Sunday, July 7, 2013

Ano'ng Nauna, Itlog o Manok?

- 2 (mga) komento
Ano'ng Nauna, Itlog o Manok? Lumang tanong na 'to. Noon pa lang pinagtatalunan na kung nauna ba ang manok o itlog. Kung itlog ang nauna, sinong nag-alaga sa itlog. Kung manok naman, saan nanggaling ang manok? Pero heto ang istorya tungkol sa kung alin nga ba sa dalawang ito ang nauna?



Noong unang panahon, nilikha ng diyos ang tandang. Ngunit dumating ang panahon na nalulungkot na ang tandang kaya mula sa tadyang nito, nilikha ng diyos ang manok. Magmula noon, naging masaya na ang tandang sa piling ng manok at nagkaroon sila ng maraming itlog.

Isang araw sinubok sila ng panahon. Tinukso ng bulate ang manok na kainin ang ipinagbabawal na palay. Ngunit hindi nito sinunod ang mapanuksong kutya ng bulate at kinain na lamang nito ang bulate. Kawawang bulate.

At iyon ang kuwento. Kung alin ang nauna? Ang tandang. Maaaring nauna ang manok, ngunit may mas nauna pa sa itlog at manok. Iyon ang tandang. Kaya sa susunod na itanong ito sa inyo, ang isagot niyo ay ang tandang dahil kadalasang hindi ito naisasama sa tanong kung alin ang nauna.
[Continue reading...]
 
Copyright © . High's Kul... Life Online - Posts · Comments
Theme Template by BTDesigner · Powered by Blogger