamahalaga sa lahat, tulungan mo ang iyong mga kakilala at kaibigan na nangangailangan ng therapy laban sa noob syndrome.

Kaya natin labanan ang noob syndrome. Huwag natin itong palalain tulad ng kanser na nakamamatay.

"Bigyan mo siya ng isda at siya'y may kakainin sa isang araw. Turuan mo siyang mangisda at siya'y may kakainin habang-buhay."
[Continue reading...]

Sunday, July 3, 2011

Super Proxy Server

- 2 (mga) komento
Super Proxy Server

I
Sawa ka na ba (sfx guitar: tonenunening)
Sa kalo-load diyan sa broadband mo
Ayaw mo na bang mag-isip para makalibre
Tinatamad ka nang mag-unli
Ang gusto mo'y kumo-connect na lang
Gamitan mo ng ultrasurf para guminhawa

Refrain:
Ito ang kailangan mo
Isaksak na ang smartbro mo

Chorus:
Hindi na dapat maghirap sa iisang iglap
Ang buhay mo ay sasarap
Huwag nang mag-atubili
Kumuha ka ng Superproxy
(*Gumamit ka ng Superproxy)
(**Gamitin mo ang Superproxy)

II
Ako ay kaibigan na lagi mong maasahahan
Kaso pag umulan, minsan ay mahina ang signal
Ito ay special offer sa mga taong katulad mo
Gamitan mo ng ultrasurf para guminhawa

*Repeat Refrain
*Repeat Chorus


Refrain II:
Ako ang bahala sa iyo
Libre na ang internet mo

**Repeat Chorus

Superproxy Superproxy
Superproxy Superproxy
Superproxy Superproxy

Rap:
Come and take a sip from the cup as the drink makes you think
Don't blink 'cuz you'll be taken out by the pen and ink
Superproxy, why don't you just talk to me
My rhyme be stickin to ya head like epoxy
The Net'll be blabbin, never be backstabbin
Hangin w/the E-heads and I'm just plain havin
FUN, no time for gats and guns,
I use my mouse like a gun I get the job done
I play video games all day
Zipadee-dooda Zipadee-day Hiphop Hooray!
Menage one, Menage Trois, Menage Three
If torrents were pets then I'd have a menagerie
Chimney-chimney Humpty Dumpty
Grab on the mouse start gettin funky
Funky with the flavor that you savor, imitator
I'm the flavor of the hour other PC's I devour
I'll be with Firefox, G-chrome, X-Tor, and Proxy
They are the apps that's installed in my PC
Ultraelectromagnetic lifehack and ya don't
Stop and ya don't quit WORD-UP!
Lap it up like a pussy sippin on milk
Rock hard to my style that's smooth as silk
Yo, Superproxy why don't you just connect to me
[Continue reading...]

Saturday, June 25, 2011

Vandalism

- 0 (mga) komento
Vandalism



Vandalism - Hindi makabuluhang paninira ng kagandahan sa pamamagitan ng pambababoy, pagsusulat at pagguhit ng kung annu-ano at literal na pagwasak sa mga bagay na pag-aari ng ibang tao.

Ang salitang vandalism ay nag-ugat mulsa sa mga vandals sa roma ilang daantaon na ang nakalipas. Hindi man sila ang pinakamapanirang tribo noong panahong iyon ngunit sa kanila pa rin ibinatay ang salitang ginagamit natin ngayon upang ilarawan ang walang katuturang paninira ng kagandahan sa ating kapaligiran.

Maraming paraan upang ipakita ang vandalism, o ang pagiging vandal. Ilan sa mga ito ay ang paninira ng mga rebulto, pambababoy ng mga karatula, paglalagay ng kung anu-ano sa mga babala sa kalsada, at pagpipintura at pagsusulat ng mga hindi kaaya-ayang bagay sa mga pader. Ang simpleng pagsusulat sa armchair, ang pagsusulat ng "May tatlong tanga, pang-apat ang bumasa" sa pader ng classroom, at ang pagsusulat ng cellphone number sa mga cubicel at toilets ay mga halimbawa rin ng vandalism.

Pero kahit na hindi mo gawain na magsulat sa armchair at pader ng kalokohan, alam mo ba na paminsan-minsan ay nagvavandalize ka pa rin? Marami sa atin, mahilig magvandalize, sa makabagong paraan. Isang paraan na nakatutuwa at pinapatulan pa ng mga katulad nilang mga vandals. Isang paraan na kung saan ang lahat ay binigyan ng karapatan upang maglagay at magsulat ng kung anu-ano sa pader ng bawat isa. Ang sarili nating "pader" na araw-araw ay nilalagyan natin ng laman, at kung anuman ang maisip natin at dito natin inilalagay. Wala nang iba kundi ang ating "wall" sa facebook. Dahil sa facebook, tinuruan tayo nitong magsulat ng kung ano-ano sa pader ngunit dahil nagustuhan ito ng mga tao, hindi ito itinuring na vandalism. Bagkus ay ginaya pa ito ng iba tulad ng friendster at yahoo na may pader na rin para sa mga users nila. Pero may mga gawain pa rin na maituturing na vandalism pagdating dito. Halimbawa nito ay ang pagpopost sa wall ng group niyo ng picture mong tulog ka at tulo-laway. Vandalism ito dahil hindi naman ito makabuluhan, walang naitutulong at hindi ito kaaya-aya para sa iyo. Sa kasamaang-palad, tuwang-tuwa sila sa picture mo kaya makitawa ka na lang sa kanila at maghintay ng pagkakataon upang makaganti. Isa pang halimbawa ay ang pagta-tag sa iyo ng picture ng aso, pusa, kabayo, lotion, sabon, at iba pang binaboy na picture na wala ka naman doon pero naka-tag ang pangalan mo. Buti na lang at puwede mong tanggalin ang tag at burahin ang post sa iyong wall. At ang pinakamadalas makitang akto ng makabagong vandalism ay ang sandamukal na app at game update/invites sa iyong wall na kapag binura mo ngayon, mamaya meron ulit. Kaya hinahayaan mo na lang maipon ang mga ito at matabunan ang mga mahahalagang pinost mo.

"YOUR_NOOB_FRIEND is playing A_NOOB_GAME. Click here to play A_NOOB_GAME too!"

"YOUR_NOOB_FRIEND got STUPID_NOOB_GOLDS in A_NOOB_GAME. Click here to get STUPID_NOOB_GOLDS too!"

"YOUR_NOOB_FRIEND is inviting you to play A_NOOB_GAME. Click here and be a NOOB Player!"

Buti na lang at meron nang block function para sa mga request at nakokontrol mo na ang mga naiipon na mga requests.

Tayo ay binigyan ng kalayaan upang ihayag ang anumang nais nating ipahayag at ibahagi ang ating mga saloobin. Ngunit sa bawat karapatan ay may mga responsibilidad na dapat nating gampanan. Sikapin nating magbahagi ng mga bagay na makabuluhan, hindi mga bagay na nakapag-aaksaya lamang ng panahon at nakapapanakit ng kapwa. Makatulong ka man ng kaunti, higit pa roon ang babalik sa iyong tulong balang-araw. Kaya ihanda na ang mga permanent markers ninyo at simulan nang magsulat ng "Fight Vandalism!" sa bawat whiteboard, armchairs at pader at sama-sama nating labanan ang bandalismo!
[Continue reading...]

Thursday, June 23, 2011

Pancit Canton Survival Mode

- 0 (mga) komento
Masarap talaga kumain ng pancit canton lalo na kapag ginamit mo 'yung teknik na pinost ko nu'ng nakaraan (refer here). Pero minsan gutom na gutom ka na, at malakas ang ulan. Gusto mo man bumili ng tapsilog, wala ka naman pera. Ang meron ka lang, siyam na piso, saktong pambili ng tinapay o pancit canton sa malapit na tindahan. Ngayong nakabili ka na ng pancit canton, agad mo na itong binuksan at inilabas ang seasoning at dinurog ang noodles. Inihanda mo na ngayon ang bowl na pagpapakuluan. Pero pagkapihit mo sa stove, bigla kang napasimangot at parang gusto mong itapon ang bowl dahil sa iyong nakita. Wala na palang gas. Tsktsktsk. Wala na rin uling para sa charcoal stove (a.k.a. kalan de-uling). Bigla mong naisip, dapat pala 'yung tinapay na may ipis na lang ang binili mo.

Huwag nang malungkot, dahil may solusyon na sa problemang iyan, bukod sa papakin mo na lang ang noodles at isawsaw sa seasoning. Sa mga sitwasyong tulad nito, Pancit Canton Survival Mode ang solusyon! Para lamang itong Yakisoba na may dalawang paraan kung paano lutuin. Ang gagawin mo lang, tatrauhin mo lang na yakisoba ang pancit canton. Ang sikreto, mainit na tubig. Gets mo na? Kung hindi pa rin gets, heto ang procedure:

1. Buksan ang pouch, ilabas ang seasoning at bahagyang durugin ang noodles.
2. Maghanda ng mainit na tubig sa isang bowl at lagay dito ang noodles. Takpan at maghintay ng limang minuto.
3. Habang naghihintay, ihanda ang seasoning sa isang pinggan.
4. Salain ang noodles at ihalo sa seasoning.
5. Handa nang kainin ang pancit canton!

Ngayon, maiibsan na ang mga gabing walang gas kapag nagugutom at gusto mong magluto ng pancit canton. May kaibahan nga lang ang lasa nito kumpara sa pinakuluang noodles, pero mainam na rin kaysa papakin mo ito at gawing crackers.

Isa sa mga bagay na bihirang mawala sa isang bahay ang mainit na tubig sa termos. Malaki ang naitutulong nito sa atin, mula sa pagtitimpla ng kape hanggang sa panlalapnos ng balat ng kaaway. Kaya ugaliing mag-init ng tubig araw-araw upang maging laging handa kapag dumarating ang mga sitwasyong ito. Teka, paano ka nga pala magkakaron ng mainit na tubig kung wala na kayong gas? Simple lang, makiinit o humingi ka muna sa kapitbahay o gumamit ng charcoal stove kung meron. Pwede ka rin magluto sa loob ng CPU mo kung alam mong paano gawin. Pero wag mo na subukan, papakin mo na lang ang noodles upang maiwasang makasira.
[Continue reading...]

Saturday, June 18, 2011

Computer Terminologies

- 0 (mga) komento
Computer Terminology Series
A.K.A GKTionary Beta



User-friendly - Pagiging mabait sa taong gumagamit sa iyo. Sila ang mga taong palagi mong hinihingian ng pabor pero hindi makatanggi. Mabait pa rin kahit alam nang inaabuso dahil sila ay friendly at may pakisama.

User - Sila ang mga taong gumagamit ng mga user-friendly para sa sariling kapakanan. Malamang nabiktima ka na nito, at kung gano'n, naging user-friendly ka na rin.

Graphical User Interface (GUI) - Mga nakikita sa isang user. Maaaring taktika ng panggagamit, mga istilo, at mga senyales na kung ikaw ay kanilang gagamitin. Sila rin ay magaling magdrowing ng mga bagay-bagay (magsasabi ngunit hindi naman tutuparin).

EULA - Acronym ng End-User License Agreement. Ito ang napagkasunduan ninyo ng kaibigan mong User. Kapag nagawa mo na ang pinagagawa niya, tapos na ang usapan, ngunit hindi ibig sabihin na wala na itong kasunod.

Buffering - Pakikinig sa kausap o kakwentuhan.

Buffer Underrun - Nangyayari kapag mabilis masyado ang taong pinakikinggan o kausap, o kapag mabagal umintindi ang taong kausap at nahuhuli na ito at maaaring sabihin niyang, "pakiulit" o "ano iyon ulit?". Kung nagsasabi ka ng isang joke, ito ay ang late na reaksyon ng pagtawa dahil hindi niya agad nakuha ang iyong sinabi.

Cache - Pansamantalang mga bagay-bagay na iyong kinakabisado. Ito ay mga bagay na inilalagay mo sa iyong isipan kapag may quiz, long test at iba't-ibang klase ng exam.

Caching - Pagkakabisado ng mga bagay-bagay upang hindi bumagsak sa exam.

Register - Isang maliit na storage na nakalagay sa utak palatandaan kung napapansin mo ba ang isang bagay o hindi. Isang halimbawa ay kapag tinanong ka ng, "Pare nakita mo ba 'yung kanina?" at sinabi mong, "ah, hindi, hindi ko napansin eh", kahit nakita ito ng dalawang mata mo. Ibig sabihin, nakita mo ito ngunit hindi ito nag-register sa utak mo.
[Continue reading...]

Mentally Absent sa Attendance

- 0 (mga) komento
Mentally Absent sa Attendance
Hunyo 11, 2011

Sa loob ng tatlong oras, hawak ko ang bolpen ko pero wala naman akong isinusulat. Nakaupo sa armchair na bagong pintura, kasama ang mga dating kong kaklase na nagkukuwentuhan, nakatulala lang ako sa aking inuupuan at nag-iisip kung ano ang magandang isulat sa mga oras na ito habang walang ginagawa. Marami pang tinta ang bolpen ko pero lumalabo na ang sulat nito. Marahil bukas o makalawa, kailangan ko nang bumili ng bago.

Alas tres na ng hapon. May klase kami doon sa kabilang silid. Hindi pa naman dumarating ang propesor kaya nandito muna ako't nagmumuni-muni. May klase rin dito sa silid na ito, ngunit hindi pa rin dumarating ang kanilang guro. Sa tagal ng oras na nasasayang at wala akong naisusulat, maya-maya'y napansin ko na ang ilan kong kaklase na nandito kanina ay bigla na lang nawala. Naku, andun na yata si mam at nandito pa rin ako't nakatunganga. Dali-dali akong pumunta sa aming silid at umupo sa bakanteng upuan. Hindi ko na inabutan ang attendance sheet para mapirmahan. Absent na naman ako. Binalak kunin ng aming president ang attendance sheet kay mam, pero hindi na niya ito nakuha.

President (Itago na lang natin sa pangalang Pingu): "Mam puwede pa po makuha yung attendance sheet? May hindi pa po kasi nakapirma eh."
Mam O: "Ibinigay mo na sa akin eh. Wala na absent na yan."
Pingu: (Bumalik sa upuan) "Sori, wala na eh."

Badtrip akong pinagtinginan ng mga kaklase kong nakapirma. Ako na naman ang napag-initan. Ang hirap talaga kapag napag-iinitan ka, ikaw palagi ang talo at wala kang karapatan upang ipaglaban ang sarili mo lalo na't guro ang kalaban mo. Wala akong nagawa kundi hintayin na lang matapos ang klase. Naibigay ko naman ang aking class card, pero considered absent ako dahil hindi ako nakapirma. Ilang minuto lang naman akong nawala, pero ito ang naging kapalit - isa sa mga unang araw ng klase, absent ako samantalang maaga na akong pumapasok ngayon. May record na sana akong hindi ako late o absent sa loob ng isang linggo, pero dahil nga ganito ang nangyari, balewala ang pagbabago ko. Tinanggap ko na lang kung anong nangyari ngayon. Ganito talaga ang buhay, minsan maganda, minsan hindi. Gaano nga ba kadalas ang minsan? Lahat ng mga pinalad na nakapagtapos dito sa pamantasan, dumadaan muna sa kanya. Mga pinalad nga talaga sila. Kung sa bagay, kasalanan ko rin kung bakit ako nahuli ng mga isang minuto kaya hindi ako nakapirma. Isinusulat ko kasi ang sanaysay na ito.
[Continue reading...]

Friday, June 17, 2011

Pasukan Na Naman

- 0 (mga) komento
Pasukan Na Naman

Hunyo 6, 2011 - Simula ng klase sa taong ito. Ang ibang paaralan at unibersidad, sa Hunyo 13 pa upang mapagbigyan ang mga tinatamad pang pumasok at makapaghanda ang mga wala pang babaunin. Simula na naman ng magkahalong kalbaryo at saya para sa mga estudyante, panibagong pagkakataon para tuparin ang mga ang mga pangarap sa buhay, at panibagong pagkakataon para makapagtapos ang mga napag-iiwanan at umuulit. Simula na naman ng pamumroblema ng mga magulang sa mga anak na aral-baon - mga pumapasok lang pero hindi nag-aaral; mga estudyanteng isang dekada kung manatili sa hayskul pero walang nakukuhang diploma.

Isang malaking pagsubok ito para sa mga magulang na may anak na pinag-aaral. Ang baon ng kanilang anak na sinasabayan pa ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at mga bayarin sa eskwela na minsan ay kwestyunable (spiritual fee? energy fee?) at iba pang mga gastusin ay iniaasa lamang sa sweldo na minsan lang kung itaas ng gobyerno tapos lagi pang nadedelay.

Kasabay ng pasukan, muli namang nabubuhayan ng dugo ang mga nedosyante at ilang mga naghahanapbuhay. Ganado na naman bumiyahe si manong drayber na mahilig manigarilyo pero wala namang lisensya para makapagmaneho. Magkakaroon na ulit ng laman ang mga karinderyang hindi tinatao. May bibili na ulit sa mga tindahang may kostumer lang kapag may pasok. Kikita na ulit ang mga titser na nagtitinda ng longganisa at tocino sa klase. At higit sa lahat, madadagdagan na naman ang mga mabibiktima ng mga holdaper na ang target ay mga estudyanteng ginagabi. Kung mapapansin, hindi lang para sa estudyante ang pasukan, kundi para rin sa mga taong naghahanap-buhay.

Ang araw ng pasukan ay parang araw ng pasko kung paghandaan. Para sa mga estudyanteng maaarte, gusto nila bagong lahat ng gamit. Bagong bolpen, notbuk, bag, sapatos, uniporme, pati school na papasukan gusto bago taon-taon kaya hindi makatapos-tapos. Hindi nila naiisip na taon-taon maraming nasasayang na mga notbuk, papel at iba pang mga gamit na maaari pang gamitin pero itinatapon na lang imbis na pakinabangan. Puspusan ang paghahanda ng mga eskwelahan. Pinaghahandaan nila ang pagdating ng mga estudyanteng magbibigay ng laman sa kanilang mga "pondo". Pinapipinturahan nila ang mga pader, armchair at mesa upang masulatan ulit at malagyan ng panibagong kodigo. Pinaghahandaan ang kanilang lesson plan na isang dekada nang nahuhuli pero patuloy pa ring ginagamit. Pati mga magulang ay puspusan din ang paghahanda. Pinaghahandaan nila ang paggising nila ng maaga sa kanilang mga anak, ang kanilang mga susuutin kapag napatawag sila sa eskwela, excuse letter na may pirma, ang kanilang mga ibibigay sa titser kapag kailangan sumipsip, at syempre ang perang babaunin ng kanilang mga anak. Baong pera na gagamitin para makapaglaro ng dota at iba pang computer games, pangload sa cellphone, pang-gimik, at kung anu-ano pang bisyo. Pati mga barker ay naghahanda rin para sa mga estudyanteng maaarte na ayaw masikipan sa loob ng jeep kapag malapit nang mapuno. Hindi naiisip ng mga maaarteng ito na sumisikip naman talaga ang jeep kapag mapupuno na, mauna ka man o mahuli sa pagsakay.

Sa unang araw ng pasukan, karamihan wala pang nagaganap na klase, pero may ilan na hindi pa man nakapagpapakilala ang prof, nagkaklase na agad tapos quiz at magpapa-asayment sa huli.

"Pakilabas ang class cards. Isulat ang pangalan, subject at sched tapos bilugan ang singko."

Kokolektahin muna ang mga dapat kolektahin - final list ng mga enrolled sa klase, class cards, mahiwagang mga bayarin, indes card, 1x1 picture at kung anu-ano pa.

Para sa mga bagong saltak o mga freshmen at fresh-tranfer, get to each cellphone number at FB, este each other pala, ang unang activity. Tapos ay dito na magkakaroon ng "flocking" o ang pagsasama ng mga may magkakaparehong katangian (parehong brip, walang brip, etc. joke). Nagsasama-sama ang mga nagdodota, mga fashionista, mga maaarte, mga loko-loko, mga sosyalista, mga emo, mga matalinaw, mga masisipag (if any), at mga nagsisipag-sipagan. Meron din namang pinipili na lang na maging mag-isa kaysa ma-OP sa mga kinakasama.

Student 1: "Pare, ba't mag-isa ka? emo ka ba?"
Student 2: "Hindi, mag-isa lang ako."

Sa mga susunod na araw, unti-unti mong malalaman ang mga tunay na ugali ng mga tao sa paligid mo. Malalaman mo, ang katabi mo pala ay ex-convict, ang kakopyahan mo ay snatcher, kinakasama mong mga holdaper, at kasabayan mo sa paguwi na mandurukot pala. Malalaman mo sa pagdaan ng mga araw kung sino ang dapat dikitan at iwasan, kung sino ang mga nanggagamit, kung sino ang clepto sa klase na nangunguha ng pitaka, kung sinong plastik at sino ang dapat at mga hindi dapat pagkatiwalaan.

Maraming paghahanda ang kalakip ng pagdating ng pasukan. Taon-taon man itong dumadaan, hindi pa rin pare-pareho ang nagaganap dahil sa pabago-bagong klima, presyo ng bilihin, teknolohiya, at pamamaraan sa pagtuturo. At kahit taon-taon ang pagdating ng pasukan, nananatili pa rin ang mga problema sa bansa na dapat ay matagal nang nalutas ng edukasyon kundi lang dahil sa kurapsyon.
[Continue reading...]

Wednesday, June 15, 2011

Unli-Rice Tips

- 1 (mga) komento
Unli-Rice Tips

Uso na ngayon ang mga kainang unlimited ang kanin, pero ang presyo ng pagkain, para lang dinagdagan ng tatlong extra rice. Dalawa sa pinakasikat na mga unli-rice kainan ay ang Mang-Inasal at Casa Reyes na merong Java rice. Ang dalawang kainan na ito ay may halos kaparehong menu pero nagkaiba lang ng konti sa service at ingredients. Ang mga single orders nila, o yung mga hindi unli rice kung mapapansin niyo, dagdagan mo lang ng tatlong extra rice, para ka na ring nag-unli rice.

Marketing strategy nila ito para sa mga taong nakakatatlong extra rice kapag kumakain at sa mga taong takaw-tingin na akala mo malakas kumain. Dito sila kumikita dahil yung mga nag-uunli rice, dalawang kanin pa lang busog na. Pero mas convenient pa rin kumpara sa bukod kang bibili ng extra rice, dahil hindi mo na kailangan pumila sa counter at maghintay kapag gusto mo ng extrang kanin.

Para malubos-lubos mo ang inorder mong unli-rice, makattalo o higit ka pang extra rice. Dahil kung hindi, dapat ay nagsingle order ka na lang. Huwag kang magtipid sa kanin habang kumakain, at ulam ang iyong tipirin. Huwag mahiyang humingi pa ng kanin kung hindi ka pa nabubusog o nabibilaukan. Siguradong sulit ang bawat kain mo kung ganito ang iyong gagawin. Mabuti nang busog kaysa gutom, dahil hindi mo alam kung may pagkain ba sa inyo paguwi mo wala. Ngunit huwag pilitin ang sarili kung talagang hindi mo na kaya dahil maaaring ma-apendicitis ka at maospital dahil sa iyong katakawan.
[Continue reading...]

Mga Makabagong Bugtong

- 0 (mga) komento
Mga Makabagong Bugtong


Isinuot ko, pero hindi ko binuhol
-Supra Shoes

Isda ko sa mariveles, hindi ko makain-kain
-Botsang Isda

Magandang Prinsesa, nakaupo sa hita
-Hostess

Dalawang magkaibigan, nagtitikiman
-Brokeback Buddies

Mga salitang nais kong sambitin
Ay akin nang naipadala
Paningin mo'y biglang nagdilim
Hindi mo pala nakuha

-Unsent Text Message

Nang aking tiningala, muntikan na akong mabangga
-Malaswang Billboard sa EDSA

Ako'y may kaibigan, kausap ko kahit saan
-Imaginary Friend
[Continue reading...]

Tuesday, June 14, 2011

An Event In Exhibit

- 0 (mga) komento
An Event In Exhibit
March 9, 2011

Isang gabi, sa design lab, araw ng pinagawa sa amin na exhibit ng mga operating system bukod sa windows.. Iba't iba ang gimik ng bawat grupo. Kanya-kanyang klase ng kostyum na angkop sa operating system na ine-exhibit nila. Iba-ibang klase ng souvenirs ang pinamimigay. Ang mga flyers, tinatapon lang pagtapos mabasa. Kaya sigurado, mamaya pagtapos nito gabundok na kalat ang kailangan itapon. Maya-maya, isang 4th Year ang lumapit sa harap ng aming booth at sinubok ang kaalaman namin sa linux. Nasa gilid ako ng booth nang siya ay magtanong.

audience na maangas (with "ahhh, ganun pala" style): bakit marami gumagamit ng windows kung halos perfect na ang linux?

kathleen (kaklase ko): ... blah,blah,blah.. (marami syang sinabi na hindi ko na matandaan at alam kong hindi iyon ang hinahanap na sagot ng maangas na nagtatanong)

ako(sa isip ko): Una sa lahat hahanapin mo yung refresh pag-rightclick mo sa desktop. Pangalawa tamad ka magtata-type ng commands sa terminal para lang i-run ang paborito mong windows program(so bat ka pa nag-linux). pangatlo, hindi ka marunong gumamit ng GIMP, kasi photoshop lang ang alam mo gamitin. Hahanapin mo rin ang nero kasi hindi mo alam ang brasero. Pang-apat, Hindi mo alam ang gagawin mo kapag nag-crush ang linux. Pang-lima, komportable kang naba-virusan kesa hindi, tsaka sanay ka sa mabagal na OS. Pang-anim, smartbro kasi gamit mo, wala kang pambayad ng monthly. At pang-pito, pag nasira windows mo, pormat lang ang alam mong solusyon. Ikaw tanungin mo sarili mo bat windows OS mo, hindi linux eh kung perfect na ang linux?

audience na maangas: pamilyar ka ba sa terminal?

ako: (pressed Alt+F2, typed gnome-terminal, then enter)

audience na maangas: ah,..(walked-away.)

Akala ko no'ng una, 2nd year lang ang pandak na lumapit. Pero 4th pala. Siguro umaapaw na sa kaalaman ang taong iyon kaya ganoon na lang ang asta niya sa mga taong akala niya ay walang alam. Isang pagkakamali ko lang, hindi ko naipagtanggol ang grupo namin sa kanyang kayabangan kundi sa pamamagitan lang ng pagpapalabas ng Run Dialog Box sa linux na karaniwang hindi alam ng mga first-time linux users. Alam niyang karamihan ay walang alam pagdating sa linux, pero hindi niya alam na hindi ako isa sa "karamihan" na iyon. Kulang siya sa pang-unawa pagdating sa mga karaniwang tao. Marahil kapag nakatingin siya sa salamin, siya ay nakatingala. Tinitingala niya ang kanyang sarili. Hindi niya nauunawaan na hindi naman lahat ng tao, kagaya niya mag-isip. Kaya minabuti ko na lang na tumahimik dahil walang patutunguhan ang pagdedebate namin kung sasagot ako at makikipagtalo. Alam kong alam niya rin na marami talaga ang sarado ang utak, pero hindi iyon sapat upang sila ay alipustahin at pakitaan ng pagmamayabang, at palabasin na wala talaga silang alam. Ang kaalaman ay walang saysay kung hindi mo ito ibabahagi sa mga taong nangangailangan nito.
[Continue reading...]

Pancit Canton The GK Way

- 0 (mga) komento
Pancit Canton The GK Way

Mahilig ka bang kumain ng Lucky Me! Pancit Canton at iba pang mga instant noodles? Kung ganoon, para sa iyo ang blog entry na ito. Kung hindi naman, edi hindi. Marami sa atin mahilig kumain ng instant noodles lalo na kapag wala nang choice. Meron ding mga pinalaki sa Lucky Me! at Pancit Canton. Naging bahagi na ng buhay ang instant noodles dahil sa dali nitong lutuin. Kahit grade 1 kaya ang magluto nito. Magpakulo ng tubig, ilagay ang noodles, hintayin, isala at haluin. Sa simpleng instructions na ito, meron ka nang masarap na noodles na mas mabilis pa sa pagsasaing.

Pero ang pagkain mo ng pancit canton ay lalo mo pang maeenjoy sa pamamagitan ng aming trick na ibabahagi ko sa inyo ngayon. Pancit Canton the GK Way - Ito ang klase ng pagluluto ng pancit canton na talaga namang mabubusog ka kahit isang pouch lang ang lutuin mo. Mas effective ang paraang ito kung kayo-kayong magbabarkada ang kakain, dahil ang konsepto ng teknik na ito ay paramihin ang noodles. Mas dumarami ang noodles kapag mas maraming pouch ang lulutuin ng sabay-sabay.

Kapag ginamit mo ang teknik na ito, lima hanggang sampung bahagdan ng noodles ang madadagdag sa bawat pouch na lulutuin mo sa isang kaldero. Mas tipid, hindi ba? Samahan mo pa ng juice bilang inumin at solve na ang meryenda niyo habang nagkukuwentuhan o nagtatalo sa isang bagay.

Paano nga ba ginagawa ang pancit canton the gk way?
Heto ang step-by-step procedure ng aming sikreto:
1. Bumili ng pancit canton o katulad na instant noodles sa inyong suking tindahan.
2. Habang nagpapakulo ng tubig, buksan ito ngunit huwag sisirain ang pouch at panatilihin itong maayos. Ilabas lamang ang seasoning.
3. Dahan-dahang durugin ang noodles sa pamamagitan ng pagpisil-pisil nito sa pouch pero yung hindi masyadong durog na parang pinulbos mo na ang noodles, 'yung parang salamin lang na nagkapira-piraso.
4. Ilagay ang noodles sa kumukulong tubig at pakuluin sa loob ng tatlong minuto.
Tip: Kung whistle pot ang ginagamit mo sa pagpapakulo, ilagay ang noodles kapag narinig mo na ang notang 'Mi'. Huwag muna ilagay kung 'Do' pa lang ang narinig mo na karaniwang nauunang tumunog. Kung kaldero naman, huwag muna ilagay ang noodles kapag hindi pa masyadong kumukulo o bumubula. Ilagay ang noodles kapag kulung-kulo na ang tubig.
5. Habang naghihintay, ihanda na ang seasoning sa isang pinggan o bowl. Haluin ito ng mabuti.
6. Salaing mabuti ang noodles ngunit ingatang may matapon habang nagsasala.
7. Paghaluin ang noodles at seasoning sa pinggan o bowl.
8. Ngayon ay handa na ang pancit canton!
Tip: Huwag kalimutang mamigay kung may inggiterong nanghihingi. Alukin ang mga taong nasa paligid upang hindi pagkamalang maramot (80% probability, tatanggi naman 'yan kapag inalok).

Hindi lang nagmukhang marami ang pancit canton sa pamamagitan nito, naging mas madali pa itong kainin dahil naging buhaghag ang noodles.
Subukan na ang teknik na ito at nang makita mo ang kaibahan!
[Continue reading...]

Thursday, June 9, 2011

Don't Judge The Disk By It's Brand Name

- 0 (mga) komento
Don't Judge The Disk By It's Brand Name
(A Guide to Optical Disks and Better Burning)

Marahil nakakita na kayo ng CD, DVD at Blu-Ray Disk. Baka kasi hindi pa. Maraming brands ng CD's at DVD's ngayon ang kumakalat sa mga tindahan. Ilan dito kilala niyo ang brand, ilan naman nakilala na lang dahil palaging nakikita.
At siyempre meron ding mga hindi kilala. Tulad ng pagbili ng mga appliances at gadgets, tinitingnan mo muna ang brand, at kung branded (actually lahat naman branded, sa quality lang nagkatalo) halimbawa Sony, alam mong maganda ang kalidad nito kumpara sa mga china brands. At kung sapat ang pambili mo, ito na agad ang kukunin mo.

Sa mga nad-ccd burn, o mga nagbaback-up ng files regularly at iba pang may business that includes disk burning, malamang na ang mga binibili nilang disks ay mga branded, o kilala ang brand. Ang brand name kasi ay may malaking impact para sa mga kostumer kaya mas binibili ang mga "branded" disks. Iniisip ng mga kostumer na mas matibay ang mga binili nilang bulto ng mga "branded" disks kaysa sa mga disks na hindi kilala ang brands o mga CD-R King "lang" ang tatak. Ang konsepto ng brand name pagdating sa CD's at DVD's ay napag-alaman kong mali lalo na kung pag-uusapan ang tibay at archival quality ng mga ito.

Sa apat na taon kong pagbuburn ng disks at pagbabackup ng files, nalaman ko na ang kalidad ng mga disks ay hindi nakabatay sa brand name nito, kundi sa kanyang DISC-ID. Ang disc-id ang nagsisilbing batayan kung anong klase nabibilang ang disk pagdating sa quality - Kung first class (yung matibay at maganda sa archiving), second class (yung pwede na sa pang-araw-araw), o yung third class (yung pwede nang itapon pagtapos mo iburn). Sa disc-id nakalagay ang impormasyon tungkol sa manufacturer nito, at dito tinitingnan kung maaasahan ba ang disc na binili mo o hindi. Paano nga ba nalalaman ang disc-id ng disc? Sa pamamagitan ng DVD-Identifier, malalaman mo ang impormasyon tungkol sa disc na binili mo tulad ng supported speed, type of disc, supported booktypes, at ang pinakamahalaga, ang disc-id.

Narito ang aking sariling listahan ng mga CD/DVD na ginawa kong batayan. Nang malaman ko ang disc-id, nagsimula na akong magtala ng mga disc-id ng bawat disks na binili ko, at inilista ang mga ito.

First Class
Manufacturers: Taiyo Yuden, Mitsubishi, Verbatim.
Discs brand: CD-R King, DG QCP, iOmega, AFA, EliteM, Illusion, Kodak at Verbatim(Lightscribe at Digital Movie)
Ang mga disc na ito ay maaasahan sa archiving at karamihan ay nagkukubli sa mga brands na hindi mo akalain na first class pala lalo na ang CDR-King.

Second class
Manufacturers: CMC Magnetics, Prodisc, Optodisc.
Disc Brands: Verbatim (silver gray), Illusion (peke), Kodak (silver peke), Philips, HP Lightscribe, TDK, Maxell, Fortis, AFA (peke), Sony, at iba pang gawa ng CMC Magnetics.
Description: Ang mga disc na ito, kung mapapansin niyo, ay mga "branded" na discs. Nililinlang lamang kayo ng mga brand name na iyan, kaya sa halip ay bumili lamang ng first class.

Third Class
Manufacturers: Benq, hindi ko na alam yung iba pa.
Disc Brands: Mga discs na pangit ang coating, hindi maganda ang packaging, mga napakamura at manipis, mga damaged ang design/coating, at yung branded pero hindi pantay o perfect ang design at manipis.
Description: Ayun nasa taas kasasabi ko lang :). Huwag niyo nang subukan bumili ng mga ganitong klase ng discs, magtiyaga na lang kayo sa second class upang hindi masayang ang pinambili niyo.

Additional Tips

Kung bibili ka ng mga optical disks, tingnan muna kung may gassgas o alikabok ang mga ito bago tanggapin upang maiwasan ang palpak na burn. Huwag rin masyadong pagdikitin ang mga ito sapagkat ang masyadong pagkakadikit ng mga disk sa isa't isa ay lumilikha ng permanenteng gasgas sa disc. Karamihan kasi sa mga tindera ay hindi pa nabasa ang entry na ito (joke). Karamihan sa mga nagtitinda walang pakialam kung maayos ba ang packaging ng disk o hindi, at isinisiksik nila ito gamit ng expandable plastic wrap.

Kung nakabili naman ng disc na may gasgas, o nagasgasan ng hindi sinasadya, o may alikabok na hindi matanggal at pinilit mong tanggalin kaya nagasgas, o kaya nalaglag sa sahig tapos naapakan bigla ng aso niyo tapos nabadtrip ka dahil nagkagasgas, gamitin ang "verify" function ng iyong burner upang masigurado kung maayos ang pagkakaburn ng data sa disc. Ang "successful" na sinasabi ng burner mo matapos magburn ay ang pagiging successful ng burner mo na 'i-send' ang data sa disc. Hindi ito ibig sabihin na natanggap ng disc mo ang data successfully, kaya para malaman ito, kailangan mo itong i-verify.

Kung magkaroon ka man ng mga palpak na discs, huwag mo itong itapon. Ipunin mo lang ang mga ito kasama ng mga luma mong discs na hindi na ginagamit o sira na dahil maaari mo pa itong ibenta sa junk shop. Dati 30 pesos ang per kilo nito. Na naging 25 na lang. Di ko alam kung magkano ngayon. Kapag nagbenta ka naman ng disk at may butal sa timbang. Halimbawa 1 kilo and 1/4 tapos ang binigay sa iyo ay 1 kilo lang ang presyo, kunin mo ang 1/4 na cd na hindi kinonsider sa timbang at idagdag mo na lang ito ulit sa susunod mong ibebenta para hindi masayang. Naranasan ko na kasi ito noon, sinusubukan akong dayain ng nagtitimbang. Per kilo lang daw ang binabasa nila sa CD, eh 1 3/4 yung timbang. Kaya kinuha ko yung 3/4 at pinatimbang ko lang ang 1 kilo.

Para sa mga tamad magburn, siguro hindi ganoon kahalaga ang files niyo at tiwalang-tiwala kayo sa mga portable hard disk at USB niyo na prone-to-nakaw, prone-to-hiram, prone-to-sira, prone-to-corruption at prone-to-holdap. Palaging tandaan na mas mabuti nang malaglagan ng barya kaysa mawalan ng pitaka (kung ikukumpara mo ang DVD sa Hard disk).

Palaging magbackup ng files sa matitibay na medium upang maiwasan ang pagkawala ng mahahalagang dokumento na dulot ng hardware failure.
[Continue reading...]

Tuesday, June 7, 2011

Pera (Part 2)

- 0 (mga) komento
Ang pera ay hindi masama. Nasa gumagamit nito ang kasamaan. Ang pera ay gawa lamang ng tao, isang bagay na hindi dapat sinasamba ninuman. Ang perang papel ay yari sa cotton at linen. Ang mga barya naman ay yari sa copper, brass, nickel at zinc. mga simpleng bagay na ito ang bumubuo sa pera. Nasa bulsa mo lang, minsan sa pitaka, sa wallet. Minsan nakatago sa sapatos, sa tainga, sa bibig, sa bra, at minsan pinupulot mo lang sa bulsa ng iba. Pera na ang naging kagamitan sa pagpapalitan ng kalakal at serbisyo. Hindi ka na mabubuhay ng matagal sa sarili mo kung wala kang pera sa panahon ngayon. Ano pa nga ba ang kayang gawin ng pera?

Ang pera ay hindi nakabibili ng tunay na pagmamahal, tunay na kapangyarihan, tunay na kaibigan, at tunay na kalayaan. Pero isang bagay ang nalaman ko. Nakabibili ang pera ng mga katulad nito. Tulad na lamang sa panahon ngayon, na ang mga kandidato ay bumibili ng boto. Ang mga lalaking sawa na sa asawa, bumibili ng serbisyo sa mga nagtitinda ng serbisyo ng asawa. Ang mga gusto ng aliw, bumibili ng aliw sa mga nagbebenta ng aliw. Pati kaluluwa, naibebenta na rin kapalit ng anumang hilingin mo sa buhay, pero no return, no exchange, no regrets dahil earn now pay later ang patakaran kapag kaluluwa na ang pinag-uusapan.

Meron naman na ginagamit ang pera nang hindi direkta para makamit ang ninanais na bagay. Kung susuriin, mas malinis na paraan ito kaysa sa pagbili ng serbisyo ng direkta. Ano nga ba ang ginagawa ng manliligaw para mapasagot ang nililigawan? Ang pinakamatipid na paraan ay ang paggamit ng talento mo sa pagse-salestalk lalo na kung type ka ng taong niloloko mo. Pero kung maluho, naku marami ka pang dudukuting barya. Meron akong na-formulate na equation upang malaman ang presyo ng kasintahan mo no'ng sinagot ka niya. (Pasintabi lang po sa mga nagbabasa, ito po ay pawang kalokohan lamang at walang layunin upang makapanakit ng damdamin ng kapwa)


Let us simulate the equation using the given details of the problem:
Nagsimula kang manligaw no'ng hiningi mo ang no. niya sa kaibigan niya, o sa anumang paraan. Siyempre nagload ka. Kinabukasan sinimulan mo na siyang load-an. Ngayon mayroon na siyang supply ng load dahil sa iyo. The next week, niyaya mo siyang lumabas. Tapos every week, may chocolate siya sa 'yo. Kung ang average na ginagastos mo sa isang araw (halimbawa medyo kuripot ka pa) P 150.00/day at niligawan mo siya sa loob ng dalawang buwan.


Congratulations, naka-siyam na libo ka! Ngayon i-calculate naman natin ang average ratio kung panalo o talo ka matapos niyong mag-break.


By simulating our equation, we use the sample problem as the basis: Halimbawa nagbreak kayo after a month. Ibig sabihin isang buwan lang kayo. Awts.


Conclusion: You've reach the 50% ratio! Ibig-sabihin kalahati na lang, bawi ka na. To summarize the concept of ratio, ratio ito ng panahon ng panliligaw mo at ng panahon na naging kayo. Mas mataas na ratio, mas mainam. Kaya ikaw huwag kang tatanga-tanga kung gusto mong magtagal kayo at umabot kayo sa altar sa harap ng maraming tao.

So much for that offensive but creative equation. Ang tanging layunin ko lamang po ay aliwin kayo sa inyong binabasa. Well, hindi naman dapat sinusukat ang pagmamahal. Hindi nasusukat ang pagmamahal sa pamamagitan ng pera. Hindi mo naman kailangan bumili ng teddy bear na pagkalaki-laki na sobrang sarap lamukusin dahil sa mahal ng presyo para lamang mapatunayan mo na mahal mo ang isang tao. Hindi naman pera ang binibilang mo kapag magkasama kayo kundi ang tibay at tatag ng inyong pagsasama. Katatagan na kahit oras at panahon ay kulang upang masukat ito.
[Continue reading...]

Thursday, June 2, 2011

The Legend Of Farmer's PC

- 0 (mga) komento
Ano nga ba ang Farmer's PC? Ito ang mga kompyuter na dati ay nagkakahalaga ng presyong ka-lebel ng mga High-end PCs tulad ng Core 2 Duo™ hanggang Core i7™, napaglumaan na ng panahon at napalitan ng makabagong specs. Ang tawag ko rito noon ay Lower-end PCs, dahil sa paniniwala kong wala namang PC ang mga farmers. Pero dahil nauso ang farmville, isang laro sa Facebook, nabigyan ito ng makabagong kahulugan, dahil sa mga nagsasakang farmers sa Facebook (na hindi mapakali kapag hindi nakapagpe-Facebook dahil mawi-wither daw ang kanilang mga pananim. Mabuti sana kung aanihin mo ang mga itinanim mo at pwede mong isaing o ibenta sa tunay na buhay) at tuluyan ko nang nai-adopt ang salitang Farmer's PC. Basta lumang dilaw, I mean naninilaw na PC, Farmer's iyon, in short.

Ang specs ng isang Farmer's PC ay sumasaklaw mula sa Pentium III (and equivalent processors) pababa sa pinakalumang processor na nabubuhay pa sa panahon ngayon. Ang pinakamabilis na Farmer's PC ngayon ay ang Dual Pentium III (o Pentium III Dual, 'di ako sigurado) na gumagamit ng dalawa, physically, na processor sa iisang motherboard. Ibig-sabihin, dalawa rin ang heatsink fan nito, at kaya rin nitong pantayan kahit paaano ang mga multi-threaded na processor ngayon dahil nga dalawa ang processor nito. Kaya ko sinabing physicaly dahil ang mga multi-threaded na processor ngayon ay nasa isang chip na lamang nakapaloob ang dalawa o higit pang core. Kung single core na Farmer's PC naman, ang pinakamabilis ay ang Tualatin™ processor, na may bilis na hanggang 1.24 GHz, mas mabilis sa Celeron™(socket 370) na hanggang 1.13 GHz lamang. Pero piling-pili ang mga motherboard na supported ng Tualatin™ kaya mas kumalat ang mga Pentium III, Celeron™(socket 370) at Coppermine™ na processors na supported halos lahat ng socket 370 na motherboard noong panahon na ini-release ito. Mayroong hardware hack para mapagana mo ang isang Tualatin processor sa isang Celeron-supported na motherboard, na tinawag nilang Tualeron (Tualatin na nag-aact na parang Celeron). Pero kung aalamin mo kung paano, mas mabuting huwag mo nang subukan dahil baka masira lang ang PC mong kulay yellowish white, o whitish yellow. Nalaman ko itong lahat buhat sa pagsasaliksik na mapabilis ko pa lalo ang Framer's PC na gamit ko ngayon mula nang masira ang Pentium 4 ko (technically Celeron 2.4 GHz).

Isa sa mga nalaman ko dahil sa mga Farmer's PC, ay ang bltahe ng bawat processor, na ngayon ay hindi na masyadong napapansin dahil napaka-flexible na ng mga bagong boards, na basta magtugma lang ang internal frequency o fsb ay puwede nang gumana. Sa pag-aasam kong pabilisin ang Farmer's PC sa bahay, tinanggal ko ito mula sa yellowish white o whitish yellow na case at inilipat ko sa black na casepara magmukhang napapanahon ang kompyuter. 866 MHz lamang ang speed ng processor nito, na 1.7 Volts ang kailangan, pero 1.75 ang setting sa BIOS kaya naging 870 MHz 'pag tinignan mo sa system properties.ASUS CUV4X-C ang motherboard - walang sound card na built-in, walang on-board na video card, at walang rin LAN. Shorted/sira ang PS/2 ports o keyboard/mouse ports, may dalawang USB 1.1 port sa likod, at dalawa ang ram slot sa loob (Max. 1GB). Kung mapapansin, maraming kulang, kaya binilhan ko ito ng mga piyesa, pati na bagong processor. Celeron 1GHZ ang binili ko mula sa isang member ng TipidPC.com sa halagang 200.Laking tuwa ko dahil mapabibilis ko na ang Farmer's PC na ito, pero nang testing-in ko na ito, ayaw gumana. Ayaw magboot. Akala ko sira, ayun pala kaya ayaw gumana ay dahil 1.45 Volts lang ang processor na nabili ko. Malas dahil ang pinakamababang boltahe na supported ng motherboard ay 1.75 Volts lang. Hindi ko na ito naibalik sa binilhan ko dahil 'compatibility is the buyer's responsibility'. Ayos lang, atleast meron akong processor na malapit nang mag-extinct.

Pinalitan ko rin ang RAM nitong 192MB (256 MB talaga kaso sira na yung isang 128MB na ram), binilhan ko ng dalawang 512mb na SDRam sa isang premium member ng TipidPC.Ang video card, originally 4MB na pinalitan ko ng GeforceFX 5500 na 256MB. Binilhan ko rin ng PCI Soundcard na 4.1 Channel, PCI USB 2.0 Card, nilagyan ng Lan Card, at isinalpak ko na rin ang DVD-Writer ko na malapit na magdalawang taon. Bago na rin ang keyboard at mouse nito (sa wakas), pati na rin headset at speaker, pero hindi ko muna ginagamit at itinabi ko muna dahil baka masira agad. Naka-tatlong libo ako sa Farmer's PC na ito, sa paghahangad kong makamit ang kanyang full potential at mapakinabangan pa ng husto, at mailayo sa panlalait.

Sa totoo lang, hindi naman talaga sa akin ang CPU na pinagkagastusan ko. Ipinaa-upgrade lamang ito sa akin para magamit sa JASHS Music Lounge, pero hanggang ngayon ay nasa bahay namin pa rin ito. Kapag nabayaran na ang mga nagastos ko, tsaka ko ito ibabalik sa sa bar at bibili ako ng bagong PC, 'yong Dual Core naman para masaya.

Hindi ito ang una o pangalawang Farmer's PC na dumating sa akin, kundi pangatlo. Ikukuwento ko ang history ng mga nauna kong PC, kasama ang unang PC ko na hindi Farmer's:

Ang unang Farmer's PC na nagkaro'n kami ay isang Pentium III 500MHz, na hindi mapormat kaya ipinaayos sa isang pinagkatiwalaang technician. Wala pa akong alam noon sa computer at isa akong complete noob. Dinala ng tech ang PC na ito sa kanilang opisina at doon "inayos". Sa kasamaang palad, ayaw na nitong bumukas nang bumalik sa amin. Isa lang ang ibig-sabihin nito, naloko kami. Kaya nagpasya si papa na mag-aral ng Computer Technician (isang bokasyonal na kurso) sa St. Peterville sa Tayuman para hindi na ulit kami maloko. Bumili na lang kami ng panibagong Farmer's PC sa Taguig (eto na yung pangalawa). Apat na libo ang nagastos namin lahat-lahat kasama meryenda at biyahe sa Celeron 1GHz na iyon. Kulay puti rin ito. Dinagdagan namin ito ng +256MB na ram, kaya 384MB ang total ram, at 40GB na hard disk para mas masaya. Kung gagamitin mo ang PC na ito, para ka narin gumagamit ng Pentium 4 dahil sa tweaks na inilagay at customization na Windows Vista™ inspired (June 2007 iyon binili at Vista pa lang ang uso). Malalaman mo lang ang bagal nito kapag naghahanap ka na ng mga bagong games at sinabi kong Pentium III lang iyon, o kapag nagcopy ka ng isang malaking file. Sa tulong ni ronnie, isa ring nabiyayaan ng Farmer's PC noon, wala akong ibang ginawa kundi magcostumize at mag-apply ng tweaks para lang mapabilis ang PC.

May 2009, isang magandang balita ang nanggaling kay Ronnie. May Pentium IV daw na ibinibenta, at agad namin itong pinatulan. Kinabukasan, ang Farmer's PC na akala mo may Windows 7 sa loob (yung may bangus na wallpaper), ay naibenta rin agad sa katrabaho ni papa sa chinatown sa halagang tatlong libo, pero 3 gives. Sabi ko, sa wakas hindi na ako Farmer's PC user! Naramdaman ako ang ginhawa nang subukan ko magcopy ng malaking file. Marami rin akong naging pakinabang sa Celeron 2.4GHz na iyon, dahil nakapag-CD burn kami kahit wala pa kaming internet, nagvideocam to cd transfer at cassette-to-cd din. Dito ko rin nagawa ang Windows GK Ultimate (na hindi man lang naappreciate dahil hindi napromote :'c ).

January 2010, nagkaroon kami ng internet, at naging maginhawa ang aking pagda-download (hindi na ko nagrerent sa labas at nagnanakaw ng bandwidth). Mas naging masaya ang linux experience ko (a.k.a. Penguinitis) nang magkaro'n kami ng internet, dahil adik ako sa linux nang panahong iyon at madali lang magupdate through repositories. Gumanda rin ang daloy ng business ng CD burning at mp3/mp4 downloads.

March 2011, nasira ang PC na pinagkukunan namin ng kita. Bumigay ang capacitor ng motherboard. Binilhan ko ito ng bagong capacitor pero mali ang nabili ko, kaya kasama ng ibang mga sirang piyesa ng kompyuter, ibinenta ko ang motherboard sa isang member ng TipidPC na isang Scrap Buyer. Umabot lahat sa 720 pesos ang mga naibenta ko. Nakalulungkot ngunit kailangan tanggapin ang katotohanan na ang lahat ng bagay ay may hangganan.

April 2011, inuwi ko ang isa sa mga Farmer's PC mula sa JASHS Music Lounge. Sadyang napakabagal ng PC, akala mo naghang na sa boot, pero hintayin mo lang ng 15-20 minutes puwede nang gamitin. Astig, kahit 4MB ang video card, bago ko i-format may nakainstall pang Flyakite OSX na isang themepack. Sabi ko ayos to ah, kinaya ang kalokohan ng dating gumagamit. Ito ngayon ang gamit ko. Sa pagtatype, pag-iinternet, pagwa-warez, pagpo-program, pagsa-soundtrip at panonood ng Penguins Of Madagascar series at iba pang mga pelikula. Para sa isang user na magsusurf lang sa internet, magttype at maglalaro ng dota, puwede na itong gamitin. Todo upgrde ba naman ang ginawa ko eh.

Noong una, sinisisi ko palagi ang Farmer's PC dahil sa bagal nito, at isinusumpa ko ang mga nabiyayaan ng malulupit na PC, na hindi naman marunong makaappreciate ng kung anong meron sila ngayon. Minsan nagrereklamo pa dahil mabagal daw, kahit Core 2 Duo na at may 2GB na ram pa. Hindi nila alam na may iba na nagtitiis sa Farmer's PC pero nakagagamit naman ng maayos. Pero kahit na mabagal ang Farmer's PC, napagisip-isip ko na marami pa rin itong naitulong sa akin. Kung sila nabiyayaan ng magandang PC, kami ni ronnie na gumamit ng farmer's PC ay nabiyayaan naman ng kaalaman sa kompyuter sa tulong ng mga naninilaw na CPU na iyon. Kundi rin dahil sa Farmer's PC, hindi kami makapagpapasa ng indie film na pinagawa sa amin noong first year/first sem ko sa PLM. Akalain mong nakapag-author ako ng isang 50-minute na pelikulang kami mismo ang nagshoot gamit lang ang Farmer's PC na binili sa taguig?. Anim na oras kong inedit(yung final edit), apat na oras kong sinave. Kaya rin ng 384MB ram with 32MB video card na PC na iyon ang Windows Vista. Oo, kinaya nito ang Windows Vista Ultimate (yung lite version). Medyo mabagal ng kaunti kaysa kung xp ang nakainstall at walang aero effects (pero kung linux, kaya nito ang higit pa sa aero effects). Boot time? Mas matagal lang siguro ng ilang segundo kaysa kung xp ang nakainstall. Ibinalik ko rin ito sa XP matapos ang isang linggo, gusto iko lang makaranas ng vista nang nung mga panahong 'yon.

Ayon sa aking pananaliksik, gumagana rin daw ang windows 7 sa Farmer's PC, pero hindi ko na sinubukan dahil alam ko namang gagana talaga kahit mabagal, kasi Vista nga kinaya eh.

Ang Farmer's PC na gamit ko ngayon mayroong kaunting PopCap games, Big Fish games at GTA Series (I,II,II,vice city at San Andreas). Oo gumagana ang mga GTA, pero yung San Andreas medyo mabagal na dahil siguro modded version ito. Meron ding Office 2010, Nero 10, enabled ng automatic updates (na gusto ko nang idisable pero ginagamit ng Security Essentials) at mga basic appz. Puwede na rin ito sa video editing, pero mabagal lang magsave.

Ang Farmer's PC na ito ngayon ay nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang makaipon ng pambili ng mas magandang PC. At dahil sa muling pagdating ng Farmer's PC sa computer table namin, marami na naman akong natutunan tungkol sa mga computer (yung mga binanggit ko kanina). Hindi man ito naibibigay paminsan-minsan ang bilis na hinahangad ko pagdating sa performance, binibigyan naman ako nito ng dahilan upang mgsumikap pa lalo para sa mas maganda at mas maginhawang pagkokompyuter. Kaya kayo na binigyan ng lumang pc, o pc na laging nasisira, gamitin niyo iyan bilang kasangkapan at gabay upang kayo ay maging isang Elite Computer user at huwag mainggit sa mga may magagandang PC, dahil hanggang diyan na lang ang mga iyan. Ang magagandang bagay ay dumarating sa tamang panahon.

Kung nag-enjoy ka sa pagbabasa mo tungkol sa Farmer's PC, maaari mo rin basahin ang Farmer's PC Overview na isinulat naman ni Niero.
[Continue reading...]

Saturday, May 28, 2011

Into The Fraud 2 - Battery

- 0 (mga) komento
Into The Fraud 2 - Battery
April 25, 2011 - Kinabukasan ng Easter Sunday



Sapat na ang nangyari tungkol sa RAM, para maulit muli ito ngayon. Kahit kailan, hindi na ako ulit bibili roon ng anumang parts ng PC. Inihahandog ko ang part 2 ng Into The Fraud, at ito ay tungkol sa Battery.

Bago ko ipagpatuloy ang pag-iinstall sa PC doon sa office, binilhan ko muna ito ng CMOS Battery sa Quiapo.

Una kong pinuntahan ang tindahan/watch repair na medyo malapit sa bar, bago tumawid ng recto.

Ako: Magkano po 2032 na battery?
Manong: 150.
Ako: (Gulat na napangiti) Mahal naman!
Manong: 3 volts kasi iyan.

At umalis ako nang natatawa. Tumawid ako ng recto, at pangalawa kong napuntahan ang tindahan/sanlaan ng relo na kahilera ng Isetan Mall.

Ako: Magkano 2032 a battery?
Manang: 120.
Ako: Ay, kulang dala ko eh.
Manang: (Habang papaalis na) Sige 95 na lang.
Ako: Singkwenta lang 'to eh.
Manang: (napatango na lang)

Naasar na napatango si manang sa sinabi kong presyo. Suno na pinagtanungan ko ng battery ay ang medyo katapat nitong watch repair na may pulang pintura.

Ako: Makano 2032 na battery?
Manong: 2032... 100.
Ako: Pwede bang singkwenta na lang?
Manong: (Paisnab) Ay, hindi!

At bigla na 'kong umalis. Dumiretso na lang ako sa binilhan ko ng CMOS battery tatlong araw ang makalipas. Wala na akong choice kundi ang tindahang iyon sa tapat ng Mang Inasal sa quiapo. No'ng bumili ako roon, 50 ang presyo niya sa akin, pero tinawaran ko pa ng 40 at ibinigay naman niya. Nakamura ako ng kaunti, pero no'ng araw na iyon, kinulang ako ng pamasahe, nagkulang ako ng dalawang piso, kaya nilakad ko hanggang sa divisoria, at doon na ako nag-jeep. Kinulang ako ng tawad, dapat pala 35 na lang. Pagdating ko ngayon sa tindahan, pawisan akong bumili. Hindi ko na tinawaran at binili ko na ito ng 50 pesos, dahil 50 naman ang inilagay ko sa resibong ibinigay ko kay Ma'am Clotha. Buti at may natira pang isa kay manong kalbs.

Pabalik sa bar, sumakay na ako ng jeep na dapitan, dahil malayo na rin ang nalakbay ko kahahanap sa tindahang mapagkakatiwalaan. Sa jeep, bago bumaba, tinanong ko kay manong drayber kung nagbayad na ba ako. Sabi hindi pa raw, naku buti nagtanong ako, kundi baka ipinahiya pa ako, sa harap pa naman ako ng jeep nakasakay.

Pagbaba ko, dumiretso na ako sa office, inilagay ang bagong battery sa PC, ang 512mb na ram, at ininstall ang mga kulang na softwarez.

Pagtapos ng mga pangyayari, o ng mga PANGyayarî, sa likod ng Raon Center at sa mga watch repairs, medyo namulat ang paningin ko pagdating sa mga lokohan. Sinasamantala nila ang pagka-walang-kaalaman ng mga taong bumibili ng produkto nila. Oo nga naman, hindi alam ng kostumer kung magkano ang puhunan ng binili nila, ang alam lang ay kung magkano ito nabibili, at hindi rin nila alam kung gumagana ba ang produkto kung binili nila itong hindi natesting. Pero kahit gano'n, eto ang masasabi ko sa mga nananamantala ng mga taong walang alam sa kanilang binibili: Hindi niyo alam na ang ipinambibili nila sa inyo ng inyong produkto ay kanilang pinagpawisan, pinagpuyatan, at pinagpaguran. Pinag-gugulan nila iyon ng oras, hirap, pagod at panahon para lamang mabili ang kanilang mga pangangailangan mula sa inyong mga nagtitinda. Mag-ingat kayo sa karma, dahil hindi niyo rin alam kung ang perang ibinayad ba sa inyo ay may sumpa, o may bombang nakakabit, na kapag inilagay mo sa bulsa ay biglang sasabog na lang matapos ang ilang minuto. Huwag niyong hintayin na matuto ang lahat ng tao sa inyong mga panloloko dahil kapag nangyari iyon ay kayo naman ang matututo sa mga pinaggagagawa ninyo.

Extrang tip para sa mga kabibiktima o mabibiktima pa lang:
Huwag ninyong balakin na magsumbong doon mismo sa istasyon ng pulis sa Quiapo dahil marahil pagtawanan lamang kayo matapos ninyong mabiktima. Hawak nila ang bawat kriminal sa makasalanang lugar na iyan. Mandurukot, snatcher, manloloko. Lahat iyan, kilala nila iyan dahil may porsyento sila sa bawat perang kinikita ng mga manloloko. Kaya kapag nagkaro'n ng raid akala mo nahuli na sila, iyon pala ay natimbrehan na ng mga kaibigan nilang pulis kaya biglang nakakapagtago, o kaya naman ay scripted ang pagkakahuli. Kaya kung nais mong maging matagumpay ang pagkamit mo sa iyong hustisya, isumbong mo kay Bong-Bong! Kay Tulfo, sa SOCO, o kaya ay ipagbigay alam sa Imbestigador ng bayan na si pareng Mike(Enriquez). Pero hangga't maaari ay huwag nang bumili sa tindahang walang permit, mga taong hindi kapani-paniwala, at mga tindahang walang permanenteng puwesto upang maiwasan ang mga ganitong problema. Bumili lamang sa mga pinagkakatiwalaang tindahan upang masiguro na ang biniling produkto ay may kalakip na pagtitiwala mula sa binilhang tindahan. Sana ay may natutuhan kayo mula sa aking pagkakamali. Iyan po ang Into The Fraud 2 at Maraming salamat!
[Continue reading...]
 
Copyright © . High's Kul... Life Online - Posts · Comments
Theme Template by BTDesigner · Powered by Blogger