Ngayon ay May 28, 2013. Huli kong entry nung March 27. Dalawang buwan bago ako gumawa ulit ng bago. Update na lang tungkol sa kung anuman ang bago ngayon. Heto ako ngayon, graduate na. Nagtapos ako April 12, 2013. Sabi ng mga kaibigan kong di pa tapos mag-aral, manlibre daw ako. Pero sabi ko, ang mga nililibre, mga gumradweyt, at ang nanlilibre, yung mga magulang ng gumradweyt. Kung gusto niyo malibre, gumradweyt din kayo. Ewan ko ba sa mga 'to, nanlilibre naman ako pag may pera. Anyway, nagkaron nga pala ako ng bagong cellphone bilang regalo sa 'kin. Cherry Mobile Omega HD, google mo na lang for the specs,. Then after 25 days, nadukot sa LRT, Gil Puyat Station. Less than 6 hours lang naman ako nag-emo para sa cellphone ko dahil di ko pa naman talaga balak magka-cellphone na maganda at mas nalungkot pa ko sa pangyayaring sumunod no'n ding araw na iyon (hindi ko na ikukwento hehehe).
So gradweyt na nga ako. Now what? Tapos na, hindi na ko estudyante. Regular fare na bayad ko sa jeep, wala nang discount. Tambay na lang sa bahay 24 hours a day. Pero habang tambay, meron pa rin akong dapat pagkaabalahan, at iyon ay ang thesis na hindi na ko nilubayan. As usual hindi ko pa rin inaasikaso. Sarap sana mag-apply ng trabaho kung may pinatutunguhan. Pero gano'n talaga, kailangan magtiyaga para may sinaing, este nilaga. At kailangan makahanap na ko ng trabaho para makabili na ng sariling bahay, lupa, gamit, lahat basta sarili. Nakakasawa rin maging pabigat sa bahay. Tapos no'n pwede na mamatay muhahaha.
Iyon lang siguro. Trinry ko lang magsulat ulit ng bago. At heto nga pala, blog of a friend of mine, basahin niyo baka maging interesado kayo.
[Continue reading...]

http://ilovepinkypinkpastels.tumblr.comCute ang blog niya.